Mabilis na Inilunsad ng FEMA ang Programa ng Direktang Pabahay upang Matulungan ang mga Nakaligtas sa Bagyong Idalia

Release Date Release Number
058
Release Date:
January 26, 2024

Sa isang kapansin-pansin na pagpapakita ng kahusayan at dedikasyon, mabilis na isinagawa ng FEMA ang programa ng Direktang Pabahay nito upang matulungan ang mga nakaligtas sa Bagyong Idalia. Mula noong Enero 23, inilagay ng FEMA ang lahat ng karapat-dapat na sambahayan na apektado ng Bagyong Idalia sa mga pansamantalang yunit ng pabahay, na nagmamarka ng matagumpay na pagkumpleto ng proseso ng “licensing-in” (paglilisensya).

Masigasig na nagtatrabaho ang FEMA upang ilagay ang mga karapat-dapat na nakaligtas at nagsusumikap na tumira sila sa mga angkop na yunit ng pabahay sa lalong madaling panahon. “Ang aming koponan ng Direktang Pabahay ay nagtatrabaho nang walang pagod upang maisagawa ang isa sa pinakamabilis na misyon ng direktang pabahay,” sabi ng Pederal na Opisyal na Tagapag-ugnay ng FEMA na si Brett Howard. 

Sa loob ng isang pambihirang 40 araw mula nang pag-apruba ng programa, inilagay ng FEMA ang unang nakaligtas sa isang pansamantalang yunit ng pabahay. Maraming mga kwalipikadong sambahayan ang may pansamantalang unit ng pabahay na nakalagay sa kanilang pribadong pag-aari at maraming mga pad (piraso ng lupa) sa mga komersyal na parke ang inuupahan upang maglagay ng mga yunit ng FEMA. 

Ang programa ng Direktang Pabahay ay isang mahalagang bahagi ng stratehiya ng FEMA sa pagtugon sa sakuna, na nagbibigay ng isang ligtas at matatag na solusyon sa pansamantalang pabahay sa mga karapat-dapat na nakaligtas sa sakuna habang inaasikaso nila ang kanilang proseso sa pagbawi. Kasunod ng Bagyong Idalia, inaprubahan ng FEMA ang Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay sa siyam na county: Dixie, Gilchrist, Hamilton, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Suwannee at Taylor noong Setyembre 18, 2023. 

Maaaring karapat-dapat ang mga naninirahan na manatili sa mga travel trailer o mobile home (gawang bahay na madaling ilipat) na ibinigay ng FEMA nang hanggang 18 buwan mula sa petsa ng deklarasyon ng sakuna habang inaasikaso nila ang mga pagpipilian sa permanenteng pabahay. Tatlong sambahayan na ang nakaalis mula sa mga pansamantalang unit ng pabahay ng FEMA matapos makumpleto nila ang kanilang Plano sa Permanenteng  Pabahay.

Ang paglalagay ng mga nakaligtas sa mga yunit ay kinabibilangan ng mga suliranin tulad ng pag-order, pag-install, pagpapahintulot, pagkabit ng utility (hal. kuryente, internet, atbp) at inspeksyon. Upang matiyak na ang prosesong ito ay kumilos nang maayos, nakikipagtulungan ang FEMA sa mga aplikante, lokal na pamahalaan, mga kumpanya ng utility at iba pa upang malampasan ang mga hadlang na maaaring pumigil sa pagiging handa ng mga yunit para matirahan. Patuloy ang ahensya na ginagawang mabisa ang proseso upang matiyak na matanggap ng mga apektadong sambahayan ang kinakailangan nilang suporta sa napapanahong paraan.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong