Pinalawig ng FEMA ang Deadline para sa Pag-aaplay ng Tulong sa Sakuna dulot ng Wildfire

Release Date Release Number
DR-4856-CA NR 021
Release Date:
Marso 7, 2025

LOS ANGELES – Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan sa Los Angeles County na nagkaroon ng hindi nakasegurong o kulang sa segurong pinsala sa kanilang ari-arian dahil sa mga wildfire noong Enero ay may ilang linggo na lang upang mag-aplay para sa pederal na tulong sa sakuna. Pinalawig ng FEMA ang deadline ng aplikasyon hanggang Lunes, Marso 31, 2025. 

Ang tulong ng FEMA para sa mga indibidwal na naapektuhan ng wildfire ay maaaring sumaklaw sa rental assistance, pansamantalang pabahay, pagkukumpuni ng bahay, pagkawala ng personal na ari-arian, at iba pang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna na hindi sakop ng insurance. Ang mga grant ng FEMA ay hindi kailangang bayaran. Ang tulong mula sa FEMA ay hindi nabubuwisan at hindi makakaapekto sa pagiging kwalipikado para sa Social Security, Medicaid, o iba pang pederal na benepisyo.

Hinihikayat ang mga nakaligtas na magsumite muna ng mga insurance claim para sa pinsala sa kanilang mga tahanan, personal na ari-arian, at mga sasakyan bago sila mag-aplay para sa tulong mula sa FEMA. Ang FEMA Individual Assistance ay hindi maaaring magdoble ng mga benepisyo mula sa insurance o iba pang pinagkukunan ng tulong. 

Upang mag-aplay sa FEMA:

  •  Mag-online sa DisasterAssistance.gov (pinakamabilis na opsyon);
  • Gamitin ang FEMA Aplikasyon  (available sa Apple App Store o Google Play);
  • Tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362.  Kung gumagamit ka ng relay service, tulad ng Video Relay Service (VRS), captioned telephone, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero mo para sa serbisyong iyon.
  • Bisitahin ang isang Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna ( Disaster Recovery Center). Para sa mga lokasyon: DRCLocator.

Ang mga Disaster Recovery Center ay pisikal na naa-access para sa mga taong may kapansanan at iba pang may pangangailangang pang-access at pang-functional. Ang mga ito ay may kasamang assistive technology at iba pang mapagkukunan upang matiyak na lahat ng aplikante ay may access sa mga serbisyo.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. Sundan ang FEMA Region 9  sa @FEMARegion9 sa X o sundan ang FEMA online sa X sa @FEMA@FEMAEspanol, sa Facebook page ng FEMA o sa Español page, at sa YouTube account ng FEMA. Para sa impormasyon tungkol sa kahandaan, sundan ang Ready Campaign sa X sa @Ready.gov, sa Instagram sa @Ready.gov, o sa Ready Facebook page.

 

Tags:
Huling na-update