Mga Madalas Itanong Tungkol sa Mga Sakuna

Nagbibigay ang pahina na ito ng mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa Indibidwal na Tulong para sa mga nakaligtas sa sakuna.

Mga Sagot sa Mga Madalas Itanong

Gamitin ang dropdown menu upang salain ayon sa uri ng katanungan o i-type ang isang keyword.

Kapag nag-aapela ng pasya, isama ang mga sumusunod na impormasyon sa lahat ng pahina ng isusumiteng dokumentasyon:

  • Ang iyong pangalan
  • Numero ng sakuna
  • Numero ng aplikasyon (matatagpuan sa itaas ng sulat ng pasya)

Pakisunod ang mga tagubilin sa sulat ng pasya.

Suriin ang sulat ng pasya na magpapaliwanag kung bakit ka tinanggihan at kung anong impormasyon ang kailangan namin mula sa iyo. Bago magsumite ng apela, mahalagang maunawaan kung bakit tinanggihan ang paunang desisyon at kung ano ang kailangan kung gusto mong mag-apela.

Dapat kang mag-apela sa loob ng 60 araw mula sa petsa sa iyong sulat ng pasya.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa isang pasya tungkol sa iyong pagiging karapat-dapat para sa tulong sa sakuna, mayroon kang karapatang mag-apela. Maaaring tinanggihan noong una dahil hindi binigyan ang FEMA ng wasto at/o kumpletong impormasyon.

Upang protektahan ang iyong sarili laban sa panloloko at pagnanakaw ng pagkakakilanlan, hinihikayat ka naming mag-ingat kapag ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon.

Kung naniniwala kang isa kang biktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan, o may taong nag-apply sa FEMA gamit ang iyong personal na impormasyon, pakitawagan ang 800-621-3362. Huwag makipag-ugnayan sa Fraud Investigations and Inspections Division ng FEMA, Office of Inspector General ng DHS, o sa Pambansang Sentro sa Panloloko sa Sakuna para sa layunin ng pag-uulat ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan.

Iulat ang anumang iba pang uri ng panloloko sa sakuna sa pamamagitan ng pag-email sa StopFEMAFraud@fema.dhs.gov. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pahina ng panloloko sa kalamidad.

Bisitahin ang Humanap ng Tulong na pahina upang makita ang iba't ibang tulong na maaari kang maging karapat-dapat.

Huling na-update