Isang Buwan pagkatapos ng Mapanirang Sunog (Wildfires), Sama-samang Bumabangon ang Maui ʻOhana

Release Date Release Number
DR-4724-HI NR-013
Release Date:
Setyembre 8, 2023
  1. LĀHAINĀ, Hawaiʻi – Ngayong naapula na ang apoy at libu-libong tao ang ligtas na nalagay sa tirahan at pinapakain, ang mga kapitbahay at kaibigan ay gumawa ng unang hakbang ng kanilang pagbangon ngayon sa pamamagitan ng pagtulong sa isa't isa, ang nasirang komunidad na ito ay nagsisikap na makabangon mula sa pinakamalalang kalamidad na tumama sa Maui sa habambuhay.
  2. Isang buwan na ang nakalipas mula noong Agosto 8 ang mga sunog na dulot ng hangin na tumama sa Lāhainā, walang habas na kumitil ng mga buhay na na naninirahan dito. Ang mga komunidad ay nagdadalamhati sa kanilang pagkawala, nagdadalamhati sa tabi ng kanilang mga mahal sa buhay at nagkakaroon ng mas malalim na pagkaunawa na ang pagpapagaling ay magtatagal.
  3. Ang parehong mga apoy ang nagwasak o matinding sinira ang libu-libong mga istraktura sa Lāhainā at nagpatigilng supply ng tubig para sa mga komunidad ng Upcountry sa paligid ng Kula Binago ng apoy ang makukulay, makasaysayang bayan ng Lāhainā sa isang anino ng dating pagkatao nito. Ang nasunog na mga kotse ay natunaw na naging mga hulks sa Front Street. Ang nasusunog na mga dahon ay nakabitin sa mga puno na nakatayo pa.Natumba  ang King Kamehameha III Elementary School, at ang mga bata sa Lāhainā ay nawalan ng kanilang mga laruan, ang kanilang mga teddy bears, ang kanilang mga bisikleta at ang kanilang mga laro.
  4. Libu-libong residente ang nawalan ng tirahan at kabuhayan. Ngunit ang natira sa Lāhainā ay isang malapit na komunidad na nagbabahagi ng sama-samang pagkawala at isang pangako sa hinaharap. Ang mga kapitbahay ay tumutulong sa mga kapitbahay.

Ang mga arborista, landscaper at mga boluntaryo ng Maui ay nagtrabaho upang iligtas ang sikat na 150 taong gulang na puno ng banyan sa bayan. Ang mga grupo ng komunidad ay pumasok upang tumulong. Nag-ipon sila ng tubig, pagkain, damit at kumot, at inalagaan ang isa't isa. Nag-set up ang Nā ‘Aikāne o Maui Lāhainā Cultural Center ng orange tent malapit sa mga resort sa Kāʻanapali at pinuno ito ng mga donasyong kalakal na may halaga ng isang department store. Doon nakahanap ang dalawang maliliit na babae ng makintab, bagong mga bisikleta at dahilan para humagikgik habang naglilibot sila sa Kāʻanapali ngayong linggo. Pagkatapos ng sunog, pansamantalang nag-set up ang mga kawani mula sa sentro sa Lāhainā Post Office bago lumipat sa tent para maglingkod sa komunidad.

Ang pagtugon sa kalamidad ay isang ibinahaging kuleana. Ito ay sama-samang pagsisikap na nagmumula sa krisis, na pinamumunuan ng mga komunidad na may suporta sa lahat ng antas ng gobyerno, nonprofit at pribadong kumpanya. Sa simula, ang Estado ng Hawaiʻi at Maui County ay nakipagtulungan sa American Red Cross, na sinusuportahan ng FEMA, ng U.S. Small Business Administration at iba pang pederal at lokal na kasosyo, upang pamahalaan ang pagtugon at pagsisikap sa pagbangon. Ang pederal na presensya ay naging makabuluhan, na may higit sa 1,500 tauhan sa Maui at Oʻahu. Ang pagtutulungan bilang isang ʻohana ay nakapagpapagaling.

Ang mga lokal, pang-estado at pederal na ahensya ay nakikipagtulungan din sa mga pinagkakatiwalaang lokal na pinuno ng komunidad at mga organisasyong nakabatay sa pananampalataya na nakakaunawa, malalim, sa kasaysayan at kultura ng Maui. Ang kanilang patnubay ay nagbibigay-daan sa mga recovery team na tugunan ang mga hamon sa paligid at kumonekta sa mga nakaligtas sa paraang nakakatugon sa komunidad. Halimbawa, binago ng FEMA ang kinakailangan nitong "isang aplikasyon sa bawat pamamahay" at pahihintulutan ang maraming tao, na kadalasang nakatira sa ilalim ng isang bubong ng pamilya sa Lāhainā, na mag-apply nang indibidwal para sa tulong ng FEMA. Ang mga katutubong Hawaiian cultural practitioner ay nagsasagawa ng mga seremonya ng pagpapala para sa pagbubukas ng bawat disaster recovery center.

