Kailangan ng Tulong sa Proseso ng Pagbangon sa Sakuna? Bisitahin ang isang Disaster Recovery Center

Release Date
Man holding iPad smiles at woman.

 

Pagkatapos ng isang sakuna, maaaring lubos ang iyong nararamdaman at hindi ka sigurado kung paano susulong. Maaaring nakakatakod ang landas patungo sa pagbangon, pero hindi ka nag-iisa. Mahalagang humiling ng tulong habang dumadaan ka sa bawat hakbang ng proseso. Ang isa sa mga pinakamainam na lugar para makakuha ng direktang tulong ay ang Disaster Recovery Center (Sentro sa Pagbangon sa Sakuna, DRC).

Idinisenyo ang mga sentrong ito para gabayan ka sa proseso ng pagbangon. Kapag pumasok ka rito, malugod kang tatanggapin ng mga kinatawan ng FEMA na handang bigyan ka ng personal na tulong para magkaroon ka ng kumpiyansa at maging komportable.

Makakatulong sa iyo ang mga kinatawan ng FEMA na mag-apply para sa tulong, tingnan ang katayuan ng iyong aplikasyon at matuto tungkol sa mga mapagkukunan para tulungan ka. Kung nakatanggap ka ng komunikasyon mula sa isang taong nagsasabing kinakatawan niya ang FEMA at hindi ka sigurado kung scam ito, makakatulong silang patunayan ang komunikasyon.

Ang mga kinatawan mula sa Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo, SBA) ay nagbabantay din sa mga sentro para tulungan ang mga may-ari ng bahay, nangungupahan at maliit na negosyo na mag-apply para sa mga loan. Makakatulong ang mga loan na ito na magbigay ng pagpopondo para sa mga gastusing hindi saklaw sa ilalim ng gawad ng FEMA o ng iyong insurance.

Naroon din ang mga kinatawan ng estado at iba pang organisasyon para tumulong.

Habang nagpapatuloy ang mga pagsisikap para sa pagbangon, magbubukas ang FEMA ng higit pa ng mga sentrong ito. Kung walang Disaster Recovery Center na malapit sa iyo, patuloy na tingnan ito dahil mas marami pang bubuksan sa mga darating na araw at linggo.

Malugod na tinatanggap ang lahat 

Ang mga Disaster Recovery Center ay para sa lahat ng nakaligtas, anuman ang katayuan sa pagkamamamayan. Hinihikayat namin ang lahat na naapektuhan ng sakuna na bisitahin ang pinakamalapit na Disaster Recovery Center sa kanila para makatulong kaming simulan ang iyong daan patungo sa pagbangon.

Mayroong mga translator (tagasalin) o serbisyo sa pagsasalin na available sa mga sentrong ito para tulungan kang makipag-usap sa wikang pinakakomportable kang magsalita. Pinipili ang mga lokasyon ng Disaster Recovery Center para sa kanilang pagiging madaling ma-access, na may layuning maabot ang mas maraming tao hanggang posible.

Maghanap ng DRC sa iyong lugar

  • Maaari mong hanapin ang iyong susunod na eksaktong lokasyon o estado para madaling makakuha ng listahan ng mga Disaster Recovery Center na malapit sa iyo gamit ang aming
    DRC Locator (Tagahanap ng Lokasyon ng DRC).
  • Para sa mga lokasyon ng Hurricane Ian, mahahanap mo rin ang listahan ng mga bukas na sentro sa page ng lokasyon sa Florida.
  • Para sa mga lokasyon ng Hurricane Fiona, maghanap ng listahan ng mga bukas na sentro sa
    page ng lokasyon sa Puerto Rico.
  • Sa homepage, ipapakita sa iyo ng FEMA App ang mga lokasyon ng DRC na malapit sa iyo, at mahahanap mo ang listahan ng mga lokasyon sa Ingles at Espanyol.

Dalhin ang iyong mga tanong

Gusto naming marinig ang tungkol sa mga hamon na hinaharap mo at ang mga pangangailangang maaaring mayroon ka. Kung nalilito ka tungkol sa tulong na inaalok ng FEMA o may natanggap ka mula sa amin, maaari kang tulungan ng mga kinatawan sa sentro na sagutin ang mga tanong na ito. Sa isang Disaster Recovery Center, magagawa mong:

  • Alamin ang tungkol sa mga programa ng tulong sa sakuna.
  • Tingnan ang katayuan ng iyong aplikasyon sa FEMA.
  • Maunawaan ang anumang sulat na nakuha mo mula sa FEMA.
  • Maghanap ng impormasyon tungkol sa pabahay at tulong sa pag-upa.
  • Makakuha ng mga referral sa mga ahensyang maaaring mag-alok ng ibang tulong.
  • Alamin ang tungkol sa mga programa ng Small Business Administration (SBA).

Ang pagbangon ay isang pagsisikap ng buong komunidad. Hindi ito magagawa nang mag-isa. Habang binabaybay mo ang iyong sariling bahagi sa proseso ng pagbangon, tandaan na humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagbisita sa isang Disaster Recovery Center o pagtawag sa Disaster Assistance Helpline (Linya ng Tulong sa Sakuna) ng FEMA sa 1-800-621-3362.

Tags:
Huling na-update