Ang FEMA Individual Assistance (Tulong sa Indibidwal) ay tumutulong sa mga nakaligtas sa sakuna na umpisahan ang pagbawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng gawad para sa mga pangunahin at mahalagang pangangailangan. Makikit sa ibaba ang mga sagot sa tanong tungkol sa proseso ng pederal na tulong.
Paano kung hindi ako makakagamit ng Internet para mag-apply sa FEMA?
- Tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag ikaw ay nag-apply. Ang mga pangkat ng FEMA Disaster Survivor Assistance (Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna) ay naglalakad sa mga kapitbahayan para mag-sign up ng mga nakaligtas sa sakuna sa personal. Siguraduhin mong maghanap ng I.D. (tarheta ng pagkakakilanlan) ng FEMA I.D. Bukas din ang mga Disaster Recovery Centers (Sentro ng Pagbawi mula sa Sakuna). May mga espesyalista ang mga sentro na tutulong sa iyong mag-apply at ipaliwanag sa iyo ang mga programa na maaaring maging kwalipikado ka.
Anong uri ng tulong ang maaari kong matanggap?
- Idinisenyo ang tulong ng FEMA para agad na maumpisahan ang pagsisikap sa pagbawi at tiyakin na maaaring matitirahan ang iyong bahay. Ang tulong na matatatanggap mo ay hindi malamang na sasaklaw ng buong gastos sa pagbabalik ng iyong bahay o pag-aawi sa dati nitong kondisyon bago dumating ang sakuna. Upang malaman ang mga uri ng tulong na maaari mong makuha, bumisita sa pahina na Maghanap ng Tulong.
- Pwede ba akong mag- apply para sa tulong ng FEMA kung mayroon akong seguro?
- Oo. Maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong sa sakuna ng FEMA kahit na mayroon kang seguro, kaya huwag ka nang maghintay pa para magrehistro sa FEMA. Subalit, kakailanganin mong maghain ng claim sa iyong tagapagbigay ng seguro at isumite ang kasunduan sa seguro o liham ng pagtanggi sa FEMA upang matukoy ang iyong pagiging karapat-dapat para sa ilang uri ng tulong. Sa ilalim ng batas, hindi kaya ng FEMA na kumopya ng mga benepisyo para sa mga pagkawala na sinasaklaw ng iyong seguro.
Kung hindi ako mamamayan ng Estados Unidos, pwede bang mag-apply sa FEMA ang ibang miyembro ng aking samabahayan?
- Oo. Para maging kwalipikado sa tulong mula sa FEMA, ikaw o ang ibang miyembro ng iyong sambahayan ay kinakailangang maging isang U.S. citizen (mamamayan ng Estados Unidos), isang non-U.S. citizen national o kwalipikadong non-citizen. Ang mga pamilya na may magkakaibang katayuan sa imigrasyon ay nangangailangan ng kahit isang miyembro ng pamilya na may numero ng Seguridad Panlipunan para makapag-apply. Itong miyembro ng pamilya ay maaaring isang menor de edad na U.S. citizen, isang non-U.S. citizen national, o kwalipikadong non-citizen. Matuto pa sa pagbisita sa Qualifying for FEMA Disaster Assistance: Citizenship and Immigration Status Requirements | FEMA.gov.
Kung naumpisahan ko na ang proseso ng paglilinis, makakakuha pa rin ba ako ng tulong para sagutin yung mga gastos?
- Oo. Huwag ka nang maghintay sa pederal na tulong para umpisahan ang iyong pagbawi. Itago ang iyong resibo sa pagpapagawa at itala ang mga sira kailanman pwede. Ang mga tagasiyasat ng FEMA ay sinanay para makilala ang sira na naidulot ng sakuna at pag-uusapan ninyo yung mga sira kapag tinawagan ka o pinuntahan ka sa bahay mo.
Ano ang dapat kong gawin tungkol sa pagkalat ng amag sa bahay ko?
- Maaaring makakuha ng tulong ng FEMA para ipagawa ang mga bahagi ng iyong bahay na naapektuhan ng pagtubo ng amag na naidulot ng sakuna. Ibigay-alam itong pagkasira kapag ikaw ay magrehistro. Magagamit ang mga mapagkukunan mula sa Illinois Department of Public Health at Centers for Disease Control and Prevention upang makaalam tungkol sa paglinis at panlunas sa amag.
Bilang isang umuupa, anong uri ng tulong ng FEMA ang maaaring maging kwalipikado ako?
- Ang tulong pinansyal para sa mga umuupa bago ng sakuna ay maaaring sumaklaw ng bayad para sa mga pansamantalang gastos sa panuluyan, pondo para umupa ng pansamantalang tirahan, pondo para palitan o ipagawa ang kinakailangang personal na pag-aari, kabilang ang sasakyan, at walang segurong paglilibing, medikal, dental, pangangalaga ng bata, gastos sa paglipat at pag-iimbak.