Ang Red Cross ay nagsilbi ng mahigit na 198,000 pagkain at nag-host ng halos 98,500 overnight stay sa unang buwan ng sakuna. Ang estado ay kumuha ng tulong sa humanitarian group upang makipag-uganayan sa mga emergency housing sa Maui County para sa mga nakaligtas sa sakuna, isang pagsisikap na pinondohan ng FEMA. Sa pamamagitan ng Red Cross, Maui County at FEMA, higit sa 6,500 mga nakaligtas ay nakatira na ngayon sa mga hotel at timeshare properties kung saan maaari silang bumuo ng mga plano upang bumalik sa kanilang mga tahanan o iba pang permanenteng tirahan. Patuloy ang malakas na pagsisikap ng Red Cross, na may mga pamilya at indibidwal na tumatanggap ng mga pagkain, casework at suporta sa emosyonal. Iyan ang paraan ng pangangalaga at pagsuporta ng mga taga-Hawaii sa Maui ʻohana.

Dumaloy din ang suportang pinansyal. Sa ngayon, inaprubahan ng FEMA at ng U.S. Small Business Administration ang higit sa $65 milyon sa tulong na pederal para sa mga nakaligtas sa Maui. Kasama sa kabuuang iyon ang $21 milyon sa tulong ng FEMA na naaprubahan para sa mga indibidwal at sambahayan. Sa $21 milyon, $10 milyon ang inaprubahan para sa tulong sa pabahay at $10.8 milyon pa ang inaprubahan para sa mga mahahalagang bagay tulad ng damit, muwebles, appliances at sasakyan. Ang mga pautang sa kalamidad sa SBA ay may kabuuang halos $45 milyon para sa mga may-ari ng bahay, umuupa at negosyo sa Maui. Ang mga pautang sa SBA ay ang pinakamalaking pinagmumulan ng mga pederal na pondo sa pagbangon ng kalamidad para sa mga nakaligtas.

Ang mga espesyalista sa FEMA na naging bahagi ng unang pangkat ng mga tumugon na dumating sa isla ay tumulong sa mga residente na mag-apply para sa tulong ng FEMA. Sa ngayon, mahigit 5,000 nakaligtas ang naaprubahan para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA. Ang bilang na iyon ay patuloy na tataas.

Tatlong disaster recovery center ang bukas sa Lāhainā, Makawao at Kahului para tulungan ang lahat ng Nawala ng mahalagang bagay dahil sa sunog. Nagbukas din ang Council for Native Hawaiian Advancement ng disaster relief center sa Maui Mall para sa mga nakaligtas na mas gustong makatanggap ng tulong mula sa ibang mga Native Hawaiians.

Sa mga disaster recovery centers at sa Family Assistance Center, sa mga bulletin board sa paligid ng isla at sa buong media, ang mga residente ay makakakuha ng impormasyong mahalaga sa kanilang paggaling – impormasyon na sinasabi ng ilan na kasinghalaga ng pagkain at tubig pagkatapos ng malaking sakuna. Tinutulungan nito ang mga nakaligtas na gawin ang mga unang hakbang upang maibalik ang kanilang buhay sa ayos.

Sa isa pang panig, ang kuryente at tubig ay naibalik na sa Lāhainā at sa Upcountry na rehiyon ng Maui. Ang U.S. Army Corps of Engineers, na nagbigay ng pansamantalang kuryente sa mga lugar na sinira ng apoy, ay nagsimulang i-redeploy ang mga generator nito. Ito'y malinaw na sinyales na may kaunlaran habang ang kuryente ay naibabalik. Sinimulan na ng U.S. Environmental Protection Agency na kilalanin at alisin ang mapanganib na mga materyales mula sa mga properties na tinupok ng mga apoy. Ang mga opisyal ng Maui County ay nakikipagtulungan nang malapit sa estado at sa Corps of Engineers upang pamahalaan ang ligtas at maingat na pag-alis ng mga debris, ito ay kinakailangang hakbang patungo sa pagbangon. 

Sa gitna ng abong paligid, mayroong kislap ng liwanag: dalawang maliliit na batang babae sa makintab na mga bagong bisikleta na pabilis ng pabilis ang pagpedal. Sa kanilang pagtawa, maririnig mo ito: ʻAng Ohana ay pamilya.

Tags:
Huling na-update