Ang Glades at Pasco ay Kwalipikado para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
026
Release Date:
October 15, 2022

TALLAHASSEE – Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan sa mga county ng Glades at Pasco ay karapat-dapat na ngayong mag-apply para sa FEMA Individual Assistance upang tumulong sa pagbawi pagkatapos ng Hurricane Ian.

Bilang karagdagan, inaprubahan ang Sumter County para sa Public Assistance para sa pag-alis ng mga labi at pagkukumpuni o pagpapalit ng mga pampublikong pasilidad na napinsala ng kalamidad. Dati nang inaprubahan ang county para sa mga pang-emergency na hakbang sa proteksyon.

Upang mag-apply para sa tulong ng FEMA, mag-online sa DisasterAssistance.gov , gamitin ang FEMA app para sa mga smartphone o tumawag sa 800-621-3362. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng relay service, gaya ng video relay service (serbisyo ng video relay, VRS), captioned telephone service o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero ng serbisyong iyon. Bukas ang mga linya mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET pitong araw sa isang linggo.

Kung mayroon kang insurance bilang may-ari ng bahay, ng nangungupahan o ng baha, dapat kang maghain ng claim sa lalong madaling panahon. Hindi puwedeng doblehin ng FEMA ang mga benepisyong saklaw ng insurance. Kung hindi saklaw ng policy mo ang lahat ng gastos mo sa sakuna, posibleng kuwalipikado ka sa tulong ng gobberyno.

Maaaring kasama sa tulong sa sakuna ang pinansyal na tulong para sa pansamantalang tuluyan at pagkukumpuni ng bahay, pati na ang iba pang gastos may kaugnayan sa sakuna.

Tags:
Huling na-update noong