Direktang Pansamantalang Pabahay Inaprubahan para sa Mga Nakaligtas sa Bagyong Helene at Bagyong Milton sa Florida

Release Date Release Number
NR026
Release Date:
Nobyembre 8, 2024

TALLAHASSEE, FL. – Sa kahilingan ng Estado ng Florida, inaprubahan ng FEMA ang Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay, na maaaring ibigay sa mga karapat-dapat na mga aplikante upang matugunan ang kanilang pansamantalang mga pangangailangan sa pabahay. 

Ang FEMA ay nagbibigay ng 3 mga porma ng Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay sa mga karapat-dapat ng aplikante sa 13 mga county: Citrus, Columbia, Dixie, Hamilton, Hernando, Lafayette, Levy, Madison, Okeechobee, Pasco, Pinellas, Suwannee at Taylor.

  • Ang Pagpapa-upa at Pagkumpuni na Pangmaramihang Pamilya ay nagpapahintulot sa FEMA na pumasok sa mga kasunduan sa pagpapa-upa sa mga may-ari ng mga paupahang mga pag-aari na para sa mga maramihang pamilya at gumawa ng mga pagkukumpuni o pag-aayos sa ganoong mga pag-aari upang magbigay ng pansamantalang pabahay sa mga aplikante. 
  • Ang Direktang Pagpapa-upa ay gumagamit ng nakatayong handa-para-sa-pag-okupa na mga pag-aaring tirahan na pinapa-upa bilang pansamantalang pabahay sa mga karapat-dapat na mga aplikante, at, kung kinakailangan, ang mga yunit na ito ay maaaring baguhin o pagandahin upang magbigay ng resonableng akomodasyon para sa mga karapat-dapat na mga aplikante at ang sinumang mga kasambahay na may kapansanan at iba pa na may mga pangangailangan sa pag-access at paggawa.
  • Ang Mga Nadadalang Pansamantalang Yunit ng Pabahay ay mga madaling ginawang mga tirahan tulad ng mga panglakbay na trailers o mga mobile homes. Ang mga tirahang ito ay binili ng FEMA at ibinigay sa mga karapat-dapat na aplikante para gamitin bilang pansamantalang pabahay para sa limitadong panahon.

Ang mga aplikante ay hindi kailangang mag-apply para sa direktang pansamantalang pabahay. Ang mga aplikante ay aabisuhan ng FEMA sa kanilang pagiging karapat-dapat.

Ang direktang pansamantalang pabahay ay tumatagal ng makahulugang panahon upang ipatupad at hindi isang madaling solusyon para sa pansamantala at pangmahabang panahon na pangangailangan sa pabahay ng isang nakaligtas. Ang proseso ay kinakapalooban ng pag-order, pagdadala, paghahanda sa lugar, paglalagay, inspeksyon, pagpapahintulot at pagkakabit ng mga utility, bukod sa iba pang mga hakbang.

Ang mga aplikante na naalis sa kanilang mga bahay at kasalukuyang nakatira sa mga hotel ay maaaring patuloy na sumasali sa programa ng estado na hindi-nagtitipon na pagsisilungan at ng Tulong ng FEMA para sa Pagbabago ng Pagsisilungan para sa madaling pangangailangan sa pabahay. Ang FEMA ay nagbibigay rin ng tulong sa pagkaka-alis, tulong sa pag-upa at iba pang tulong pangpinansyal para doon sa hindi makapanatili sa kanilang mga bahay. Ang mga opsyon na ito ay mananatiling pangunahing paraan ng FEMA sa pagtulong sa mga nakaligtas. 

Ang pinakamadaling paraan para mag-apply para sa tulong ng FEMA ay sa online sa DisasterAssistance.gov. Maaari ka ring mag-apply sa paggamit ng FEMA mobile App o sa pamamagitan ng pagtawag sa helpline ng FEMA nang walang bayad sa 800-621-3362. Ang mga linya ay bukas araw-araw at ang tulong ay makukuha sa karamihan sa mga wika. Kung napili mong mag-apply sa pamamagitan ng telepono, mangyaring maunawaan na ang helpline ng FEMA ay nakakaranas ng mga pagka-antala dahil sa nadagdagang dami dahil sa maraming mga sakuna kamakailan. Kung gumagamit ka ng isang relay service, gaya ng Video Relay Service (VRS), teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa seribisyong yaon. Upang mapanood ang isang naa-access na video kung paano mag-apply bumisita sa t Three Ways to Apply for FEMA Disaster Assistance - YouTube

Pagkatapos mag-apply ang mga nakaligtas para sa tulong ng pederal sa sakuna, makikipag-ugnayan ang FEMA sa mga sambahayan ng maaaring kuwalipikado para sa alinman sa tatlong mga opsyon sa pabahay upang gumawa ng panayam bago mailagay upang matukoy kung ang aplikante ay nangangailangan ng direktang pabahay at, kung ganoon, kung anong uri ng pabahay. Ang pagtukoy na ito ay batay sa sukat at mga pangangailangan ng sambahayan, kasama ang sinumang mga tao na may kapansanan o iba pang pangangailangan sa pag-access o paggawa.

Ang Estado ng Floorida at ang FEMA ay nakikipagtulunga sa mga municipality at county tungkol sa mga lokal na ordinansa, pagpapahintulot, pag-zoning, mga kinakailangan sa transportasyon, mga setbacks, mga kuneksyon at inspeksyon ng mga utility.  Kapag nakumpleto ang pagkakabit at pumasa ang yunit sa inspeksyon sa pag-okupa, ito ay handa na para magamit.  Sa puntong iyon, ang aplikante ay pipirma sa isang lisensya ng kasunduan para okupahin ang yunit.

Para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa pagbawi sa Bagyong Milton, bumisita sa fema.gov/disaster/4834. Para sa Bagyong Helene, bumisita sa fema.gov/disaster/4828. Sundan ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.

 

###

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago pa man, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Ang FEMA ay nakatuon sa pagtiyak na ang tulong sa sakuna ay maisakatuparan nang pantay-pantay, nang walang diskriminasyon sa kadahilanan ng lahi, kulay, nasyonalidad, kasarian, oryentasyong sekswal, relihiyon, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o kalagayang pang-ekonomya. Ang sinumang nakaligtas sa sakuna o miyembro ng publiko ay maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Karapatang Sibil ng FEMA kung sa palagay nila na sila ay may reklamo ng pagdiskrimina.  Maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Karapatang Sibil ng FEMA sa FEMA-OCR@fema.dhs.gov o nang walang bayad sa 833-285-7448.

Tags:
Huling na-update