Mga Karaniwang Sabi-sabi na Kaugnay ng Kalamidad

Madalas maraming sabi-sabi at pangdaraya pagkatapos ng sakuna. Gawin ang iyong parte upang pigilan ang pagkalat ng mga sabi-sabi sa pamamagitan ng paggawa ng apat na madaling bagay:  

  1. Maghanap ng mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon.  
  2. Magbahagi ng impormasyon mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan.  
  3. Pigilan ang iba na magbahagi ng impormasyon mula sa hindi na-verify na mga mapagkukunan. 
Graphic
A flooded street with a house and a rescue boat rescuing 2 people

Tugon sa Usap-usapan sa Bagyo

Panatilihing ligtas ang iyong komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga karaniwang mga usap-usapan tungkol sa mga bagyong Helene at Milton.

Suriin ang mga Usap-usapan

Mga Sabi-sabi

Gamitin ang dropdown na menu upang i-filter ayon sa uri ng tanong o uri ng keyword.

Ito ay mali. Sinusuri ng FEMA ang bawat aplikasyon sa tulong sa sakuna nang paisa-isa upang matukoy ang mga uri ng tulong na karapat-dapat mong matanggap. Ang iyong natatanging sitwasyon ang magtutukoy ng dami ng tulong na maaari mong matanggap.

Madalas na may mga nakapanlilinlang na pag-aangkin na ang FEMA ay magbibigay lamang ng isang itinakdang halaga ng tulong sa bawat taong mag-apply. Kabilang sa mga halagang karaniwang nakasaad sa mga nakapanlilinlang na pag-aangkin na ito ang $500, $750, at $1,000. Mahalagang tandaan na ang tulong ng FEMA ay hindi isang sukat na angkop sa lahat at ang tulong na natatanggap mo ay batay sa impormasyong ibinibigay mo kapag nag-apply ka. Maaari ka ring makatanggap ng maraming mga tseke mula sa FEMA na may iba't ibang halaga mula sa ilang daang dolyar hanggang ilang libong dolyar.

Maraming mga scam ang nagsasabi rin na maaari kang tumawag sa isang numero ng telepono upang makatanggap ng cash payment mula sa FEMA. Mag-ingat sa mga scam na ito dahil madalas silang dinisenyo upang magnakaw ng iyong pera sa pamamagitan ng pagpapagpanggap na FEMA. Ang opisyal na helpline ng tulong sa sakuna ng FEMA ay 1-800-621-3362.

Ito ay mali. Hindi maaaring kunin ng FEMA ang iyong ari-arian o lupa. Ang pag-apply para sa tulong sa sakuna ay hindi nagbibigay sa FEMA o ng pamahalaang pederal ng awtoridad o pagmamay-ari ng iyong ari-arian o lupa.

Kapag nag-apply ka para sa tulong sa sakuna, maaaring ipadala ang inspektor ng FEMA upang patunayan ang pinsala sa iyong tahanan. Ito ay isa sa maraming mga kadahilanan na sinusuri upang matukoy kung anong uri ng tulong ang maaaring karapat-dapat sa iyo.

Kung ang mga resulta ng inspeksyon ay nagsasaad na hindi mapapanatilihan ang iyong tahanan, ginagamit lamang ang impormasyong iyon upang matukoy ang dami ng tulong sa FEMA na maaari mong matanggap upang gawing ligtas, malinis at gumagana ang iyong tahanan.

Ito ay mali. Hindi nagmimigay ng FEMA ng mga voucher para sa tulong sa sakuna.

Karaniwan pagkatapos ng mga sakuna ang mga alingawngaw na kumakalat sa online at sa pamamagitan ng mga text message na nagsasabi na ang FEMA na mimigay ng mga voucher sa ilang mga lokasyon para sa mga pananatili sa hotel, tulong sa upa, pagkain, o iba pang mga serbisyo sa sakuna.

Upang makatanggap ng tulong sa FEMA, kailangan mo munang magsumite ng aplikasyon sa DisasterAssistance.gov, sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-621-3362, o personal sa isang Disaster Recovery Center. Ang pag-apply sa pamamagitan ng mga opisyal na channel na ito ay titiyakin na ligtas ang iyong impormasyon.

