LOS ANGELES – Marso 31 ang huling araw para mag-apply o magsumite ng impormasyon para sa maraming mahahalagang programa ng tulong sa sakuna para sa mga indibidwal na apektado ng Malalaking Sunog sa Los Angeles.
Mag-apply para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA:
- Mag-online sa DisasterAssistance.gov.
- Sa FEMA App.
- Sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA Helpline sa 1-800-621-3362. Kung gumagamit ka ng relay service, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Available ang tulong sa maraming wika. Bukas ang mga linya sa Linggo–Sabado, mula 4 a.m.- 10 p.m. Oras sa Pasipiko.
- Sa Sentro ng Pagbangon mula sa Kalamidad (Disaster Recovery Center, DRC). Bumisita sa DRC sa isa sa mga address sa ibaiba:
- UCLA Research Park West
10850 West Pico Blvd.
Los Angeles, CA 90064
Bukas Lunes – Sabado: 9 a.m. hanggang 7 p.m. - Altadena Disaster Recovery Center
540 West Woodbury Rd.
Altadena, CA 91001
Bukas Lunes – Sabado: 9 a.m. hanggang 7 p.m.
- UCLA Research Park West
Para sa isang American Sign Language (ASL) na video kung paano mag-apply, bisitahin ang Maa-Access Ang FEMA: Tatlong Paraan Para Magrehistro para sa Tulong ng FEMA sa Sakuna.
Magsumite ng form na Karapatan sa Pagpasok sa LA County:
- Kumpletuhin ang opt-in form online sa Permit sa Karapatang sa Pagpasok sa Los Angeles County para sa Pag-aalis ng Debris sa Pribadong Ari-arian.
- Mag-download at magkumpleto ng form: Permit sa Karapatan sa Pagpasok para sa Pag-aalis ng Debris(00011201.DOCX;1).
- Nang Personal. Mag-pick up ng form sa Disaster Recovery Center. Bisitahin ang DRC Locator para humanap ng lokasyon.
Mag-apply para sa Mababang-Interes na Pautang sa Kalamidad ng SBA
- Mag-online sa sba.gov/disaster
- Sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng Serbisyo para sa mga Kustomer ng SBA sa 800-659-2955. Maaaring i-dial ng mga taong bingi, mahina ang pandinig o may kapansanan sa pagsasalita ang 711 upang ma-access ang mga serbisyo ng relay.
- Sa pamamagitan ng pag-email DisasterCustomerService@sba.gov
- Sa isang Disaster Recovery Center o Business Recovery Center, kung saan ka makakapagsumite ng nakumpletong aplikasyon o puwede kang tulungan ng mga kinatawan ng SBA para mag-apply. Para humanap ng BRC na malapit sa iyo, pumunta sa Appointment.sba.gov.
- Ang mga aplikasyon para sa pautang sa kalamidad ay maaaring isumite online gamit ang MySBA Loan Portal sa https://lending.sba.gov o iba pang mga inihayag na lokal na lokasyon.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA o @FEMAEspanol sa X, FEMA o FEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel.
Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Pumunta sa CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.