Gamitin nang mabuti ang iyong FEMA Wildfire Recovery Funds.

Release Date Release Number
NR-025
Release Date:
Marso 18, 2025

LOS ANGELES – Tandaan na gamitin lamang ang mga pondo ng tulong mula sa FEMA para sa mga aprubadong gastusin na may kaugnayan sa kalamidad. Itatatakda ng liham ng notipikasyon ng FEMA ang mga tamang paggamit ng iyong tulong sa nasalanta ng sakuna. Maaaring magresulta sa pagbabalik ng pera sa FEMA ang paggastos ng mga pondo para sa ibang layunin maliban sa itinakdang paggamit nito.

Nagpapadala ang FEMA ng liham ng notipikasyon sa bawat aplikante upang ipaalam sa kanila ang mga uri ng tulong na kwalipikado silang matanggap, at ang mga halaga ng tulong na ibinibigay ng FEMA para sa bawat kwalipikadong pangangailangan. Kasama nito ang:

  • Mga pag-aayos upang gawing ligtas, malinis, at matibay ang isang tahanan upang matirhan.
  • Tulong sa pagbabayad ng renta upang pansamantalang magbayad para sa isang matitirhan.
  • Pag-aayos o pagpapalit ng isang mahalagang sasakyan na nasira ng kalamidad.
  • Pangangalagang medikal para sa isang pinsala na dulot ng kalamidad.
  • Pagpapalit ng mga damit, gamit sa trabaho, at mga gamit sa edukasyon.
  • Mga gastos sa paglipat at pag-imbak na may kaugnayan sa kalamidad.
  • Pagpapapalit ng mga medikal na kagamitan.

Binabawalan ng pederal na batas ang FEMA na magbigay ng tulong na kapareho ng tulong na available mula sa ibang mga mapagkukunan, tulad ng insurance. Kapag hindi mo ginamit ang iyong mga pondo na tulong mula sa FEMA ayon sa mga nabanggit sa itaas, maaaring hilingin sa iyo na ibalik ang pera sa FEMA. 

Huwag gamitin ang iyong pondo na tulong para sa bakasyon, libangan, o anumang gastusin na hindi kaugnay ng kalamidad. Dapat mong itago ang mga resibo sa loob ng tatlong taon upang ipakita kung paano mo ginastos ang mga FEMA grant at idokumento kung paano ginamit ang iyong pondo upang bumangon mula sa sakuna.

Habang nagsisimula kang makatanggap ng mga pondo para sa tulong sa pagbabayad ng renta, pag-aayos ng bahay, o iba pang mga kategorya ng tulong, makakasiguro ka na ang mga pondo mula sa pederal na tulong upang makabangon sa kalamidad ay hindi pinapatawan ng buwis at hindi makakaapekto sa mga bayad mula sa ibang pederal na programa tulad ng Medicare o Social Security.

Sundan ang FEMA online sa X @FEMA@FEMAEspanol, sa Facebook page ng FEMAFEMA Español, at sa YouTube account ng FEMA. Para sa impormasyon tungkol sa kahandaan, sundan ang Ready Campaign sa X sa @Ready.gov, sa Instagram sa @Ready.gov, o sa Ready Facebook page.

Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Bisitahin ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-aplay para sa tulong.

Tags:
Huling na-update