Upang maging angkop para sa pederal na tulong, ang mga nakaligtas sa kalamidad ay dapat mga mamamayan ng U.S., mga hindi-mamamayan na nasyonal, o mga kwalipikadong hindi-mamamayan. Ang mga nakaligtas na hindi kwalipikado para sa pederal na tulong ay maaari pa ring tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 para sa mga referral sa mga boluntaryong ahensya.
Ang tulong para sa mga nakaligtas, na tumugma sa pamantayan sa pagiging angkop, ay sumasaklaw ng pansamantalang pabahay, pagkukumpuni ng bahay, personal na ari-arian, mga medical loss, mga gastos sa libing, tulong sa pagkawala ng trabaho sa kalamidad, at mga pautang na mababa ang interes.
Maraming anyo ng tulong sa kalamidad, tulad ng pagpapayo sa krisis, mga serbisyong legal, case management, Disaster Supplemental Nutrition Assistance Program (D-SNAP), at panandaliang, hindi-pera na tulong, tulad ng search and rescue, medical care, pasilungan, pagkain at tubig ay magagamit ng mga indibidwal at pamilya anuman ang katayuan ng pagkamamamayan.
Ang mga kwalipikadong hindi-mamamayan ay tinukoy bilang:
- Mga legal na permanenteng residente (mga may ng "green card").
- Mga hindi-mamamayan na nabigyan ng asylum.
- Mga refugee.
- Sinuman na ang deportasyon ay pinipigilan nang di-bababa sa isang taon.
- Sinuman ang nasa U. S. para sa humanitarian na mga rason nang di-bababa sa isang taon.
- Ilang Cuban/Haitian entrants.
- Mga binugbog na hindi-mamamayan, o ang kanilang mga asawa o mga anak.
- Mga biktima ng human trafficking.
Kung ang isang nakaligtas ay hindi tumutugma sa mga hinihinging pamantayan sa katayuan ng pagkamamamayan o imigrasyon, maaari pa rin silang mag-apply at makonsidera para sa tulong kung:
- Ang magulang o legal na tagapag-alaga ng isang menor de edad na bata na isang mamamayan ng U.S., non-citizen na nasyonal, o kwalipikadong non-citizen ay nag-apply sa ngalan ng menor de edad na bata, basta sila ay nakatira sa parehong pamamahay. Ang magulang o legal na tagapag-alaga ay dapat mag-apply bilang co-applicant, at ang menor de edad na bata ay dapat na wala pang 18 taong gulang nang mangyari ang kalamidad.
Mayroong ilang mga kategorya ng mga hindi-mamamayan na legal na naroroon sa U.S. na hindi angkop para sa tulong, tulad ng mga dayuhang estudyante at mga humahawak ng pansamantalang visa o pangtrabahong visa.
- Ang pagpapakita ng pag-okupa at pagmamay-ari ng nasirang tirahan ay kinakailangan para sa ilang uri ng tulong at dapat matugma ng aplikante ang mga hinihingi sa pagkamamamayan ng FEMA. Kapag ang isang aplikasyon ay batay sa pagiging angkop ng isang menor de edad na bata, ang mga sumusunod na kinakailangan ay mag-aaplay:
- Pag-okupa: Ang co-applicant ay dapat na magulang ng bata o legal na tagapag-alaga at magpapatunay na inokupa nila ang tirahan na nasalanta ng kalamidad nang nangyari ang kalamidad.
- Pagmamay-ari: Ang co-applicant ay dapat na magulang ng bata o legal na tagapag-alaga at magpapatunay na may-ari sila ng bahay na nasalanta ng kalamidad.
Ang lahat ng tulong sa kalamidad ay ibibigay nang walang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, kasarian (kabilang ang oryentasyong sekswal), relihiyon, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, limitadong kasanayan sa Ingles, o katayuan sa pananalapi. Kung naniniwala ang isang nakaligtas na nilalabag ang kanilang mga karapatang sibil, maaari nilang tawagan ang Helpline ng FEMA. Kung gumagamit sila ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption, o iba pang serbisyo sa komunikasyon, dapat ibigay ng nakaligtas sa FEMA ang espesipiko na numerong itinalaga para sa serbisyong iyon.