LAHAINA, Maui - Ang mga nakaligtas sa Wildfire na kasalukuyang nasa Direct Housing Program ng FEMA ay kinakailangang magsimulang magbayad ng renta sa Marso 1, 2025. Ang kinakailangan sa pagrenta ay magkakabisa para sa natitirang programa ng tulong sa pabahay ng FEMA, na pinahaba hanggang Pebrero 10, 2026.
Natanggap ng mga kalahok sa programa ang kanilang 90-araw, 60-araw at 30-araw na mga sulat ng abiso tungkol sa paparating na koleksyon ng renta.
Ang rate ng renta ay batay sa 2025 Fair Market Rent ng US Department of Housing and Urban Development sa Maui kasama ang kakayahang magbayad ng sambahayan.
HUD Portal: Sistema ng dokumentasyon ng FY 2025 Final Fair Market Rents - Piliin ang Heograpiya
Hinihikayat ang mga sambahayan na manatiling nakikipag-ugnayan sa kanilang tagapayo ng resertipikasyon na makikipagtulungan sa kanila upang matukoy ang isang maaasahang rate ng renta. Maaaring mag-apela ang mga naninirahan sa desisyon ng FEMA tungkol sa kanilang kakayahang magbayad ng renta. Bagaman mayroong 60 araw ang mga naninirahan para mag-apela para sa pagbawas ng renta mula sa petsa na natanggap nila ang 30-araw na abiso tungkol sa kinakailangan sa pagrenta, lubos na hinihikayat na isumite ang kanilang apela at mga pangsuportang dokumento sa lalong madaling panahon.
Mahigpit na iminumungkahi ng FEMA na isumite ng mga sambahayan ang kanilang apela sa lalong madaling panahon upang maiproseso ang kahilingan bago ang petsa ng pagsisimula sa Marso 1. Ang pagkaantala sa pagsusumite ng papeles ng apela ay maaaring magpahaba ng proseso ng desisyon sa pagrenta. Sa kasong ito, ang mga sambahayan na naghihintay ng panghuling desisyon sa kanilang rate ng renta ay kinakailangang bayaran ang buong halaga ng renta hanggang sa magawa ang isang desisyon. Kapag nagawa na ang desisyon ibabalik ng FEMA ang pagkakaiba.
Nanatiling nakatuon ang FEMA sa patuloy na pagbangon ng Maui at susuportahan ang mga nakaligtas sa wildfire habang nagtatrabaho sila patungo sa kanilang permanenteng solusyon sa pabahay.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap sa pagbangon ng maui wildfire, bisitahin ang mauicounty.gov, maui recovers.org, fema.gov /disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.