Kailangan mo lamang mag-apply nang isang beses at ang impormasyong ilalagay mo sa aplikasyon na iyon ay makakatulong sa FEMA na matukoy kung anong tulong ang karapat-dapat sa iyo sa maraming uri ng tulong sa sakuna.

Matuto nang higit pa tungkol sa pagprotekta sa iyong sarili laban sa mga scam na nauugnay sa kalamidad.

Hindi ito totoo. Kung mayroon kang insurance, maaari kang mag-apply para sa tulong ng FEMA, ngunit kailangan mo munang maghain ng insurance claim. Kung hindi saklaw ng insurance ang buong halaga ng mga gastusin na nauugnay sa kalamidad, maaari ka pa ring maging karapat-dapat.

Bisitahin ang FAQ page fpara sa karagdagang impormasyon.

Hindi mo kailangang magkaroon ng negosyo para humiling ng pautang sa kalamidad mula sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo ng Estados Unidos (SBA).

Nagbibigay ang SBA ng mababang interes na mga pautang sa kalamidad sa mga kwalipikadong may-ari ng bahay, umuupa, at negosyo sa lahat ng laki.

Maaari mong gamitin ang pautang sa kalamidad ng SBA para sa mga sumusunod:

  • Pagkumpuni o pagpapalit ng bahay o
  • Mitigasyon
  • Personal na ari-arian
  • Mga pagkakugi sa negosyo
  • Pag-aayos o pagpapalit ng sasakyan
  • Kapital sa operasyon para sa maliliit na negosyo at karamihan sa mga pribadong nonprofit

Ang mga pautang sa tulong sa kalamidad ng SBA ay dapat bayaran.

Kung may mga pangangailangan ka pa, maaring makatulong ang pautang sa pagkukumpuni o pagpapalit ng bahay, personal na ari-arian, mga sasakyan, mitigasyon, pagkalugi sa negosyo, at puhunan para sa maliit na negosyo at karamihan sa mga pribadong non-profit.

Matuto pa tungkol sa mga pautang sa kalamidad sa SBA. Maaari mo ring tawagan ang FEMA Helpline sa 800-621-3362 kung mayroon kang karagdagang mga katanungan o kailangan mo ng karagdagang impormasyon.

FEMA Helpline

1-800-621-3362

Available din ang 711 o Serbisyo ng Video Relay

  • Pindutin ang 1 para sa Ingles
  • Pindutin ang 2 para sa Espanyol
  • Pindutin ang 3 para sa ibang mga wika

Hindi ito totoo. Ang tulong ng FEMA ay walang buwis at hindi makakaapekto sa iyong pagiging karapat-dapat para sa Social Security, Medicaid o iba pang mga pederal na benepisyo.

Hindi ito totoo. Ang mga policy sa insurance sa bahay ay karaniwang hindi sumasakop sa pinsala sa baha. Ang insurance sa baha ay karaniwang hiwalay na policy.

Bisitahin ang pahina ng National Flood Insurance Program upang bumili ng insurance sa baha o para malaman ang higit pa.

Hindi ito totoo. Sinasaklaw ka ng insurance policy sa baha sa panahon ng iba't ibang mga kaganapan sa baha. Ang tulong sa kalamidad ng FEMA ay available lamang kapag ang isang pederal na kalamidad ay idineklara ng pangulo. Bukod pa rito, ang mga tulong (grant) na ibinibigay ng FEMA ay hindi palaging sapat upang masakop ang lahat ng nawala (losses).

Bisitahin ang pahina ng National Flood Insurance Program upang bumili ng insurance sa baha o para malaman ang higit pa.

Sa pangkalahatan, ang FEMA ay nagbibigay ng lahat ng karapat-dapat na tulong sa isang aplikasyon para tulungan ang lahat ng miyembro ng sambahayan bago ang kalamidad. Gayunpaman, susuriin ng FEMA ang mga natatanging pangangailangan ng mga karapat-dapat na nakaligtas upang isama ang mga sambahayan na maaaring paghiwalayin dahil sa kalamidad, mga sambahayan na binubuo ng mga kasama sa silid, o kapag may relasyong pinansyal sa pagitan ng isang may-ari na nakatira sa isang bahay na may mga nangangasera o nangungupahan.

Huling na-update