Mga Madalas Itanong Tungkol sa Mga Sakuna

Nagbibigay ang pahina na ito ng mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa Indibidwal na Tulong para sa mga nakaligtas sa sakuna.

Mga Sagot sa Mga Madalas Itanong

Gamitin ang dropdown menu upang salain ayon sa uri ng katanungan o i-type ang isang keyword.

Ang tubig mula sa gripo ay maaaring kontaminado at hindi ligtas gamitin o inumin pagkatapos ng isang sakuna.

  • Sundin ang iyong pang-estado, lokal, o pantribong sangay ng kalusugan para sa mga partikular na rekomendasyon hinggil sa pagpapakulo o paglilinis ng tubig sa iyong lugar.
  • Huwag uminom, maghugas ng mga pingan, magsipilyo, maghugas at maghanda ng pagkain, hugasan ang iyong mga kamay, gumawa ng yelo, o maghalo ng baby formula gamit ang tubig na sa palagay mo -- o sinabi sa iyo -- na hindi ligtas.
  • Kung kontaminado ang tubig sa iyong lugar, gumamit ng nakabote, pinakuluan, o nilinis na tubig para sa pag-inom, pagluluto, o personal na kalinisan.

Upang matuto nang higit pa, bisitahin ang gabay ng Ahensyang Nangangalaga sa Kapaligiran (Environmental Protection Agency) sa Emergency na Pagdidisimpekta ng Tubig na Iniinom

Maaaring magbigay ang FEMA ng pinansyal na tulong upang tugunan ang mga bago o nadagdagang gastusin sa pangangalaga sa bata na dulot ng sakuna para sa mga karapat-dapat na sambahayan na may:

  • Mga batang 13 taong gulang at mas bata; at/o
  • Mga bata hanggang 21 taong gulang na may kapansanan, tulad ng tinukoy ng Pederal na batas.

Maaaring kabilang sa mga gastusin sa pangangalaga sa bata ang:

  • Mga karaniwang bayarin sa mga serbisyo sa pangangalaga sa bata.
  • Bayarin sa pagpaparehistro (isang beses).
  • Mga bayarin sa imbentaryo ng kalusugan.

Upang mag-aplay para sa tulong sa pangangalaga sa bata, kakailanganin mong magbigay ng:

  • Patunay na ang bata ay isang dependent at nakatira sa iyong bahay.
  • Patunay ng taunang kabuuang kita ng sambahayan bago at pagkatapos ng sakuna.
  • Mga resibo bago ang sakuna o isang affidavit para sa mga gastusin sa pangangalaga sa bata.
  • Mga resibo pagkatapos ng sakuna o pagtatantya para sa mga bayarin sa pangangalaga sa bata, pagpaparehistro at/o mga bayarin sa imbentaryo ng kalusugan.
  • Impormasyon ng lisensya ng mga tapagpagtustos ng pangangalaga sa bata

Pagkatapos ng isang insidente ng pagbaha, dapat mong iulat kaagad ang iyong kawalan sa iyong ahente o tagapagdala ng seguro. Tiyaking tanungin sila tungkol sa mga naunang mga pagbabayad. Kailangan mo ba ng tulong sa paghahanap ng iyong ahente o tagapagdala ng seguro? Tawagan ang NFIP sa 877-336-2627.

Oo! Bago mag-alis ng mga gamit na nasira ng baha sa iyong tirahan, gawin ang mga hakbang na ito:

  • Kumuha ng mga larawan at video.
  • Mag-rekord ng mga serial na numero.
  • Magtabi ng mga resibo.
  • Makipag-ugnayan sa mga serbisyo ng pagkukumpuni

Oo. Pagkatapos kumuha ng mga larawan at magdokumento ng pagkasira, dapat mong itapon kaagad ang mga nabahang gamit na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan, tulad ng mga nabubulok na pagkain, damit, kutson, at unan.

Hindi sasaklawin ng mga patakaran ng Pambansang Programa ng Seguro sa Baha (National Flood Insurance Program) ng seguro sa baha ang pagkasira mula sa amag.

Maaaring gumawa ng mga pagsasaalang-alang kung:

  • Ipinagbawal ng isang awtorisadong opisyal ang pagpasok sa lugar (para sa kaligtasan).
  • Nananatili ang mga tubig baha sa paligid ng tirahan o sa lugar na pumipigil sa iyong siyasatin o ayusin ang ari-arian.

Gayunpaman, kung mapupuntahan mo ang iyong ari-arian, lubos kang hinihikayat na simulan kaagad ang paglilinis at dokumentasyon pagkatapos ng pagbaha upang mapigilan ang pagkakaroon at pagkalat ng amag.

Kung hindi ka nasisiyahan sa halaga ng iyong paghahabol o kung nakatanggap ka ng sulat ng pagtanggi para sa ilan sa o lahat ng iyong paghahabol, maaari kang:

  • Makipagtulungan sa kumpanya ng iyong seguroupang malutas ito.
  • Maghain ng apela sa FEMA.
  • Humiling ng pagtatasa.
  • Maghain ng demanda

Ang pangunahing proseso ng deklarasyon ng sakuna ay nagsisimula kapag ang isang Gobernador ng estado o Punong Ehekutibo ng Tribo ay nagdeklara ng estado ng emerhensya at humiling ng tulong na pederal. Ang Gobernador o Ehekutibong Pinuno ng Tribo ay magsusumite ng kahilingan sa Pangulo, na may awtoridad na magdeklara ng isang malaking sakuna na may mga programang tulong pederal para sa mga indibidwal at pampublikong imprastraktura.

Kung hindi kasama ang iyong county, munisipalidad, o parokya sa unang deklarasyon, patuloy na sumubaybay dahil maaari itong idagdag sa ibang pagkakataon.

Kung kasalukuyang wala sa pederal na idineklarang lugar ang iyong lokasyon, maaaring makapag-apply ka pa rin online ngayon. Ang sistema ng online na aplikasyon ay hahayaan kang magpatuloy kung ang maagang pagpaparehistro ay bukas para sa iyong estado o county. Ipoproseso ang iyong aplikasyon kung idaragdag ang iyong county sa isang aktibong deklarasyon. 

Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong tanggapan ng pamamahala ng emerhensiya ng estadono upang iulat ang iyong pinsala. Para sa mga pang-emerhensyang pangangailangan, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong chapter na lokal ng American Red Cross 

Huling na-update