KIHEI, Hawaii – Kung ikaw ay isang wildfire survivor at may insurance policy na sumasaklaw sa iyong pansamantalang pabahay, mahalagang beripikahin ang mga tuntunin ng coverage na iyon, ang halaga, at kung ganno ito katagal. Kung ang iyong inurance coverage ay paubos na, makipag-ugnayan sa FEMA para malaman kung paano ka maaaring kwalipikado para sa karagdagang tulong.
Kahit na may bisa pa rin ang iyong insurance, ikaw ay hinihikayat na malaman ang higit pa tungkol sa mga available na mga programa ng FEMA.
Kasama sa mga opsyon ng FEMA:
- Ang Programang Tulong sa Pa-upa (Rental Assistance Program), na maaaring mag-alok ng tulong pinansyal para sa pagbabayad ng iyong upa kapag naubos mo na ang insurance para sa karagdagang gastos sa pamumuhay o pagkawala ng paggamit.
- The Programang Direkta na Tulong sa Pansamantalang Pabahay (Direct Temporary Housing Assistance Program) ay nagbibigay ng pansamantalang pabahay sa buong Maui sa pamamagitan ng programang Direktang Pag-upa.
Ang itong mg programa - bahagi ng Programang Pan-indidbidwal at Sambahayan ng FEMA - ay pinalawig hanggang Peb. 10, 2026, na magbibigay sa mga wildfire survivor ng maraming panahon para makabawi. Ang mga programa ay nakatakdang mag-expire sa Peb. 10, 2025.
Sa panahon ng pinalawig na panahon, ang Direktang Pag-upa na pansamantalang nakatira sa pabahay ay inaasahang magsisimulang magbayad ng upa batay sa kanilang kakayahan sa pananalapi. Ang halaga ay tutukuyin sa case-by-case na batayan ngunit hindi lalampas sa 100 porsiyento ng U.S. Department of Housing and Urban Development (HUD) Fair Market Rent.
Ang mga may-ari ng bahay na may insurance na pansamantalang sumasaklaw sa mga gastusin sa pamumuhay ay maaari pa ring lumahok sa programa ng Tulong sa Pagrenta ng FEMA at Programang Direkta na Tulong sa Pansamantalang Pabahay. Ang ilan ay kasalukuyang nasa Direktang Pag-upa sa mga yunit na pabahay.
Upang masimulan ang proseso para sa Programang Tulong sa Pa-upa (Rental Assistance Program), ang mga aplikante ay dapat munang umapela sa FEMA. Dapat isama sa apela ang pahina ng patakaran sa insurance na nagdedetalye ng karagdagang gastos sa pamumuhay/pagkawala ng saklaw sa paggamit, patunay ng pagkaubos ng mga pondo ng insurance, ang kasalukuyang kasunduan sa pag-upa o pag-upa, at mga resibo sa pag-upa.
Kung maprubahan, ang paunang Tulong sa Pagrenta ay magbibigay ng dalawang buwang upa sa 100 porsiyento ng HUD Fair Market Rent sa Maui County.
Pagkatapos ng naunang dalawang buwan ng Tulong sa Pagrenta, ang aplikante ay maaaring mag-apply para sa Patuloy na Pansamantalang Tulong sa Pabahay. Kung maaprubahan, ang Tulong sa Pagrenta ay maaaring mapalawig hanggang tatlong buwan sa oras na kakailanganin. Ang halagang ibibigay ay magiging hanggang 175 porsiyento ng HUD Fair Market Rent.
Upang malaman kung kwalipikado ka, tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. O maaari kang tumawag sa FEMA Housing Hotline sa 808-784-1600.
Para sa personal na suporta, bisitahin ang FEMA sa:
- Council for Native Hawaiian Advancement, Kākoʻo Maui Relief & Aid Services Center na matatagpuan sa 153 E Kamehameha Ave Ste 101 sa Kahului. Oras ay 9 a.m. hanggang 5 p.m. HST Lunes hanggang Biyernes.
- Maui County’s Office of Recovery na nasa Lahaina Gateway na matatagpuan sa 325 Keawe St. sa Lahaina, kasunod ng Ace Hardware Store. Oras ay 8 a.m. hanggang 4:30 p.m. HST Lunes hanggang Biyernes.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bagay sa insurance-denial o insurance-settlement, tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Available ang mga operator simula 7 a.m. hanggang 10 p.m. HST, pitong araw kada linggo, at sila ay nakakapagsalita ng maraming mga wika. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa interpreter na nagsasalita ng iyong wika.
Para sa pinakahuling balita sa mga pagsisikap sa pagbawi sa wildfire sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org, fema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. Sundan ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.