Paano Makakatulong ang FEMA

Release Date:
Pebrero 28, 2024

Ang Individuals and Households Program o Programang Pang-Indibidwal at
Pansambahayan (IHP) ng FEMA ay nagbibigay ng pinansyal na tulong at direktang serbisyo sa mga karapat-dapat na indibidwal at sambahayan na may hindi nakaseguro o may kakulangan sa seguro na mga kinakailangang gastos at malubhang pangangailangan dahil sa isang sakuna na idineklara ng Pangulo. Ang tulong ay inilaan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng sambahayan, hindi upang ibalik ang lahat ng mga personal na pag-aarin bagay sa kondisyon nila bago ng kalamidad. Ang mga nakaligtas na may hindi nakaseguro o may kakulangan sa seguro na pinsala sa kanilang pangunahing tirahan ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong ng FEMA at pinapayuhan na makipag-ugnayan sa kanilang kompanya ng seguro upang maghain ng claim para sa pinsala na sanhi ng kalamidad.

Unawain kung Ano ang Mga Pagkalugi na Maaaring Sakop ng FEMA

Ang tulong ng FEMA ay hindi kapalit sa seguro at hindi maaaring mabayaran ang lahat ng pagkalugi na dulot ng sakuna. Inilaan ito para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at madagdagan ang mga pagsisikap sa pagbawi. Maaaring ibigay ang tulong ng FEMA kapag ang sakuna ay nagdulot ng pinsala na nakakaapekto sa kakayahang matirahan ang bahay. Tinutukoy ng FEMA ang “hindi matitirahan” bilang isang tirahan na hindi ligtas, malinis, o angkop na okupahan. Ang “ligtas” ay tumutukoy sa pagiging ligtas mula sa mga panganib o mga banta na sanhi ng kalamidad at ang “malinis” ay tumutukoy sa pagiging malaya sa mga panganib sa kalusugan na sanhi ng
sakuna. Hinihiling din ng FEMA na gumagana ang mga bagay na nasira sa kalamidad bago ang sakuna. Ang “gumagana” ay tumutukoy sa isang bagay o tahanan na may kakayahang magamit para sa inilaan nitong layunin.

Ang pinsala sa bahay ay dapat na nauugnay sa matinding bagyo at pagbaha na naganap noong Enero 21-23, 2024 sa County ng San Diego. Maaaring makipag-ugnayan ang mga inspektor ng FEMA sa mga nakaligtas na nag-apply upang makipag-areglo ng isang appointment sa inspeksyon.

Mga halimbawa ng Ligtas, Malinis, at Gumaganang Pag-aayos upang Gawing Angkop na Matirahan ang Isang Bahay:

  • Ari-arian: Maaaring tumulong ang FEMA sa pagpapalit o pag-aayos ng mga sistema ng pag-init, bentilasyon, at air-conditioning at mga karaniwang gamit sa bahay tulad ng hurno, mga pampainit ng tubig, refrigerator at kalan na nasira sa kalamidad. Hindi saklaw ang mga hindi mahahalagang bagay tulad ng mga dishwasher o makinang
    panghugas ng plato at kagamitan sa home theater o pambahay na teatro. Ang iba pang mga posibleng pagaayos na maaaring sakop ay ang mga sistema ng utility tulad ng mga sistema ng kuryente, gas, at septic/alkantarilya.
  • Pinsala sa kisame at bubong: Maaaring makatulong ang FEMA upang ayusin ang idinulot ng sakunang pagtagas sa isang bubong na nakakasira ng kisame at nagbabanta sa mga de-koryenteng bahagi, tulad ng mga ilaw sa itaas, ngunit hindi kasama ang mga mantsa mula sa tagas ng bubong.
  • Mga sahig: Maaaring makatulong ang FEMA upang ayusin ang mga nasirang subfloor (sahig sa ilalim na palapag) sa mga tinitirahang bahagi ng bahay, ngunit hindi kasama ang mga takip ng sahig tulad ng tile o alpombra.
  • Mga Bintana: Maaaring tumulong ang FEMA sa mga nasirang bintana na may kaugnayan sa kalamidad, ngunit hindi kasama ang blinds o drapes.

