Pagtugon sa Mga pangangailangan ng PPE sa Lugar na Hindi para sa Pangangalagang Pangkalusugan

Release Date:
Abril 22, 2020

Ibinibuod sa gabay na ito kung paano dapat isaalang-alang at pamahalaan ng mga organisasyon ang kanilang mga pangangailangan ng personal na kagamitang pamproteksyon (personal protective equipment o PPE) habang tinitiyak ang proteksyon ng mga manggagawa sa panahon ng pagtugon sa pandemya ng coronavirus (COVID-19).

Layunin

Nilalayon ng Pambansang Estratehiya laban sa COVID-19 para sa Pagtugon sa Kakulangan sa Personal na Kagamitang Pamproteksyon (PPE) na tiyakin ang proteksyon laban sa COVID-19 para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, first responder, at pasyente sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tatlong bahagi ng paggawa: pagbabawas, muling paggamit, at paggamit sa ibang paraan. Ang mga industriyang gumagamit ng katulad na PPE (hal., mga N95 respirator) bilang bahagi ng kanilang normal na tungkulin ay mahihirapang makakuha ng PPE habang binibigyang-priyoridad ang pagbibigay ng available na supply sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan at first responder. Ang mga industriya kung saan kailangan ng PPE ng mahahalagang manggagawa sa mahalagang imprastraktura para maisagawa ang kanilang mga tungkulin ay patuloy dapat na makipag-ugnayan sa mga supplier para makuha ang kinakailangang PPE, pero dapat asahan ng mga ito na magpapatuloy ang mga kakulangan. Dapat magpatupad kaagad ang lahat ng industriya ng mga estratehiya para mapatagal ang mga kasalukuyang supply ng PPE at para makapaghanap ng mga alternatibong paraan sa pagtatrabaho para matugunan ang mga kakulangan.

Mga Estratehiya sa Pagpapatagal para sa Mga Lugar na Hindi para sa Pangangalagang Pangkalusugan

Ang isa sa mahalagang component sa pagpapatupad ng mga estratehiya sa pagpepreserba ay ang pagtukoy sa naaangkop na antas ng gagamiting PPE. Maingat dapat na isaalang-alang ng mga industriya sa pangangalagang pangkalusugan kung iniaatas ng batas o regulasyon bilang bahagi ng mga routine na tungkulin ng mga ito, o kung kinakailangan ito para maiwasan ang pagkalantad ng empleyado sa COVID-19.

Kung ang PPE ay iniaatas ng batas o regulasyon bilang bahagi ng mga routine na tungkuling isinasagawa ng mahahalagang manggagawa sa mahalagang imprastraktura:

  • Dagdagan ang dami ng paggamit ng PPE na walang sira at may duming hindi nakikita, at ipatupad ang pinalawak na mga patakaran at pamamaraan sa muling paggamit ng PPE batay sa pasilidad.
  • Isaalang-alang at ipatupad ang mga estratehiya ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) para sa pangangalagang pangkalusugan para mas mapakinabangan ang supply ng PPE at kagamitan, at ang pinakamahuhusay na kagawian para mapatagal ang mga supply ng PPE.
  • Magpatupad ng mga estratehiya sa decontamination at muling paggamit  ng mga facepiece respirator na pangsala bilang mga hakbang sa kapasidad sa panahon ng hindi inaasahang pangyayari at krisis.
  • Unawain at subaybayan ang mga pangangailangan at burn rate ng PPE. Gamitin ang calculator para sa burn rate ng PPE  ng CDC kung wala kang kasalukuyang gamit para gawin ang mga ito.
  • Gumamit ng mga alternatibong uri o source ng PPE para suportahan ang mahahalagang pagpapatakbo. Gamitin ang pamprotekta sa baga na inaprubahan ng National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) na dating hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). Subaybayan ang mga website ng FDA and Occupational Safety and Health Administration (OSHA) para sa mga update at anunsyo tungkol sa pinaluwag na pagpapatupad at Mga Pahintulot sa Emergency na Paggamit.
  • Kumonsulta sa gabay mula sa NIOSH ng CDC tungkol sa mga estratehiya sa pag-iwas sa pagkaubos, pagdaragdag, at pagtugon sa mga kakulangan sa supply o facepiece respirator na pangsala (filtering facepiece respirator o FFR) na ginagamit sa mga pinagtatrabahuhang hindi para sa pangangalagang pangkalusugan, gaya ng pagmamanupaktura at pagtatayo ng gusali.

