Ang mga Gawad ng FEMA ay Hindi Maaapektuhan ang Social Secutiry o Iba pang mga Benepisyo

Release Date Release Number
NR 015
Release Date:
Oktubre 19, 2020

PENSACOLA, Fla. — Ang pag-apply para sa pederal na tulong na pansakuna ay hindi maaapektuhan ang iba pang mga pederal na benepisyo na maaaring matanggap ng mga nakaligtas sa sakuna sa Florida.

Ang mga residente sa mga county ng Bay, Escambia, Okaloosa, Santa Rosa at Walton na nagpaparehistro sa FEMA ay maaaring magkaroon ng mga katanungan tungkol sa kung ang mga pondo mula sa FEMA ay maaaring magdulot sa pagkawala ng mga pederal na benepisyo kung saan sila ay nararapat.

Ang mga gawad para sa sakuna ng FEMA ay hindi nabubuwisang kita. Ang pagtanggap ng gawad ng FEMA ay hindi maaapektuhan ang pagiging karapat-dapat para sa mga benepisyo ng Social Security, Medicare, Medicaid, Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP) at iba pang mga pederal na programa sa kapakanan at benepisyo.

Ang mga gawad para sa sakuna ay nakakatulong sa mga nakaligtas sa sakuna para sa pansamantalang pabahay, mahahalagang pagpapaayos sa tirahan, mahahalagang pagpapalit ng personal na pag-aari at iba pang mga pangangailangang nauugnay sa sakuna na hindi saklaw ng insurance o iba pang pinagmumulan.

Ang mga nakaligtas sa sakuna ay maaaring mag-apply para sa tulong na pansakuna sa mga sumusunod na paraan:

    • Bisitahin ang DisasterAssistance.gov.
    • I-download ang App ng FEMA.
    • Call 800-621-3362 (800-462-7585 TTY). Mayroong mga operator para sa iba’t ibang wika. Ang mga walang bayad na pagtawag ay bukas mula 7 a.m. hanggang 10 p.m. lokal na oras, ng pitong araw sa isang linggo. Ang mga gumagamit ng relay na serbisyo gaya ng videophone, InnoCaption o CapTel ay dapat bigyan ang FEMA ng kanilang partikulay na numero ng telepono na itinalaga sa serbisyong iyon.

Ang itinakdang huling panahon ng pagpaparehistro sa FEMA ay sa Disyembre 1, 2020.

Maa-access na video: https://www.youtube.com/watch?v=ii7nc94B30c

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbangon sa Bagyong Sally sa Florida, bumisita sa webpage hinggil sa sakuna ng FEMA sa https://www.fema.gov/disaster/4564 o sa webpage ng Florida Division of Emergency Management Dibisyon sa Pamamahala sa Emerhensiya sa Florida) sa https://www.floridadisaster.org/info/.

Tags:
Huling na-update