Maaaring magbigay ang FEMA ng Lodging Expense Reimbursement o Pagbayad sa mga Nagastos para sa Panuluyan (LER) sa mga karapat-dapat na aplikante na nagdudulot ng mga gastos sa pansamantalang tirahan dahil sa pinsala na nakakaapekto sa kakayahang matirahan ang kanilang pangunahing tirahan. Ang aplikante ay hindi dapat nakatanggap ng tulong sa tirahan mula sa anumang iba pang mapagkukunan para sa parehong petsa na humingi ng LER.

Ang halaga ng pinansyal na tulong na maaaring matanggap ng isang indibidwal o sambahayan sa ilalim ng IHP ay limitado. Ang bawat uri ng tulong sa IHP ay may mga tiyak na kondisyon sa pagiging karapat-dapat at mga kinakailangan sa dokumentasyon. Dahil naiiba ang sitwasyon ng bawat nakaligtas, magkakaiba ang mga kalkulasyon ng FEMA sa kung ano ang maaaring sakupin nito. Ang mga gastos para sa pag-aayos na lumampas sa mga kondisyon upang gawing ligtas, malinis at gumagana ang isang bahay ay hindi karapat-dapat.

Gumastos ng Matalino ang Mga

Hindi dapat gamitin ang mga grant sa sakuna para sa paglalakbay, libangan, o anumang gastos na hindi nauugnay sa sakuna. Ang mga nakaligtas ay dapat panatilihin ang mga resibo sa loob ng tatlong taon upang ipakita kung paano nila ginugol ang mga grant nila.

Kung hindi ginamit ang pera ng grant tulad ng nakabalangkas sa liham, maaaring kailanganin mong bayaran ang FEMA at maaaring mawala ang iyong pagiging karapat-dapat para sa karagdagang pederal na tulong na maaaring magamit sa paglaon para sa iyong pagbawi sa sakuna.

Kung Hindi Sapat ang Tulong upang Ayusin ang Iyong Bahay sa Orihinal na Kalagayan nito:

Kapag nag-apply ka para sa tulong sa sakuna, maaari kang makatulong sa US Small Business Administration o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo (SBA). Nag-aalok ang SBA ng mga pautang sa sakuna sa mababang interes. Ang mga may-ari ng bahay at umuupa na tumatanggap ng aplikasyon para sa isang pautang sa SBA ay hinihikayat na kumpletuhin ang aplikasyon kahit na magpasya silang huwag itong kunin. Ang mga aplikante na umalis mula sa proseso o tumanggi sa pautang mula sa SBA ay hindi itutukoy sa FEMA para sa tulong sa mga pangangailangan na nakasalalay sa SBA. Kung maaprubhan ka para sa isang pautang, hindi ka obligadong tanggapin ito. Kung nag-apply ka at nagging hindi karapat-dapat para sa isang pautang sa SBA, maaari nitong buksan ang pinto sa isang karagdagang grant mula sa FEMA.

  • Para sa mga negosyo at ilang mga nonprofit: hanggang sa $2 milyon para sa pinsala sa ari-arian at pinsala sa ekonomiya.
  • Para sa mga may-ari ng bahay: hanggang sa $500,000 upang ayusin o palitan ang kanilang pangunahing tirahan.
  • Para sa mga may-ari ng bahay at umuupa: hanggang sa $100,000 upang palitan ang personal na ari-arian, kabilang ang mga sasakyan.

Ang mga negosyo at residente ay maaaring mag-apply online sa https://lending.sba.gov. Para sa mga katanungan at tulong sa pagkumpleto ng aplikasyon sa SBA, tumawag sa 800-659-2955 disastercustomerservice@sba.gov

Para sa pinakabagong impormasyon sa matinding bagyo at pagbaha sa San Diego County noong Enero 21-23, 2024, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4758.

 

 

Tags:
Huling na-update