WASHINGTON - Ang pinakamataas na priyoridad ng Kagawaran ng Seguridad ng Homeland o Department of Homeland Security (DHS), ng Ahensiya ng Pamamahala ng Pederal na Emergency o Federal Emergency Management Agency (FEMA) at ng mga kasosyong pederal ng mga ito ay ang sumuporta sa estado at mga lokal na komunidad sa Texas upang maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng mga tao sa mga naapektuhang lugar. Patuloy na mapanganib ang Bagyong Harvey at matatagalan ang pananatili nito. Daan-daang milya ang lawak at nagdudulot ng mapanganib na daluyong ng bagyo (storm surge) pagbabaha, at walang humpay na hangin at mga buhawi (tornadoes) ang bagyong ito. Kailangang patuloy na sumunod ang lahat ng mga taong nasa lugar na naaapektuhan ng Bagyong Harvey sa mga tagubilin ng mga pang-estado, lokal at pantribong opisyal, kasama na ang mga tagubilin sa pananatili sa lugar o sa paglilikas. Huwag bumalik sa pinaglikasan hangga’t hindi sinasabihang ligtas na itong gawin. Kapag ligtas na, puntahan ang inyong mga kapitbahay na maaaring nangangailangan ng tulong, gaya ng mga sanggol, bata, matatanda, mga taong may disabilidad at iba pang may pangangailangan sa pag-access at pagkilos. Mga indibiduwal na miyembro ng komunidad ang siyang unang linya ng pagtugon pagkatapos ng bagyo. Idinidiin na i-tsek ng mga kaibigan at kapamilya ang mga site ng social media network gaya ng Facebook o Twitter para sa impormasyon tungkol sa mga minamahal na nasa mga naaapektuhang lugar. Maaari ring gamitin ang programang Safe and Well ng American Red Cross upang mapaalam sa mga kapamilya na kayo ay ligtas, o kung may hinahanap na mga mahal sa buhay. Upang mag-ulat ng nawawalang bata, kontakin ang Pambansang Sentro para sa Nawawala at Inaabusong Mga Bata o National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) sa 1-866-908-9750. Kung may disabilidad o pangangailangan sa pag-access o pagkilos ang inyong nawawalang anak, mangyaring ipaalam sa Rehistro kung kailan ninyo sila makokontak. Ang sinumang makatagpo ng batang walang kasama na maaaring nahiwalay sa kaniyang mga magulang o tagapag-alaga ay kailangang makipag-ugnayan sa mga lokal na kapulisan, o kaya’y magbigay ng mga pangunahing impormasyon at/o larawan sa Rehistro ng Pambansang Sentro para sa Nawawala at Inaabusong Mga Bata at Walang Kasamang Menor de Edad o National Center for Missing & Exploited Children's Unaccompanied Minors Registry, o kaya’y tumawag sa 1-866-908-9570. Nakikita ang malasakit ng mga Amerikano sa kanilang tugon sa pananalasang dala ng bagyo. Makakatulong ang mga tao sa pamamagitan ng pagbisita sa www.nvoad.org, at pagbibigay ng donasyon o pagboboluntir sa mga boluntaryo o pangkawanggawang organisasyong kanilang napili. Marami sa mga ito ay nasa timog Texas na at sumusuporta sa mga nakaligtas, sa gitna ng walang-humpay na ulan at hangin. Para sa karagdagang impormasyon sa Bagyong Harvey, kasama na ang mga na-deploy na mapagkukunan, imahe, at mga footage ng video, pumunta sa: http://www.fema.gov/hurricane-harvey. Mahalagang Pampublikong Impormasyon sa Kaligtasan: Ang mga sumusunod ay mahalagang kaalaman kung kayo ay nasa lugar na naapektuhan o naaapektuhan pa ng bagyo:
Upang matuto pa tungkol sa kung ano’ng dapat gawin bago sa, habang may, at pagkatapos ng masungit na panahon, bisitahin ang www.Ready.gov.
# # # |
Adhikain ng FEMA ang sumuporta sa mga mamamayan at unang tumutugon upang masigurado na sama-sama tayong kumikilos bilang isang bansa sa pagbubuo, pagtataguyod at pagpapabuti ng ating kakayahan sa paghahanda para sa, pagpoprotekta laban sa, pagtugon sa, pag-ahon mula sa, at pagbabawas ng, lahat ng panganib. Sundan ang FEMA online sa www.fema.gov/blog, www.twitter.com/fema, www.twitter.com/femaspox, www.facebook.com/fema at www.youtube.com/fema. Sundan din ang mga aktibidad ni Administrador Brock Long sa www.twitter.com/fema_brock. Para lamang sangguinian ang mga link ng social media na ibinibigay. Hindi ine-endorse ng FEMA ang anumang website, kompanya o aplikasyon na hindi pag-aari ng gobyerno.
|
Patuloy ang Pananalasa ng Bagyong Harvey sa Texas Ipaalam sa mga kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay na kayo ay ligtas
Release Date | Release Number |
---|---|
HQ-17-069 |
Release Date:
Agosto 28, 2017
Huling na-update