Maapektuhan ba ng mga gawad ng FEMA ang aking benepisyo sa Seguridad Panlipunan, buwis, selyong pampagkain, o Medicaid?
- Hindi. Ang tulong ng FEMA ay walang buwis at hindi nakakaapekto ng benepisyo ng Seguridad Panlipunan, Medicare, Medicaid, Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP o Programa ng Pandagdag na Tulong sa Nutrisyon) o iba pang pederal na programa ng kapakanan at karapatan.
Kailangan ko ba ng inspeksyon sa aking bahay para makakuha ng tulong ng FEMA?
- Oo. Sa loob ng ilang araw, maaaring tumawag ang mga kawani at tagasiyasat ng FEMAmula sa isang hindi nakikilalang numero ng telepono at gumawa ng mga pagtatangkang pag-usapan ang iyong pagkasira na naidulot ng sakuna. Maaari lang ganapin ang isang inspeksyon kapag naroroon ang aplikante o kasama niyang aplikante.
Bakit ako dinidirekta ng FEMA sa U.S. Small Business Administration para sa pautang?
- Ang Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ay nagbibigay ng abot-kayang, mababang-interes, pangmatagalang pautang sa sakuna sa mga may-ari ng bahay at umuupa na nakaranas ng pagkalugi na hindi buong sinagot ng seguro at iba pang mapagkukunan. Kung hindi kaya ng SBA na aprubahan ang iyong pautang, pwede nila kayang itukoy pabalik sa FEMA para sa posibleng karagdagang tulong. Ang hindi pagsasauli ng aplikayon sa SBA ay maaaring mag-alis ng iyong karapatan na makakuha ng ibang tulong ng FEMA para sa pagpapagawa ng sasakyan, mahalagang gamit sa bahay, at kinakailangang gastos na naidulot ng sakuna.
May nasira sa basement ko. Anong pwede kong makuhang tulong ng FEMA para sa pagkawalang iyon?
- Habang ang tulong para sa pagkasira sa basement damage ay limitado sa mga pagkawala na nakakaapekto kung ang iyong bahay ay matitirahan, ang mga mahalagang kasangkapan o bahaging istruktura ng iyong basement, tulad ng pugon, pampainit ng tubig o ang pundasyon ng iyong bahay, ay maaaring maging kwalipikado para sa tulong ng FEMA. Ang mga bahay na may sira sa mga mahalagang matitirahang espasyo ng basement— tulad ng hardin na apartamento—ay maaari ring maging kwalipikado. Kailangan mo munang magrehistro sa FEMA, at ang mga espesyalista ay makikipag-ugnayan sa iyo upang tiyakin ang iyong pagiging karapat-dapat.
Nakatanggap ako ng liham na nagsasabing hindi ako kwalipikado para sa tulong ng FEMA. Ang ibig sabihin ba nun ay hindi ako makakaasa ng kahit anong tulong mula sa FEMA?
- Hindi naman. Mahalagang basahin mo nang mabuti ang iyong liham ng desisyo ng FEMA. Maaaring kakailanganin mo lang na magbigay ng karagdagang impormasyon o dokumento para mapatuloy ang iyong aplikasyon. Pwede ka laging bumisita sa isang sentro ng pagbawi o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA kung mayroon kang tanong o kailangan mo ng tulong sa proseso.
Landlord ako at may-ari ako ng isang apartamentong gusalio bahay na nasira sa sakuna. Pwede ba akong kumuha ng tulong ng FEMA?
- Ang Home Repair Assistance (Tulong sa Pagpapagawa ng Bahay) sa pamamagitan ng FEMA ay pwede lang makuha ng mga landlord na permanenteng nakatira sa nasirang tahanan. Sa mga apartamentong gusali, maaaring makakuha ng tulong para sagutin ang mga gastos na nauugnay sa pagkasira sa loob ng isang unit na tinitirhan ng may-ari. Ang tulong ng FEMA ay hindi sasagot sa mga gastos sa pagkasira sa mga karaniwang lugar. Subalit, ang mga kwalipikadong paupahang pag-aari ay maaaring maging kwalipikado para sa tulong sa ilalim ng programa ng pautang sa sakuna sa negosyo ng U.S. Small Business Administration. Para matuto pa, tumawag sa SBA sa 1-800-659-2955.
Mayroon bang tao sa FEMA nagsasalita ng aking wika?
- Oo. Ang Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 ay may mga espesyalista na nagsasalita ng iba’t ibang wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Nag-aalok din ang FEMA ng libreng serbisyo para tulungan ang mga nakaligtas na makipag-ugnayan sa mga kawani ng FEMA sa telepono o sa mga Disaster Recovery Centers (Sentro ng Pagbawi sa Sakuna). Para makahanap ng sentro ng pagbawi, pumunta sa fema.gov/drc.