Nag-apply ako para sa Tulong. Ano ang Susunod?

Manatiling Nakikipag-ugnayan

Balik-aralan ang Iyong Aplikasyon

Pagberipika sa Pagkakakilanlan

Magsumite ng Dokumentasyon

Inspeksyon sa Tirahan

Kung mayroon kang insurance, dapat kang agad na maghain ng claim sa kumpanya ng iyong insurance kapag mag-apply ka para sa tulong sa FEMA. Ang paghahain ng claim sa kumpanya ng iyong insurance sa lalong madaling panahon ay makakatulong sa pag-iwas sa mga pagkaantala sa pagtanggap ng tulong ng FEMA. Hindi maaaring tumulong ang FEMA sa mga pagkawala ng mga pag-aaring saklaw na ng insurance. Kung hindi saklaw ng iyong insurance ang lahat ng pagkawala ng iyong mga pag-aari o kung naantala ang iyong insurance, maaari kang maging karapat-dapat sa tulong ng FEMA hinggil sa iyong mga pangangailangang hindi natugunan.

Maaari kang ma-iskedyul para sa inspeksyon sa tirahan. Batay sa iyong ninanais na paraan ng komunikasyon sa panahon ng iyong aplikasyon, tatanggap ka ng liham o elektronikong komunikasyon. Ipapaliwanag sa liham kung ikaw ay karapat-dapat sa tulong, kung magkanong tulong ang matatanggap mo, kung paano dapat gamitin ang tulong, at kung paano iaapela ang desisyon ng FEMA kung hindi ka sumasang-ayon dito.

Pagpapasyahan ang iyong tulong sa pamamagitan ng paghahambing sa iyong nakarekord na pagkawala ng iyong mahahalagang pag-aari at mga napakahalagang pangangailangan sa mga uri ng tulong na mayroon sa loob ng mga programa at serbisyo. Ang tulong galing sa FEMA ay hindi kagaya ng insurans at hindi nito kayang gawin buo muli ang mga nakaligtas. Ang pederal na tulong mula sa FEMA ay nagkakaloob lamang ng mga pondo para sa mga pangunahing pagkukumpuni para maging ligtas, malinis at matitirhan ang tirahan. Maaari ka ring mai-refer sa U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan sa Maliit na Negosyo ng Estados Unidos), o SBA, para sa mga disaster loan (utang na pansakuna) na may mababang interes para higit pang tumulong sa iyong pagbangon.

Manatiling Nakikipag-ugnayan

  • Maaaring magbago ang katayuan ng iyong aplikasyon nang ilang beses habang sinusuri ito. Maaari mong palaging tingnan ang pinakabagong katayuan sa pamamagitan ng pag-log in sa DisasterAssistance.gov.
    • Pagkatapos mag-log in, makikita mo ang bawat aplikasyon na ginawa mo sa FEMA. Piliin ang aplikasyon na nais mong tingnan. Pagkatapos, piliin ang tab na Katayuan (Status).
  • Kapag nag-a-apply, magkakaroon ka ng pagpipilian na mag-sign up para sa email, mga tawag sa telepono, at mga pag-update sa teksto. Maaari kang makatanggap ng mga opisyal na update mula sa FEMA sa pamamagitan ng:
    • mga tawag mula sa 1-800-621-3362 o 1-866-863-8673. Minsan maaaring tumawag ang FEMA gamit ang isang nai-rekordna mensahe ng boses upang bigyan ka ng impormasyon tungkol sa iyong aplikasyon.
    • mga teksto mula sa 43362 o 91908.
alert - warning

Manatiling alerto at protektahan ang iyong sarili laban sa mga scam, dahil malikhain at maparaan ang mga con artist. Ang mga pagtatangka sa scam ay maaaring gawin sa telepono, sa pamamagitan ng koreo, email, sa pamamagitan ng internet, o sa personal.

Kung nakatanggap ka ng mga kahina-hinalang email o tawag sa telepono, maaari kang tumawag sa FEMA Helpline sa 1-800-621-3362 upang mapatunayan kung lehitimo ang isang tawag o email sa FEMA.

  • Maraming uri ng tulong na maaaring karapat-dapat mong makuha. Habang sinusuri ang iyong aplikasyon, makikita mo ang mga pagbabago sa katayuan. Minsan para magpatuloy ang iyong aplikasyon sa proseso ng pagsusuri, maaaring mangangailangan ang FEMA ng karagdagang impormasyon mula sa iyo. Maaari mong ipadala ang mga dokumento gamit ang iyong pangalan at numero ng aplikasyon sa pamamagitan ng:
    • Pagpapadala sa FEMA, PO Box 10055, Hyattsville, MD 20782-8055.
    • Pag-fax sa 1-800-827-8112.
  • Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo ng ilang iba't ibang paraan upang kumpirmahin ang iyong pagiging karapat-dapat para sa isang uri ng tulong, tulad ng inspeksyon sa bahay o programa sa tirahan.
alert - info

Kung sinasabi ng katayuan ng iyong aplikasyon na, “Hindi naap rubahan,” maaari itong ay para sa iba't ibang mga kadahilanan. Suriin sa online para sa isang kopya ng iyong liham sa pagpapasiya na magpapaliwanag ng mga tiyak na dahilan na hindi ka naaprubahan. Sa maraming beses, kailangan lang namin ng ilang karagdagang impormasyon, o maaaring kailangan mong itama ang impormasyon.

