Ang mga kondominyum na tinitirhan ng may-ari at mga multi-family unit ay kwalipikado ngayon para sa pinondohan ng gobyernong programa sa pagtanggal ng mga labi.
Pinalawig hanggang Abril 15, 2025, ang deadline ng pagsusumite ng Right of Entry (ROE) form para makasali sa programa ng U.S. Army Corps of Engineers (USACE) sa pagtanggal ng labi.
Ang programang pinondohan ng pamahalaan para sa pagtanggal ng labi ay sumasaklaw sa pagtanggal ng mga istruktural na labi at nangangailangan ng isang ROE form na kailangang kumpletuhin ng may-ari ng ari-arian at isumite online o i- download at ipasa nang personal sa isang Disaster Recovery Center.
Walang kailangang gastusin para sa pagtanggal ng labi sa pamamagitan ng USACE, ngunit hindi maaaring ulitin ng FEMA ang ibang mga pondo na nakalaan para dito. Kung ang ari-arian ay may insurance para sa pagtanggal ng labi, anumang natirang pondo na hindi ginamit ng may-ari ay kailangang ibigay sa lalawigan upang makatulong sa gastos ng pagtanggal ng labi.
Kinakailangan magsumite ng ROE form ang lahat ng mga may-ari bago ang Abril 15, 2025, upang pumili kung sasali o hindi sa programa.
Ang awtoridad ng FEMA ay karaniwang limitado sa pagtanggal ng labi mula sa mga pampublikong lugar, tulad ng mga pampublikong paaralan o mga opisyal na pasilidad. Bilang tugon sa mga sunog sa kagubatan sa Los Angeles, ang awtoridad ng FEMA ay pinalawig mula sa pagtanggal ng labi sa mga pampublikong lugar upang isama ang mga tahanang may isang pamilya, upang makatulong sa pagpapagaan ng agarang banta sa kalusugan ng publiko at mapabilis ang pang-ekonomiyang pagbangon ng mga apektadong komunidad. Bilang tugon sa kahilingang ginawa ng Estado ng California ngayong linggo, idinagdag din ng FEMA ang mga kondominyum at multi-family units na tinitirhan ng may-ari.
Kwalipikasyon para sa Pederal na Programa ng Pagtanggal ng Labi
Mga Pag-aari ng Isang Pamilya
- Ang mga pribadong, residential na pag-aari ng isang pamilya ay kwalipikado.
- Kailangang mag-opt-in ang mga may-ari ng bahay sa pagtanggal ng labi sa pamamagitan ng pagsusumite ng ROE form bago ang deadline na Abril 15.
Mga Multi-Family na Ari-arian
Nirentahang Tahanan
- Ang bawat may-ari ng yunit na nasira sa isang kondominyum o duplex ay kailangang magsumite ng ROE form, pati na rin ang kapisanan ng mga may-ari ng bahay ng gusali. Ito ay nagpapahintulot sa lalawigan, estado, at FEMA na suriin ang ari-arian para sa pagiging karapat-dapat sa PPDR.
- Ang mga residensyal na komersyal na ari-arian na may kahit isang tahanang pag-aari ng may-ari ay karapat-dapat para sa pagtanggal ng labi na pinondohan ng pederal na gobyerno.
- Kasama rito ang karamihan sa mga kondominyum at ilang multi-family na mga gusali, kahit na may halo ng mga tahanang pag-aari ng may-ari at mga paupahang yunit sa loob ng parehong gusali.
Tirahang inuupahan
- Karaniwang hindi kwalipikado ang mga inuupahang yunit. Inaasahan na gagamitin ng may-ari ng negosyo ng apartment ang kanilang insurance at kukuha ng lisensyadong tagapag-kontrata upang magsagawa ng pagtanggal ng labi. Tingnan ang gabay para sa mga komersyal na ari-arian sa ibaba.
- Maaaring maging kwalipikado ang mga nangungupahan sa apartment para sa programa ng Tulong Indibidwal ng FEMA upang matulungan silang magrenta ng ibang lugar na matitirhan at/o palitan ang mga personal na ari-arian na nasira sa sunog.
- Ang mga aplikasyon para sa programa ng FEMA na Tulong Indibidwal ay kailangang isumite bago mag-Marso 31. Mag-apply online sa DisasterAssistance.gov, sa pagtawag sa FEMA helpline sa 1-800-621-3362, o sa pagbisita sa isang Disaster Recovery Center.
Komersyal na Ari-arian
- Karaniwan, ang mga komersyal na ari-arian ay hindi kwalipikado para sa pag-aalis ng labi na pinondohan ng pederal na gobyerno.
- May limitadong kakayahan ang FEMA na pondohan ang paglilinis na ito. Dapat makipagtulungan ang mga may-ari ng komersyal na ari-arian sa kanilang kompanya ng insurance at simulan ang pagtanggal ng labi sa lalong madaling panahon.
- Kung may mga kadahilanan na nangangailangan ng espesyal na konsiderasyon, kinakailangang ipaalam ito ng mga may-ari ng negosyo sa Los Angeles County.
- Maaari ring maging kwalipikado ang mga negosyo para sa mga pautang ng SBA na may mababang interes upang suportahan ang kanilang pagbangon at dagdagan ang kanilang seguro. Para mag-apply para sa pautang mula sa SBA, ang mga may-ari ng ari-arian ay dapat bisitahin ang sba.gov/disaster, tumawag sa 1-800-659-2955, o pumunta sa isang Disaster Recovery Center o Business Recovery Center. Ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon para sa SBA disaster loan ay Marso 31.
Mga Pampublikong Gusali at Mga Karapat-dapat na Pribadong Non-Profit
- Ang mga pampublikong aplikante at mga karapat-dapat na Pribadong Non-Profit (PNPs) na nagsasagawa ng isang mahalagang serbisyo ayon sa itinakda ng 44 CFR 206.223 ay maaaring maging karapat-dapat para sa pagtanggal ng labi.
Makipag-ugnayan sa Los Angeles County kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtanggal ng labi:
- Bisitahin ang Website ng LA County para sa Pagtanggal ng Labi: recovery.lacounty.gov/debris-removal/
- Tawagan ang Public Works Fire Debris Hotline ng LA County: 844-347-3332
Sundan ang FEMA online sa X @FEMA o @FEMAEspanol, sa Facebook page ng FEMA o FEMA Español, at sa YouTube account ng FEMA. Para sa impormasyon tungkol sa kahandaan, sundan ang Ready Campaign sa X sa @Ready.gov, sa Instagram sa @Ready.gov, o sa Ready Facebook page.
Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Bisitahin ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-aplay para sa tulong.