LOS ANGELES – Kung nasira ng mga wildfire sa Los Angeles County o ng mga straight-line winds mula Enero 7 – Enero 31, 2025 ang iyong bahay o personal na ari-arian, maaari kang maging kwalipikado para sa tulong sa nasalanta ng kalamidad mula sa FEMA.
Ang mga indibidwal na hindi tiyak ang kanilang kwalipikasyon para sa tulong mula sa FEMA, naghihintay ng settlement ng insurance claim, o wala pang kasalukuyang pangangailangang hindi natugunan ngunit maaaring magkaroon sa hinaharap, ay mariing hinihikayat na mag-apply para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA bago ang deadline na Marso 31.
Tinitiyak ng paghahain ng aplikasyon na kapag tinanggihan ang iyong insurance claim, kulang ka sa insurance, o hindi sinasaklaw ng iyong insurance claim ang iyong mga pagkalugi, maaari ka pa ring maging kwalipikado upang makatanggap ng tulong mula sa FEMA.
Isang aplikasyon lamang para sa tulong sa nasalanta ng sakuna mula sa FEMA ang maaaring isumite bawat sambahayan. Kung nag-apply ka at sinasabi sa iyo na nakapag-apply ka na, kumpirmahin sa mga miyembro ng iyong sambahayan na walang ibang nag-apply para sa tulong sa iyong pangalan.
Kung pinaghihinalaan mong may pandaraya, tawagan ang FEMA Helpline agad sa 800-621-3362 o bisitahin ang Sentro ng Pagbangon sa Sakuna. Ititigil ng security team ng FEMA ang anumang mandarayang aplikasyon at magsasagawa ng imbestigasyon sa posibleng dobleng aplikasyon. Maaaring makatulong ang mga staff ng FEMA sa nakaligtas at siguruhing matatanggap niya ang tulong na kuwalipikado siya.
Sa Lunes, Marso 31, ang huling araw upang mag-apply para sa tulong sa nasalanta mula sa FEMA – hindi maaapektuhan ng deadline na ito ang mga aplikasyon na nasimulan na.
Paano Mag-apply Para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA:
- Mag-online sa DisasterAssistance.gov.
- Sa FEMA App.
- Sa pamamagitan ng pagtawag sa FEMA Helpline sa 1-800-621-3362. Kung gumagamit ka ng relay service, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Available ang tulong sa maraming wika. Bukas ang mga linya Linggo–Sabado, mula 4 a.m.- 10 p.m. Oras sa Pasipiko.
- Sa Sentro ng Pagbangon mula sa Kalamidad (Disaster Recovery Center, DRC). Upang mahanap ang isang DRC na malapit sa iyo, bisitahin ang DRC Locator.
Para sa video ng isang American Sign Language kung paano mag-apply, bisitahin ang Naa-access na FEMA: Tatlong Paraan para Magparehistro para sa Tulong sa Kalamidad ng FEMA
Karagdagang Impormasyon sa Tulong mula sa FEMA:
Maaari ba Akong Tumanggap ng Tulong mula sa FEMA kung ako ay may Insurance? | FEMA.gov
May Tulong para sa Mga Self-Employed na Nakaligtas sa Wildfire | FEMA.gov
Saklaw ng FEMA para sa Malalaking Gastusin
Pagsusumite ng Iyong mga Dokumento ng Seguro sa FEMA
Sundan ang FEMA online sa X @FEMA o @FEMAEspanol, sa Facebook page ng FEMA o FEMA Español, at sa YouTube account ng FEMA. Para sa impormasyon tungkol sa kahandaan, sundan ang Ready Campaign sa X sa @Ready.gov, sa Instagram sa @Ready.gov, o sa Ready Facebook page.
Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Bisitahin ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-aplay para sa tulong.