Makipag-ugnayan sa amin sa 1-800-621-3362 o bisitahin kami sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna (Disaster Recovery Center, DRC) upang gumawa ng mga pagwawasto sa iyong aplikasyon. Maaari kang mag-upload ng mga dokumento sa iyong aplikasyon sa online.

Maaari ka ring mag-apela sa desisyon ng FEMA.

Pagbabalik-aral sa Iyong Aplikasyon sa DisasterAssistance.gov

Maaari kang lumikha ng online na account sa FEMA Disaster Assistance Center (DAC) sa DisasterAssistance.gov. Aatasan kang lumikha ng katangi-tanging Personal Identification Number (PIN, Personal na Numero ng Pagkakakilanlan) para sa ligtas na pag-access sa iyong impormasyon sa aplikasyon para sa tulong sa sakuna.

Sa iyong online account, maaari mong:

  • Balik-aralan ang iyong impormasyon sa aplikasyon para sa tulong sa sakuna
  • Magbigay ng mga update hinggil sa iyong personal na impormasyon at mga pangangailangan
  • Tingnan ang mga liham at pagmemensaheng ipinadala sa iyo ng FEMA
  • Kunin ang mga detalye sa mga karagdagang dokumento na kailangan ng FEMA upang iproseso ang pagtulong sa iyo
  • I-upload ang mga dokumento sa iyong file
  • Balik-aralan ang impormasyon na natanggap ng FEMA mula sa iyo

Pagberipika sa Pagkakakilanlan

Kung hindi maberipika ng FEMA ang iyong pagkakakilanlan sa panahon ng proseso ng aplikasyon, aatasan kang muling magsumite ng mga sumusuportang dokumento.

Mga Sumusuportang Dokumento para sa Pagberipika sa Pagkakakilanlan

Dokumentasyon upang beripikahin ang iyong pagkakakilanlan

  • Dokumentasyon mula sa Social Security Administration (Pangasiwaan sa Seguridad na Panlipunan), o ibang pederal na entidad na naglalaman ng buo o huling apat na numero ng iyong Social Security Numero (Itinalagang Numero para sa Seguridad na Panlipunan)
  • Social Security card kung ipinadala kasama ang pederal o kung ipinadala kasama ang pagkakakilanlang inisyu ng pederal na pamahalaan o ng estado
  • Ang dokumento ng pagpapasuweldo ng employer na naglalaman ng buo o huling apat na numero ng iyong SSN
  • Identipikasyon galing sa Militar
  • Ang iyon lisensya ng kasal upang makompirma ang iyong pangalan nang ikaw ay dalaga pa
  • Pasaporte sa Estados Unidos

Kung nag-apply ka para sa tulong sa ngalan ng isang mamamayan ng Estados Unidos na menor de edad para sa iyong sambahayan, dapat mong ipadala sa FEMA ang mga sumusunod:

Alinman sa mga dokumentong nakalista sa kaliwa, kung nasa pangalan ng bata O

Birth certificare ng bata AT kopya ng Social Security card ng bata o dokumentasyon mula sa Social Security Administration, o iba pang pederal na entidad na naglalaman ng buo o huling apat na numero ng SSN ng bata.

Pagsusumite ng Dokumentasyon

You can Bisitahin ang DisasterAssistance.gov to submit documentation and alamin ang kalagayan ng iyong aplikasyon online.

Ang pagkakaroon lamang ng sistemang online ay maaaring hindi makatugon sa mga pangangailangan ng mga nakaligtas sa sakuna, nagtakda rin ang FEMA ng mga Documentation Drop-off Center (Tanggapang Paghuhulugan ng Dokumentasyon) kung saan maaaring mag-apply para sa tulong ang mga nakaligtas sa sakuna, magtanong, o magpa-scan ng kanilang mga dokumento sa kanilang case file at maipabalik sa kanila sa tanggapan. Ang tanggapan ay pinapatakbo sa ilalim ng mahihigpit ng protokol hinggil sa COVID-19. Iniaatas ang mga mask at pantakip sa mukha para sa serbisyo at na manatili sa kanilang mga sasakyan ang mga nakaligtas sa sakuna habang sinasagot ng espesyalista ng FEMA ang mga katanungan at pinangangasiwaan ang mga papeles.

Hanapin ang Disaster Recovery and Document Drop-off Center (Tanggapan para sa Pagbangon sa Sakuna at Paghuhulugan ng Dokumentasyon

External Link Arrow

Inspeksyon sa Tirahan

Pagkatapos mong mag-apply sa FEMA, ang iyong kahilingan para sa tulong ay pag-aaralan upang mapagpasyahan kung ang inspeksyon sa tirahan ay kailangan upang maberipika ang pagkasirang dulot ng sakuna sa iyong tirahan at ari-arian. Upang protektahan ang kalusugan ng mga nakaligtas sa sakuna at inspektor sa isang kapaligirang may COVID-19, nagsimulang magsagawa ng mga remote na inspeksyon ang FEMA.

Kung iniulat mo sa panahon ng pagpaparehistro na nagkaroon ka ng kaunting pagkasira at maaaring manirahan sa iyong tirahan, hindi ka awtomatikong ma-iiskedyul para sa inspeksyon sa tirahan. Sa halip, tatanggap ka ng liham na nagpapaliwanag kung paano tatawagan ang FEMA Helpline upang humiling ng inspeksyon kung nakakita ka ng malaking pagkasirang dulot ng sakuna sa iyong tirahan pagkatapos mong mag-apply.

Huling na-update