Maaari Kang Makakuha ng Tulong sa Sakuna

Ang FEMA at ang pamahalaan ng estado, teritoryo o tribo ay maaaring magbigay ng direkta at pinansyal na tulong sa sakuna sa mga mamamayan ng U.S., mga nasyonal ng U.S. at mga kwalipikadong dayuhan.

Maaaring kasama sa tulong ang pera para sa pansamantalang tulong sa upa, mga pagkukumpuni sa tirahan, pagkawala ng personal na ari-arian, medikal na gastusin, gastusin sa pagpapalibing at iba pang malulubhang pangangailangan o gastusing nauugnay sa sakuna na hindi saklaw ng insurance o iba pang mga mapagkukunan.

Kapag available, mayroong mga mapagkukunang tumutulong sa pagpapanatili ng buhay gaya ng matutuluyan, pagkain at inumin, pagpapayo sa krisis, pamamahala ng sitwasyon sa sakuna at mga legal na serbisyo sa sakuna sa mga nakaligtas sa sakuna anuman ang katayuan ng pagkamamamayan at imigrasyon.

alert - warning

Dapat kumonsulta ang mga indibidwal sa isang eksperto sa imigrasyon para kumpirmahin kung natutugunan nila ang mga kinakailangan sa katayuan ng imigrasyon para sa tulong sa sakuna ng FEMA.

Mga Kahulugan

Mamamayan

Sinumang ipinanganak sa U.S.; isang taong ipinanganak sa labas ng U.S. sa kahit isang magulang na taga-U.S.; o isang na-naturalize na citizen.

Nasyonal ng U.S.

Isang taong ipinanganak sa isang panlabas na pag-aari ng U.S. (ibig sabihin, American Samoa o Swain's Island) sa o pagkatapos ng petsa na nakuha ng U.S. ang pag-aari, o isang tao na ang mga magulang ay mga mamamayan ng U.S. Ang lahat ng mga mamamayan ng U.S. ay mga nasyonal ng U.S., ngunit hindi bawat nasyonal ng U.S. ay isang mamamayan ng U.S.

Kabilang sa Isang Kwalipikadong Dayuhan

  • Mga Ligal na Permanenteng Residente (mga may hawak ng “Green Card”)
  • Mga dayuhangnabigyan ng asylum
  • Mga Refugee
  • Ang mga dayuhan na ang katayuan ng deportasyon ay pinipigilan nang hindi bababa sa isang taon
  • Ang mga dayuhan na binigyan ng paglayang may kundisyon na nakapasok sa U.S. nang hindi bababa sa isang taon para sa kagyat na makataong layunino makabuluhang pakinabang sa publiko
  • Mga pinapasok na Cuban/Haitian
  • Ang ilang mga sinaktang dayuhan o ang kanilang mga asawa o anak
  • Ang ilang mga biktima ng isang matinding anyo ng pangangalakal sa tao, kabilang ang mga taong may “T” o “U” visa
  • Mga ligal na residente alinsunod sa Mga Kasunduan ng Malayang Samahan (Compact of Free Association) sa Pederal na Estado ng Micronesia, Republika ng Marshall Islands, at Republika ng Palau

Kung hindi natutugunan ng aplikante ang pagkamamamayan o katayuang pang-imigrasyon sa panahon ng aplikasyon, maaari pa ring mag-apply ang sambahayan para sa ilang uri ng pederal na tulong kung:

Ang magulang o ligal na tagapag-alaga ng isang menor de edad na bata na mamamayan ng U.S. o kwalipikadong dayuhan ay mag-apply para sa tulong sa ngalan ng menor de edad na bata, hangga't nakatira sila sa parehong sambahayan. Ang magulang o ligal na tagapag-alaga ay dapat mag-apply bilang kasamang aplikante, at ang menor de edad na bata ay dapat na wala pang edad na 18 sa oras na nangyari ang sakuna.

Lahat ng indibidwal, anuman ang pagkamamamayan at katayuang pang-imigrasyon, na apektado ng malaking sakunaay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong ng pagpapayo sa panahon ng krisis, mga legal na serbisyo sa sakuna, pamamahala ng kaso sa panahon ng sakuna, programa ng karagdagang tulong sa nutrisyon sa panahon ng sakuna at iba pang mga programang hindi pera na ibinibigay na tulong pang-emerhensya sa sakuna. Kabilang sa mga ito ang medikal na pangangalaga, masisilungan, pagkain at tubig.

Huling na-update