Tulong ng FEMA para sa mga Nakaligtas na may Saklaw ng Insurance

Release Number:
FS-023
Release Date:
Marso 20, 2025

Maaaring maging kwalipikado para sa tulong sa sakuna mula sa FEMA ang mga nakaligtas sa wildfire sa Los Angeles County na may hindi sapat na insurance, na may layuning matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng inyong sambahayan para sa mga pinsalang direktang naidulot ng sakuna. Hindi maaaring magdoble ng mga bayad sa insurance ang FEMA, ngunit maaari itong makatulong sa mga bagay na hindi saklaw ng insurance.

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa tulong ng FEMA kung mayroon akong insurance?

Dapat mong ipaalam sa FEMA ang lahat ng saklaw ng insurance na mayroon ka kapag nag-apply ka para sa tulong. Kabilang dito ang mga may-ari ng bahay, rumerenta, sasakyan, mobile home, medikal, paglilibin, at iba pang saklaw ng insurance. Hindi maaaring bayaran ng FEMA ang mga gastusin na saklaw ng insurance mo, kaya dapat kang kaagad na maghain ng claim sa kompanya ng insurance mo upang matukoy kung ano ang mga bagay na kwalipikado kang matanggap at kung saan ka pa maaaring mangailangan ng tulong.

Maaaring maging kwalipikado ka ngayon o sa hinaharap para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA kung:

  • Hindi ka binigyan ng insurance ng kompanya ng insurance mo.
  • Natapos na ang claim mo sa insurance at maipapakita mo sa FEMA na hindi nasaklaw ng insurance mo ang mga bagay na nawala sa iyo.
  • Naantala ang claim mo sa insurance.
  • Wala kang Karagdagang Mga Gastos Sa Pamumuhay (ALE)/Kawalan ng Paggamit (LOU) na saklaw o maipapakita mong nagamit mo na ang lahat ng ALE/LOU na mga benepisyo mo.

    Paano makakatulong ang FEMA kung maantala ang aking insurance claim?

Sa ilang pagkakataon, maaaring makapagbigay ang FEMA ng tulong habang naghihintay ka ng insurance settlement mo. 

  • Kung lumipas na ang 30 araw o higit pa mula nang inihain mo ang iyong claim sa insurance at wala ka pang natatanggap na pondo, mangyaring makipag-ugnayan sa FEMA Helpline na 1-800-621-3362.
  • Maaari ka ring maging kwalipikado para sa isang paunang bayad sa seguro mula sa FEMA. Itinuturing ang mga pondong ito na pautang kung naging available na ang mga pondo ng insurance at kailangang bayaran sa FEMA kapag natanggap mo na ang iyong settlement mula sa iyong kompanya ng insurance.

    Paano kung kailangan ko pa rin ng tulong pagkatapos makakuha ng pera mula sa insurance ko?

Sa ilang mga pagkakataon, maaaring tumulong ang FEMA sa pagbabayad ng mga gastusin na hindi sinaklaw ng insurance mo. Kung kailangan mo pa rin ng tulong, agad na ipadala sa FEMA ang kopya ng mga dokumentong natanggap mo mula sa kompanya ng insurance mo. Maaaring kabilang sa mga dokumentong dapat isumite ang:

  • Impormasyon sa insurance settlement.
  • Liham ng pagtanggi ng insurance, kabilang ang pagtanggi dahil hindi lumampas ang pinsala sa deductible ng polisiya.
  • Patunay ng kawalan ng insurance, tulad ng isang polisiya na may pagbubukod para sa partikular na sanhi ng pinsala.

    Paano ako makapagsusumite ng mga dokumento?

  • I-upload sa iyong disaster assistance account sa DisasterAssistance.gov.
  • Ipadala sa pamamagitang ng koreo sa: FEMA
    P.O. Box 10055
    Hyattsville, MD 20782-8055.
  • I-fax sa 1-800-827-8112.
  • Bisitahin ang isang Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna ( Disaster Recovery Center). Upang mahanap ang isang DRC na malapit sa iyo, bisitahin ang DRC Locator.
  • Maaari kang laging tumawag sa 1-800-621-3362 para sa mga katanungan o upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng FEMA.
    1. Gaano katagal na panahon ang mayroon ako pagkatapos mag-apply para sa tulong ng FEMA upang magsumite ng insurance settlement, liham ng pagtanggi, o policy ng insurance?

Dapat na makatanggap ng FEMA ng insurance settlement o pagtanggi sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng mga liham ng FEMA na humihiling ng dokumentasyon ng Insurance. Kahit na lumampas na ang deadline ng aplikasyon, maaaring i-update ang mga aktibong aplikasyon gamit ang mga detalye ng insurance. Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga deadline o suriin ang status ng mga na-upload na dokumento, maaari kang tumawag sa 1-800-621-3362.

Tags:
Huling na-update