Nag-aalok ang Mga Eksperto sa Mitigasyon ng FEMA ng Payo sa Muling Pagtatayo sa Columbia, Hillsborough, at Sarasota County

Release Date Release Number
061
Release Date:
Pebrero 7, 2025

TALLAHASSEE, Florida. - Habang muling nagtatayo ang mga Floridian, ang mga nakaligtas sa mga Hurricane Milton, Helene at Debby ay maaaring makakuha ng libreng payo kung paano muling itayo nang mas matatag at mas ligtas laban sa mga bagyo. Magagamit ang mga espesyalista sa mitigasyon ng FEMA upang sagutin ang mga katanungan at mag-alok ng libreng mga tip sa pagpapabuti ng bahay at napatunayan na pamamaraan upang maiwasan at mabawasan ang pinsala mula sa mga kalamidad sa kinabukasan. Ang impormasyong ito ay nakatuon para sa gawain na do-it-yourself at pangkalahatang kontratista.

Ang mitigasyon ay isang pagsisikap na mabawasan ang pagkawala ng buhay at pinsala sa ari-arian sa pamamagitan ng pagbawas ng epekto ng isang sakuna sa pamamagitan ng pagtatayo at pag-aayos ng mga pinakamahusay na kasanayan 

Mayroong isang espesyalista sa seguro upang sagutin ang mga katanungan sa National Flood Insurance Program (NFIP). Magkakaroon ng mga gruopo ng Disaster Survivor Assistance upang magbigay ng mga update sa mga aplikayon ng FEMA at sagutin ang mga katanungan. 

Magagamit ang mga espesyalista sa FEMA mula Pebrero 10 hanggang Pebrero 22 mula 7:30 a.m. hanggang 5:00 p.m. ET, Lunes - Biyernes at sa Sabado mula 7:30 a.m. hanggang 1:00 p.m. ET, sa mga sumusunod na lokasyon: 

Columbia County: The Home Depot, 215 SW Home Depot Dr, Lake City, FL 32025

Hillsborough County: Lowe's, 1515 E. Brandon Blvd, Brandon, FL 33511 (Pebrero 10 hanggang Pebrero 15)

Sarasota County: Lowe's SW, 4020 Central Sarasota Parkway, Sarasota, FL 34238

Manatiling nakikipag-ugnayan sa FEMA

Mahalagang ipaalam sa FEMA ang tungkol sa anumang mga pagbabago sa iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Maaari mong i-update ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan o suriin ang katayuan ng iyong aplikasyon sa pamamagitan ng:

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Hurricane Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa impormasyon sa pagbawi ng Hurricane Helene, bisitahin ang fema.gov/dis aster/4828. Para sa Hurricane Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806.I-follow ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/ fema.

Tags:
Huling na-update