Narito ang Video sa YouTube: Proyektong Alkantarilya ng Kilohana: Pag-upgrade ng Imprastraktura para sa isang Mas Matatag na Komunidad
LAHAINA, MAUI — Ang linya ng alkantarilya na itinayo para sa Pansamantalang Lugar ng Grupong Pabahay ng Kilohana ng FEMA ay magkakaroon ng pangmatagalang benepisyo para sa Lahaina.
Upang biygyan ang Kilohana ng access sa sistema ng alkantarilya sa County ng Maui, kinailangang magtrabaho ang US Army Corps of Engineers (USACE) at ang mga kapartner nito upang mapalawak ang umiiral na sistema ng alkantarilya sa lugar. Ang ekstensyon ay pararaanin sa kalapit na komunidad ng Wahikuli na kasalukuyang gumagamit ng mga cesspool. Kapag nakumpleto, susuportahan ng Kealamoka Fleming Road Sewer Line ang parehong lugar ng grupong pabahay at mga ari-arian sa kahabaan ng Fleming Road at Malo Street.
“Hindi lamang kami tumutulong sa maikling panahon, ngunit anumang proyekto na ginagawa namin ay sa pangmahabang panahon at nagbibigay ng katatagan sa komunidad habang tinutulungan namin ang komunidad na makabawi,” sabi ng FEMA Regional Administrator na si Robert Fenton.
Sa kauna-unahang pagkakataon ang 29 lote sa Fleming Road ay magkakaroon ng access sa isang modernong sistema ng alkantarilya ng county. Labing siyam sa mga ari-arian na ito ang nasira o nawasak ng maui wildfire noong Agosto 8, 2023. Habang kumikilos ang mga residente upang muling magtayo, maraming pagsasaalang-alang ang ginawa sa kung paano mapapabuti ang mga kondisyon ng pamumuhay sa proseso.
Ang mga cesspool, tulad ng mga makasaysayang ginamit sa kapitbahayan ng Wahikuli, ay nagdudulot ng makabuluhang panganib sa kapaligiran tulad ng kontaminasyon sa nakapaligid na lupa, tubig sa lupa, mga karagatan at mga batis. Ayon sa US Environmental Protection Agency (EPA), ang tubig sa lupa ay nagbibigay ng humigit-kumulang 95% ng lahat ng domestikong tubig sa Hawai'i.
Nagbigay ang FEMA ng $19.4 milyon na kontrata upang palawakin ang mga linya ng alkantarilya na tumatakbo sa Lahaina Wastewater Reclamation Facility, na pinamamahalaan ng County ng Maui, upang matiyak ang kalusugan, kaligtasan at katatagan ng buong komunidad.
Mula noong Hulyo 10, 2024, ang FEMA, USACE, mga lokal na kontraktador ng Maui, at ang County ng Maui, ay nagtrabaho nang magkasama upang mag-install ng 2,500 talampakan ng linya ng alkantarilya. Ang proyekto ay binubuo ng:
- 1,500 linear na talampakan na 8-pulgadang pangunahing alkantarilya na daraan sa Fleming Road
- 1,000 linear na talampakan na 12-pulgadang pangunahing alkantarilya na daraan sa Malo Street
- 28 laterals na daraan patungo sa mga ari-arian ng nakaligtas
11 mga manhole ng alkantarilya
Bilang karagdagan sa ekstensyon ng alkantarilya, ang EPA at ang County ng Maui ay nagsasagawa ng isang pagsusuri sa kapaligiran at disenyo ng isang grabidad na sistema ng alkantarilya para sa natitirang lugar ng kapitbahayan ng Wahikuli. Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad para sa proyektong ito ay nagpapatuloy na may mga pagkakataon para sa pakikilahok ng publiko. Nag-alok din ang EPA sa mga may-ari ng bahay ng mga pagsusuri sa cesspool upang makabuo ng kinakailangang dokumentasyon na kinakailangan upang isumite para sa isang permit sa muling pagtatayo at pansamantalang paggamit ng kanilang cesspool bago ang pagtatayo ng isang sistema ng alkantarilya.
Habang ang mga residente ng kapitbahayan ay muling nagbubuo, kakailanganin nilang kumonekta sa bagong alkantarilya at dapat makakuha ng mga permit sa alkantarilya mula sa Department of Public Works Development Services Administration (DSA) ng county at maayos na iwanan ang kanilang cesspool alinsunod sa Kagawaran ng Kalusugan ng estado. Ang 4LEAF ay ang kontratista ng county na nagpapabilis sa pagsusuri at pagpapahintulot ng muling pagtatayo sa Lahaina at makakatulong sa prosesong ito. Ang mga linya ng alkantarilya ng county ay mai-install sa loob ng 2 talampakan mula sa linya ng lote ng may-ari at pagkatapos ay maaaring makipagtulungan ang mga may-ari sa kanilang kontratista sa pagtutubero upang ikonekta sa linya.
Ang higit pang mga detalye tungkol sa proseso ng pagpapahintulot ay maaaring matagpuan sa website ng Maui County Disaster Recovery Building Permit.
Sa pamamagitan ng proyektong ito sinusuportahan ng FEMA at ang mga kapartner nito ang mga nakaligtas sa sunog habang bumabalik sila sa West Maui. Ang pagpapabuti na ito sa kalusugan at kaligtasan ng Lahaina ay pakikinabangan ng komunidad sa mga darating na taon.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap sa pagbawi ng maui wildfire, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org, fema.gov/disaster/4724 at Mga Wildfire sa Hawaii - YouTube. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.