Isumite ang mga Form ng Pagtatanggal ng Labi at Karapatan na Pumasok bago sumapit ang Marso 31

Release Date Release Number
NR-027
Release Date:
Marso 20, 2025

LOS ANGELES – Upang matanggal ng U.S Army Corps of Engineers (USACE) ang mga labi, kinakailangang magsumite ang may-ari ng ari-arian ng form ng Karapatan na Pumasok (ROE) sa County. Walang gastusin na manggagaling sa sariling bulsa na ibabayad sa pagtatanggal ng labi ng USACE. Ang deadline ng pagsusumite ng form ng ROE ay sa Marso 31, 2025

Nagsimula ang paglilinis ng mga labi mula sa mga mapaminsalang wildfire sa Los Angeles County noong Enero. Itinalaga ng FEMA ang Ahensiya para sa Pangangalaga ng Kapaligiran ng U.S. (EPA) at USACE upang magsagawa ng pagsusuri, pag-aalis, at pagtatapon ng mga labi mula sa mga ari-arian na nasunog ng mga wildfire. 

Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, nagtatag ang Los Angeles County ng isang website ng Pagtatanggal ng Labi na may impormasyon at mga mapagkukunan para sa mga residente na naapektuhan ng sunog upang matutunan ang higit pa tungkol sa proseso ng paglilinis ng mga labi. Sa Phase 1 ng proseso, na natapos na noong Pebrero 25, inalis ng EPA ang mga peligrosong materyales sa bahay (HHM) mula sa pribadong ari-arian. Walang kinakailangang aksyon mula sa may-ari ng ari-arian para makumpleto ang Phase 1. Ang pag-aalis ng HHM na may kaugnayan sa mga ari-arian kung saan ang mga panganib sa estruktura ay naghadlang sa ligtas na pagpasok ay ipinagpaliban sa USACE.

Ang Phase 2, na isinagawa ng USACE, ay binubuo ng pag-aalis ng istruktural na mga labi at nangangailangan ng form ng ROE na kailangang sagutan ng may-ari ng ari-arian, na makikita sa website ng county at available sa mga Sentro ng Pagbangon sa Kalamidad. Available lamang ang libreng pag-aalis ng mga labi mula sa pribadong ari-arian ng USACE kung ang kwalipikadong may-ari ng ari-arian ay mag-opt in sa pamamagitan ng pagsasagot at pagsusumite ng form ng ROE. Isang kasunduan ang form ng ROE kung saan tinatanggap ng mga may-ari ng ari-arian ang mga kondisyon ng pakikilahok sa programa ng pag-aalis ng mga labi at nagbibigay ng pahintulot sa USACE na mapasok ang kanilang ari-arian para sa mga gawain ng paglilinis. 

HINDI nakakaapekto ang pag-sign up sa programa ng pag-aalis ng mga labi sa pamamagitan ng ROE sa pagiging kwalipikado ng may-ari ng ari-arian na mag-apply para sa ibang tulong sa nasalanta mula sa FEMA. Kung ang may-ari ng ari-arian ay mag-opt out sa programa ng pag-aalis ng mga labi ngUSACE, sila ay magiging responsable para sa lahat ng permit, inspeksyon, at iba pang mga kaugnay na kinakailangan at gastos sa pag-aalis ng mga labi. 

Maaaring may coverage para sa mga labi at mapanganib na pag-alis ng puno sa pamamagitan ng iyong insurance policy. Para sa impormasyon tungkol sa reimbursement ng insurance, puntahan ang pahina 3 at 4 sa ROE form

Ano ang Debris Removal Program? 

May dalawang phase ang Debris Removal Program: ang pag-alis ng HHM na sinusundan ng pag-alis ng iba pang mga labing nauugnay sa sunog at mga puno na itinuturing na panganib o tinutukoy ng isang sertipikadong arborist na patay o malamang na mamamatay sa loob ng limang taon dahil sa sunog. 

Phase 1: Pag-alis ng Mga Mapanganib na Materyales 

Noong Enero 16, nagsimula ang mga team ng mga eksperto mula sa EPA at Department of Toxic Substances Control ng California na magsagawa ng pagsusuri sa mga ari-arian sa mga nasunog na lugar upang alisin ang anumang HHM na maaaring magdulot ng banta sa kalusugan ng tao at kapaligiran tulad ng mga lithium-ion na baterya, pintura, mga panlinis at solvent, langis, at mga pestisidyo. Awtomatiko ang phase na ito at ginawa nang walang bayad para sa mga residente. Inalis lamang ng EPA ang mga mapanganib na materyales. Kabilang sa mga halimbawa ng mga device na naglalaman ng bateryang lithium-ion na inalis sa Phase 1: de-kuryente/hybrid na sasakyan, power tool, power bank, alarm sa bahay, drone, at tablet. 

Natapos ang Phase 1 noong Pebrero 25. Habang karamihan sa mga ari-arian ay nilinis ng HHM noong Phase 1, ang ilan ay ipinagpaliban sa Phase 2 dahil sa mga hamon sa pag-access at kaligtasan. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang: 2025 California Wildfires | US EPA 

Phase 2: Pag-alis ng Mga Labi 

Noong Pebrero 11, nagsimulang mag-alis ang USACE, sa utos ng FEMA, ng mga metal na nasira ng sunog, abo, at iba pang pangkalahatang labi mula sa mga residensyal na ari-arian. Aalisin din ng USACE ang mga pundasyon kapag pinili ng mga may-ari ng ari-arian na isama ang pagtatanggal ng pundasyon sa ROE. Isang mahalagang bahagi ng mga operasyon ng pagbangon ang koleksyon ng mga ROE dahil hindi maaaring magsimula ang trabaho hanggang hindi pumayag ang may-ari ng ari-arian sa programa sa pamamagitan ng pagsusumite ng nasagutang form sa County. Available ang mga form ng ROE sa website ng County na  LA County Recovers.

Sundan ang FEMA online sa X @FEMA@FEMAEspanol, sa Facebook page ng FEMAFEMA Español, at sa YouTube account ng FEMA. Para sa impormasyon tungkol sa kahandaan, sundan ang Ready Campaign sa X sa @Ready.gov, sa Instagram sa @Ready.gov, o sa Ready Facebook page.

Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Bisitahin ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-aplay para sa tulong.

Tags:
Huling na-update