Palapit na ang Huling Araw ng Aplikasyon sa Gawad sa Imprastraktura ng FEMA

Release Date Release Number
NR-019
Release Date:
October 10, 2023

CHICAGO, IL – Ang huling araw para sa mga awtoridad sa 19 county na kasama sa Presidential Major Disaster Declaration (Deklarasyon ng Pangulo sa Matinding Sakuna) na humingi ng pondo mula sa Programang Public Assistance (PA o Pampublikong Tulong) ng FEMA ay ika-15 ng Oktubre, 2023. Ang PA ay nagbibigay ng pondo para tulungan ang mga teritoryo, tribu, panlokal, at pang-estadong pamahalaan at kwalipikadong Private Nonprofits (PNP o Pribadong Hindi Pangkalakal na Organisasyon), kabilang dito ang mga sambahan, sa pagbawi mula sa pagkasira sa imprastraktura dahil na sanhi ng mga emerhensya o matinding sakuna na idineklara ng Pangulo. Para maging karapat-dapat, ang PNP ay dapat magpatakbo ng pasilidad na bukas sa publiko na nagbibigay ng kritikal na serbisyo – pang-edukasyon, utility, pang-emerhensya o pangmedikal – o isang mahalagang serbisyo ng gobyerno. Itong programang gawad ay hindi nagbibigay ng tulong sa mga indibidwal na samabahayan o pribadong negosyo.

Ang mga county na kwalipikado para mag-apply para sa pondo ng PA dahil sa natamong matinding pagkasira na naidulot ng bagyo noong Hunyo 29 – Hulyo 2 ay mga county ng: Christian, Clark, Coles, Cumberland, DeWitt, Douglas, Edgar, Hancock, Macon, McDonough, Monroe, Morgan, Moultrie, Pike, Sangamon, Scott, Vermillion, Warren at Washington. Kung ikaw ay interesado para mag-apply, pakikumpleto ang Request for Public Assistance (fema.gov) at ibalik ito sa EMA.PA.Grants@Illinois.Gov.

Magkakaroon ng isang pagtatagubilin sa aplikante para ipaalam sa mga potensyal na aplikante (pang-estado, panlokal, pangtribu, pangteritoryo na pamahalaan, at ilang kwalipikadong Pribadong Hindi Pangkalakal na Organisasyon (PNP) ang maaaring magamit na tulong PA at kung paano mag-apply. Ito ay naka-iskedyul mula 11 n.u. hanggang tanghali sa ika-12 ng Oktubre sa virtual gamit ang WebEx.

Ang mga bahay ng sambahan ay maaaring makakuha pa ng impormasyon sa What Houses of Worship Need to Know About the FEMA Disaster Aid Process Flyer | FEMA.gov

Itong polyeto ay mababasa sa Ingles, Espanyol, Tsino, Vietnamese, Tagalog, Pranses, Aleman, Haitian Creole, Koreano, at Portuges.

Tags:
Huling na-update noong