Ang pagkolekta ng right of entry (karapatang pumasok) ng Operation Blue Roof ay pinalawig ng hanggnag sa ika-16 ng Nobyembre, nagbibigay ng babala ang Corps sa mga may-ari ng tirahang mag-ingat sa mga programang mapanlinlang

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL NR 036
Release Date:
Nobyembre 11, 2018

TALLAHASSEE, Fla. – Sa kahilingan ng Estado ng Florida at FEMA, ang U.S. Army Corps of Engineers ay magpapatuloy sa pagkolekta ng mga form sa Right of Entry (Karapatang Pumasok - ROE) para sa Operation Blue Roof hanggang Biyernes, ika-16 ng Nobyembre, 2018.

 

Dagdag dito, nagbibigay ng babala ang USACE sa mga may-ari ng tirahan tungkol sa mga mapanlinlang na programang maaaring kumatawan sa kanila bilang Operation Blue Roof.  “Kung may lalapit sa inyo na humihingi ng pera para sa blue roof, iyon ay hindi namin programa. Ang Operation Blue Roof ay libre na walang gastos sa mga may-ari ng tirahan,” wika ni Lt. Col. Richard Gussenhoven, Komandante ng USACE Task For Michael.

 

Ang mga may-ari ng tirahan na maaaring magsuspetsang sila ay niloloko ay dapat na makipag-ugnay sa FEMA (866-720-5721, TTY 844-889-4357), sa Corps (888-766-3258) o sa lokal na tagapagpatupad ng batas. Maaari ring iulat nang personal ng mga may-ari ng tirahan ang panloloko sa anumang ROE collection center.

 

Maaaring maging kabilang sa mga senyales ng panloloko ang:

  • Walang quality assurance assessment (pagsusuri sa pagtitiyak ng kalidad) na mula sa USACE
  • Walang kontratistang mula sa USACE na may balidong order ng gawain
  • Humihingi ng kabayaran
  • Humihingi ng mga de-papel na aplikasyon

Para sa mga nakaligtas sa sakuna na humihiling ng blue roof ang mga form ng ROE ay maaaring maisumite online sa www.usace.army.mil/blueroof o nang personal sa anumang ROE collection site hanggang ika-5 ng hapon para sa kanilang mga lokasyon.

 

Mga kinakailangan para sa pagiging karapat-dapat

• Tanging mga pangunahing tirahang may mga pamantayang shingle na bubong ang karapat-dapat na makatanggap ng pagsamantalang blue roof.

• Ang mga bakal na bubong at mga mobile home ay maaaring ipaayos sa praktikal na paraan depende sa kaso nito.

• Ang mga bubong na may pinsala sa istruktura na mahigit sa 50 porsyentong ay hindi karapat-dapat sa programang ito.

• Lahat ng may-ari at nagpapaupa ng mga bahay na pumirma ng form Right of Entry ay bibisitahin.

• Kung ang bahay ay kasalukuyang pinauupahan, kinakailangang magbigay ang nangungupahan ng nakasulat na permisong galing sa may-ari bago ito pumirma sa Right of Entry.

 

Ang mga ROE na isinumite sa o bago mag-ika-16 ng Nobyembre ay pag-aaralan at ang mga pagtatalaga ng Blue Roof ay magpapatuloy gaya ng nakagawian hanggang sa makumpleto.

 

Ang mga ROE collections center ay nakalista sa ibaba.

  • Bay County DRC - Bay County Public Library, 898 West 11th Street, Panama City, FL 32401
  • Bay County - Walmart Supercenter, 2101 S FL-77, Lynn Haven, FL 32444
  • Bay County - Walmart, 15495 Panama City Beach Parkway, Panama City Beach, FL 32413
  • Calhoun County DRC - Sam Atkins Park, NW Silas Green Street, Blountstown, FL 32424
  • Gadsden County DRC - (Old) Gretna Elementary School, 706 Martin Luther King Junior Boulevard, Gretna, FL 32332
  • Gulf County - Port Saint Joe Library, 110 Library Drive, Port Saint Joe, FL 32456
  • Gulf County - Wewahitchka Information Center, 211 N State Road 71, Wewahitchka, FL 32465
  • Jackson County DRC - University Extension Office, 2737 Penn Avenue, Marianna, FL 32448

 

Ang mga kasalukuyang impormasyon ay nakasaad sa www.usace.army.mil/blueroof at sa 888-ROOF-BLU (888-766-3258). Ibibigay ng iisang numerong ito ang impormasyon sa Ingles at sa Espanyol.

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

 

Para sa listahan ng mga mapagkukunan ng suporta at impormasyon para sa mga indibidwal at negosyong apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa www.floridadisaster.org/info

Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4399.

 

Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Emerhensya sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari rin ninyong bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook page ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT.

 

 

Tags:
Huling na-update