Kung ang PPE ay hindi iniaatas ng batas o regulasyon bilang bahagi ng mga routine na tungkuling isinasagawa ng mahahalagang manggagawa sa mahalagang imprastraktura:

  • Magpatupad ng mga hakbang sa pagbabawas ng pagkalantad, gaya ng mga barrier control (hal., mga Plexiglass barrier, pinahusay na ventilation system), at kagawian sa ligtas na paggawa, gaya ng pagsasaayos ng mga pagpapatakbo ng negosyo para palawakin ang pisikal na espasyo sa pagitan ng mga empleyado. Kumonsulta sa Pansamantalang Gabay para Makapagplano at Makatugon ang Mga Negosyo at Empleyer sa COVID-19 ng CDC para sa mga karagdagang pagsasaalang-alang para mabawasan ang pangkalahatang panganib ng pagkakalantad sa trabaho.
  • Huwag susubukang kumuha ng PPE para sa medikal o industriyal na paggamit para sa mga naturang empleyado. Ang naturang PPE ay posibleng hindi available at kinakailangan para sa iba pang function ng mahalagang imprastraktura na may mas mataas na priyoridad. Mahahalagang supply ang mga surgical mask o N95 respirator na dapat patuloy na ireserba para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan at iba pang medikal na first responder, gaya ng inirerekomenda sa kasalukuyang gabay ng CDC.
  • Sa halip ay sundin ang gabay ng CDC sa paggamit ng mga simpleng telang pantakip sa mukha. Inirerekomenda ng CDC  ang pagsusuot ng mga telang pantakip sa mukha sa mga pampublikong lugar kung saan mahirap panatilihin ang iba pang hakbang sa social distancing (hal., mga control room, production floor), lalo na sa mga lugar na may maraming kaso ng paghahawahan. 
  • Posible ring kapusin ang supply ng mga komersyal na minanupakturang telang pantakip sa mukha; tumaas ang demand bilang sumusunod ang mga American sa kamakailangang rekomendasyon ng gobyerno ng U.S. para sa paggagamit sa mga ito bilang isang tumutugmang hakbang sa Mga Alituntunin laban sa Coronavirus ng Pangulo para sa America, 30 Araw para Pabagalin ang Pagkalat. Kung hindi available ang mga pangkomersyong telang pantakip sa mukha, puwedeng makagawa ng mga ito mula sa mga karaniwang materyales sa murang halaga. Sundin ang gabay ng CDC sa kung paano gumawa at gumamit ng mga telang pantakip sa mukha.

Dapat sundin ng lahat ng industriya anggabay ng gobyerno ng U.S. para matulungan ang pinakamahahalagang manggagawa na makabalik kaagad sa trabaho pagkatapos ng posibleng pagkalantad sa taong may COVID-19, hangga’t walang nararanasang sintomas ang mga manggagawang iyon.

Pagkuha ng PPE sa Panahon ng Mga Kakulangan

Kung pagkatapos mabawasan ang pangangailangan ng PPE sa pamamagitan ng mga estratehiyang inilalarawan sa itaas, at kinakailangan pa rin ang PPE ng mahahalagang manggagawa sa mahalagang imprastraktura para isagawa ang kanilang mga tungkulin, dapat gawin ng mga organisasyon ang mga sumusunod:

  • Patuloy na makipagtulungan sa mga supplier mula sa normal at alternatibong pribadong sektor para makakuha ng PPE. Maaaring kailangang tumukoy ng maraming opsyon para sa mga supplier at bigyang-priyoridad ang mga madaliang pangangailangan kaysa sa pangmatagalang pangangailangan.
  • Kung hindi maibibigay ng mga supplier ang iyong mga pangangailangan, at agarang kinakailangang ang PPE, magsumite ng kahilingan para sa tulong sa iyong lokal o pang-estadong ahensya ng pang-emergency na pamamahala. Kung hindi matutugunan ng lokal na ahensya ng pang-emergency na pamamahala ang kakulangan sa PPE, puwede nila itong ipadala sa estado. Kung hindi ito matutugunan ng estado, puwede silang magsumite ng kahilingan para sa suporta sa kanilang FEMA Regional Response Coordination Center.

