Inaprubahan ng FEMA ang Karagdagang $1.3 Milyon para sa Trabahong Pang-emerhensiya Kasunod ng Mga Bagyo sa Florida

Release Date Release Number
DR-4834-FL NR-060
Release Date:
Pebrero 3, 2025

TALLAHASSEE, Florida - Inaprubahan ng FEMA ang karagdagang $1.3 milyon upang mabayaran ang mga komunidad sa Florida para sa trabahong pang-emerhensiya pagkatapos ng mga BagyongMilton, Helene, at Debby. 

Kabilang dito ang: 

  • $935,244 para sa Marion County para sa pagtanggal ng basura (Milton).
  • $118,386 para sa Opisina ng Hernando County Sheriff para sa Mga Hakbang sa Emehersiyang Proteksyon (Milton).
  • $ 45,745 para sa Opisina ng Hernando County Sheriff para sa Mga Hakbang sa Emerhensiyang Proteksyon (Helene).
  • $4,374 para sa Talquin Electric Cooperative, Inc. para sa Mga Hakbang sa Emerhensiyang Proteksyon (Debby).
  • $3,208 Lupon ng Paaralan ng Distrito ng Dixie para sa pagtanggal ng basura (Debby).
  • $7,698 para sa Lungsod ng Newberry para sa pagtanggal ng basura (Debby).
  • $25,551 para sa Lungsod ng Newberry para sa Mga Hakbang sa Emerhensiyang Proteksyon (Debby).
  • $7,377 para sa Unity Church ng Sarasota, Inc. para sa Mga Hakbang sa Emerhensiyang ProteksyonEmergency Protective Heasures (Debby).
  • $170,095 para sa St. Johns County para sa Mga Hakbang sa Emerhensiyang Proteksyon (Debby).

Sa ngayon, ang Tulong sa Publiko ng FEMA (FEMA Public Assistance) ay nagbigay ng $1.04 bilyon para sa Bagyong Milton, $416.1 milyon para sa Bagyong Helene at $112.6 milyon para sa Bagyong Debby. Binabayaran ng pera ang estado, mga lokal na pamahalaan at ilang mga organisasyong nonprofit para sa mga hakbang sa emerhensiyang proteksyon at pagtanggal ng mga basura. 

Ang programa ng Tulong sa Publiko (Public Assistance) ng FEMA ay nagbibigay ng pagbabayad sa mga ahensya ng pamahalaan ng lokal at estado para sa mga gastos ng pagtugon sa emerhensiya, pagtanggal ng basura at pagpapanumbalik ng mga nasira sa sakuna na mga pampamahalaang pasilidad at imprastraktura. Ang mga bahay ng pagsamba at iba pang mga organisasyong nonprofit ay maaari ring maging karapat-dapat para sa Tulong sa Publiko ng FEMA.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Bagyong Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa Bagyong Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Para sa Bagyong Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. Sundan ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema. 

Tags:
Huling na-update