Ang Madaliang Pagkilos sa Pagbawi para sa mga Texans Pagkatapos ng mga Matinding Bagyong Taglamig

Release Date:
Marso 4, 2021

Ang Programa sa Tulong sa Indibidwal ng FEMA (FEMA’s Individual Assistance Program/IA) ay nagbibigay ng tulong pinansyal at direktang mga serbisyo sa mga karapatdapat na mga indibidwal at sambahayan na walang seguro o kulang ng seguro ng mga kinakailangang gastos at malubhang pangangailangan.

  • Ang programa ng IA ay hindi kapalit ng seguro at hindi babayaran ang lahat ng nawala na dulot ng sakuna.  Ayon sa batas, hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benepisyo.
  • Ang IA ay naglalayong tugunin ang mga pangunahing pangangailangan at tumulong sa mga nakaligtas na makatayong muli sa sariling mga paa.   Ang FEMA ay walang kakayahan na gawin kang buo.

Seguro ng May-ari ng Bahay

  • Ang seguro ay itinalaga upang protektahan ang iyong mga pangunahing pamumuhunan sa iyong bahay.  Isa ito sa mga pinakamakabuluhang pinuhunanan mo.
  • Sa kabutihang palad, ang seguro ay magbibigay sa iyo ng higit na pinansyal na seguridad kaysa sa mga gawad ng tulong sa sakuna.
  • Kasunod ng mga bagyo, maraming mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan ang nakaranas ng mga pagkawala ng kuryente, matinding mga temperatura at mga pinsala na nanggaling sa mga sumabog na tubo sa kanilang bahay.
    • Karaniwan, ang seguro ng may-ari ng bahay ay sasakop sa mga pag-aayos at pinsala kaugnay ng mga sumabog na tubo.

Pagkatapos Mag-aplay ng Tulong sa FEMA

  • Kapag ang mga aplikante ay nag-aplay sa FEMA para sa tulong, tatanungin sila kung sila ay nakaseguro.
  • Isasaalang-alang na ang seguro habang ang kanilang aplikasyon ay nasa proseso kung naipahiwatig nila na sila ay may seguro.
    • Ayon sa batas, hindi mababayaran ng FEMA ang mga nawala na sinakop ng seguro, kaya mangangailangan ng dokumentasyon ng pagbabayad o pagtanggi ng seguro ang kanilang mga aplikasyon.

Ang Pagpapasiya ng FEMA

  • Makakatanggap ang mga aplikante ng isang sulat o abiso na nagsasaad ng katayuan ng kanilang aplikasyon.

 

  • Para sa maraming aplikante na may seguro, ang sulat ay magsasaad ng “Walang Desisyon” (“No Decision.”)  Hindi ito isang pagtanggi. Ito ay nagsasabi na kailangan ng karagdagang impormasyon upang maituloy ang pagpoproseso ng paghahabol, na karaniwan ay isang kopya ng pagbabayad o pagtanggi ng seguro.
  • Ang ibang mga aplikante ay maaaring makatanggap ng abiso na sila ay “Hindi Karapatdapat” (“Ineligible”) para sa tulong ng FEMA.  Sa sakunang ito, ang ilang dahilan para sa ganitong pagpapasiya ay ang pangangailangan na magbigay ng patunay ng pagmamay-ari o paninirahan.  Ang mga ehemplo ng dokumentasyon upang patunayan ang pagmamay-ari ay maaaring kasama ang:
    • Titulo
    • Pahayag ng pautang
    • Resibo o Paniningil ng Buwis sa Pag-aari
  • Ang mga ehemplo ng dokumentasyon upang patunayan ang paninirahan ay maaaring kasama ang:
    • Paniningil sa Kuryente
    • Pagpapaupa/Kasunduan sa Pabahay
    • Resibo ng Upa
  • Kaya sinasabi ng FEMA sa mga aplikante na basahing mabuti ang sulat upang matukoy kung anong mga dokumento ang maaaring nawawala.

Paano ang Pagtugon kung ang mga Dokumento ay Nawawala

  • Maaaring i-upload ng mga aplikante ang mga dokumento mula sa kanilang tagabigay ng seguro upang makatugon sa mga pangangailangan na tinukoy sa sulat ng pagpapasiya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ilang simpleng hakbang.
    • Ang mga karagdagang dokumentasyon ay maaaring i-upload sa DisasterAssistance.gov o sa pagtawag sa FEMA   helpline sa 800-621-3362.
    • Ang pinakamagaling, at pinakamabilis, na paraan upang maipadala ang mga dokumento ng sakuna sa FEMA ay ang pag-upload ng iyong mga dokumento online.  Ito ay magagawa sa pamamagitan ng anim na madaling mga hakbang lamang:

Hakbang 1:  Bumisita sa DisasterAssistance.gov

Hakbang 2: Piliin ang katayuan

Hakbang 3: Mag-login o gumawa ng iyong account sa online

Hakbang 4: Pumili ng tab ng pakikipagsulatan

Hakbang 5: Piliin ang sentro ng pag-upload

Hakbang 6: Sundin ang mga tagubilin sa online

Birtuwal na mga Inspeksyon sa Bahay

  • Dahil sa katangian ng mga bagyo, ang pinsala sa mga bahay ay maaaring nasa loob ng tirahan at hindi sa labas.
  • Ang mga inspeksyon na inilalabas kung ang isang pangangailangan kaugnay ng sakuna ay unang natukoy batay sa mga tanong ng pagrerehistro. Sa kabutihang palad, karamihan sa mga may-ari ng bahay, bahay na mobil at mga seguro sa laman ng nangungupahan/may-ari ay maaaring sakupin ang pinsala na dulot ng yelo at niyebe.
  • Ang FEMA ay nag-angkop ng proseso ng pag-inpeksyon sa bahay na kasama ang birtuwal na mga inspeksyon, na nagpapahintulot sa mga may-ari ng bahay ng paggamit ng isang smartphone upang maipakita sa mga inspektor ang pinsala sa kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pagtawag sa bidyo..
  • Ang mga aplikante ay maaaring tawagan ng isang inspektor ng FEMA upang maitakda ang birtuwal na inspeksyon.
  • Habang nag-iinspeksyon ang mga aplikante ay tatanungin ng mga katanungan tungkol sa uri at lawak ng pinsala na natamo.
  • Habang nagpapalabas sa bidyo, ang aplikante ay magkakaroon ng pagkakataon na ipakita sa inspektor ang mga lugar ng interes gaya ng bubong, mga bintana, sahig, kisame, mga ibaba, mga daanan, kakayahang matirhan, mga kuwarto, kasangkapan, mga kagamitan, mga bagay na sakop ng mga may kapasanan sa Americans with Disabilities Act (gaya ng mga rampa at mga madaling mapanghahawakan), at iba pa.
  • Ang isang pagsusuri sa bidyo ay maaaring isama sa isang panglabas-lamang na inspeksyon, kung kinakailangan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bagyo ng taglamig noong nakaraang buwan sa Texas, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4586.

Tags:
Huling na-update