Ang anumang kahilingan sa mga lokal, pang-estado, o pederal na ahensya para sa agarang muling pagbibigay ng supply ng PPE para sa mahahalagang manggagawa sa mahalagang imprastraktura ay dapat tumpak na ilarawan ang:

  • Mga partikular na uri at dami (na may 30, 60, at 90 araw na demand), at lokasyon kung saan kailangan ng PPE;
  • Tinatantyang panahon bago makaapekto ang kakulangan sa mga operasyon batay sa burn rate ng PPE; at
  • Resulta ng kakulangan at tagal ng resulta nito.

Mga Pangunahing Tanong Bago Humiling

Mayroon ka bang mahahalagang manggagawa sa mahalagang imprastraktura?
Kung wala, hindi mo kailangan ng PPE sa kasalukuyan. Ang mga hindi mahahalagang manggagawa ay dapat sumunod sa mga utos na manatili sa bahay, isagawa ang social distancing, gamitin ang mga telework na opsyon, atbp.

Ipinatupad mo ba ang lahat ng posibleng estratehiya sa pagbabawas ng paggamit ng PPE?
Kung hindi, kumonsulta sa CDC at iba pang gabay para mabawasan o maalis ang pangangailangan ng PPE sa pamamagitan ng iba pang engineering na solusyon o pagbabago sa mga kagawian sa negosyo.

Kung kailangan pa rin ng PPE, iniaatas ba ito ng batas o ng regulasyon?
Kung hindi, gumamit ng mga telang pantakip sa mukha. Dapat ireserba ang PPE para sa mga manggagawang kailangang magsuot nito para maisagawa ang kanilang mahahalagang tungkulin.

Humiling ka ba ng kontroladong tulong o mga naaprubahang alternatibo?
Kung hindi, makipag-ugnayan sa regulator na nag-aatas ng paggamit ng PPE. Kumonsulta sa mga abiso ng FDA, NIOSH, at OSHA para sa mga EUA, kontroladong pagpapaluwag, at alternatiba para matugunan ang pangangailangan ng PPE.

Ang kinakailangan PPE ba ay itinuturing na “mga medikal na supply na kulang o nanganganib na maubos”*?
Kung hindi, dapat tugunan ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng normal market ng mga supplier; nauugnay lang ang FEMA sa pamamahala ng mga imbentaryo ng PPE na ginagamit sa mga lugar para sa pangangalagang pangkalusugan.
*Tingnan ang “Memorandum tungkol sa Pamamahagi ng Ilang Partikular na Pangkalusugan at Medikal na Resource na Kulang o Nanganganib na Maubos para sa Domestikong Paggamit,” kasama sa PPE na nasasailalim sa patakarang ito ang: Mga N95 respirator at iba't ibang respirator na pangsala; respirator na panlinis ng hangin; surgical mask; at surgical glove.

Inilarawan mo ba nang tama ang pangangailangan?
Kung hindi, ilapat ang gabay sa itaas para tumpak na mailarawan ang iyong pangangailangan ng PPE. Mahalaga ang mga detalyeng ito para sa pagsasaalang-alang ng mga ahensya ng gobyerno.

Magsumite ng kahilingan para sa tulong.

Magsumite ng kahilingan para sa tulong sa iyong lokal o pang-estadong ahensya ng pang- emergency na pamamahala. Patuloy na kumuha ng PPE sa pamamagitan ng normal market ng mga supplier bilang hindi matutugunan ang lahat ng kahilingan para sa tulong ng gobyerno.

Tags:
Huling na-update