Mahalagang Magsumite ng Aplikasyon para sa Pautang ng SBA

Release Date Release Number
006
Release Date:
Setyembre 23, 2021

Brooklyn, N.Y. – Pagkatapos mong magsumite para sa tulong pang-sakuna mula sa FEMA, maaari kang ibilin sa U.S. Small Business Administration. Kung ikaw ay binilin sa SBA, dapat mong makumpleto at masumite ang aplikasyon.

Kung ang iyong aplikasyon ay maaprubahan, hindi ka obligadong tumanggap ng pautang pang-sakuna mula sa SBA subalit ang hindi pagsumite ng aplikasyon ay maaaring mag-diskwalipika sa iyo para sa ibang mga posibleng tulong mula sa FEMA, katulad ng pagpaayos ng mga sasakyan dulot ng sakuna, mga mahahalagang kagamitan pambahay at iba pang mga gastusin.

Ang mga pautang pang-sakuna ng SBA ang pinaka-malaking pinagmumulan ng pederal na pondo para pagbawi sa sakuna ng mga nakaligtas. Sa pagplano ng iyong pagbawi, bigyan ang sarili ng malawak na posibleng pagkuhanan ng pagpipilian. Ang pagsumite ng aplikasyon ang tumutulong para sa posibleng pagtanggap ng karagdagang tulong mula sa FEMA ang mga may-ari ng bahay at umuupa.

Ang mga aplikante ay maaaring mag-apply online gamit ang ligtas na website ng SBA sa DisasterLoanAssistance.sba.gov o mag-email sa DisasterCustomerService@SBA.gov para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa ng SBA para sa tulong pang-sakuna.

Ang mga aplikante ay maaari ring tumawag sa Customer Service Center ng SBA sa 800-659-2955 o mag-email sa  disastercustomerservice@sba.gov para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tulong pang-sakuna ng SBA. Ang mga indibidwal na bingi o hirap sa pandinig ay maaaring tumawag sa 800-877-8339.

Ang mga Negosyo ay maaaring humiran ng hanggang $2 milyon para sa kombinasyon ng mga sirang ari-arian o kapital sa paggawa (working capital). Ang mga may-ari ng bahay ay maaaring humiram ng hanggang $200,000 mula sa SBA upang ipaayos o palitan ang kanilang pangunahing tahanan. Ang mga may-ari ng bahay at umuupa ay maaaring humiram ng hanggang $40,000 upang ipaayos o palitan ang kanila personal na ari-arian.

Ang mga aplikante na maaaring maging karapat-dapat para sa isang halaga ng pautang na itaas hanggang 20 porsyento ng kanilang pisikal na pinsala, na napatunayan ng SBA para makapagpalubag. Ang mga karapat-dapat na mitigation improvements (pampalubag na pagpabuti) ay maaaring magpabilang ng isang sump pump, pagpapataas, French drain o retaining wall (pader pampanatili) upang makatulong na protektahan ang pag-aari at mga nakatira sa haharaping sira dulot ng katulad na sakuna.

Ang mga interes na singil ay kasing-baba ng 2.855 porsyento para sa mga negosyo, 2 porsyento para sa mga nonprofit na organisasyon, at 1.563 porsyento para sa mga may-ari ng bahay at umuupa, na may terminong hanggang 30 taon. Ang mga halaga ng pautang at termino ay binibigay ng SBA at base sa pinansyal na kundisyon ng aplikante.

Ang huling araw ng paghain ng isasauling aplikasyon para sa sirang pag-aari ay sa November 4, 2021. Ang huling araw ng pagsauli aplikasyon para sa kapital sa paggawa ay sa June 6, 2022.

Binuhay ng U.S. Department of Health and Human Services Substance Abuse and Mental Health Services Administration ang kanilang linya para sa Disaster Distress. Ang toll-free, may iba-ibang wika, serbisyo para sa pagsuportang pang-krisis ay bukas 24/7 sa pamamagitan ng teleponong 800-985-5990 para sa mga nakaligtas sa sakuna na dumaranas ng emosyonal na pagdurusa. Ang mga gumagamit ng ASL ay maaaring tumawag sa DDH sa pamamagitan ng 800-985-5990, o sa pagpili ng “ASL Now” sa opsyon sa website ng DDH sa disasterdistress.samhsa.gov.

Para sa mga karagdagang pagkukunan sa online, pati na rin ng mga downloadable pamphlets ng FEMA at iba pang tulong, bumisita sa www.disasterassistance.gov at i-click ang “Information.”

Para sa pagsangguni sa mga ahensyang sumusuporta sa pangangailangan para sa komunidad, tumawag sa inyong pinakamalapit na 211 counts center sa https://www.211nys.org/contact-us. Sa NYC tumawag sa 311, para sa nakapuwesto sa labas, tumawag sa 211.

Tags:
Huling na-update