ANG PROGRAMA NG FEMA NA BATAS NG BAYAN AY NAGBABAGO SA PAGGAMIT NG PAG-AARAL AT IPINAHAYAG ANG PALUGIT PARA SA MGA BAGONG PANGANGALAGA SA PAMBATASAN

Release Date Release Number
HQ-17-082
Release Date:
Setyembre 4, 2017

WASHINGTON—Upang suportahan ang iba’t ibang programa ng pagtulong na kasalukuyang nangyayari sa Texas, nagpalabas ng panibagong ulat ang FEMA ukol sa paghingi ng tulong mula sa National Flood Insurance Program (NFIP) at bingiyan nito ng mas maraming panahon upang makabayad ng premyum ang mga nasalanta ng bagyong Harvey.

Dahil sa lawak ng kasiraang iniwan ng bagyong Harvey, nagpalabas ang FEMA ng mga pagbabago upang mapadali ang pagbigay ng perang gagamitin ng mga may hawak ng batas, para ayusin o palitan ang mga nasira ng bagyo. Nais ding sigurahuhin ng FEMA na magpatuloy ang insyurans na matatanggap ng mga nasalanta ng bagyong lumipas, makabayad man sila o hindi ng premyum sa kasulukuyang panahon. At para sa mga katuwang nila sa NFIP na kasapi ng pribadong sektor, nakikiusap ang FEMA na:

  • Huwag nang hintaying matapos ang pagsisiyasat bago ibigay ang halagang hinihingi ng mga nasalanta ng bagyo;
  • Para sa mga may hawak ng batas na may larawan o bidyo ng sira na iniwanan ng baha, o may listahan ng gagastahin mula sa isang kontraktor, ibigay ang pinakamataas na halagang hinihingi na tulong;
  • Huwag nang humingi ng Katunayan ng Pagakawala o KNP; at
  • Bigyan ng hanggang 120 araw upang mabayaran ng mga may hawak sa batas ang kanilang NFIP mga pagbabagong-anyo sa insyurans ng baha. Sakop dito ang mga polisiya na napasailalim sa Presidential Disaster Declaration na itinakdang baguhin mula ika-24 ng Hulyo hanggang ika-27 ng Setyembre, 2017

Kabayaran

Ginawang mas madali ng NFIP ang paghingi ng tulong at ng makatanggap ng kabayaran para sa mga may hawak ng batas na nasalanta ng bagyong Harvey. Matapos makumpleto ang kinakailangan para mabayaran, maari ng pag-usapan ang paraan ng pagtanggap ng kabayaran:

  • Maaring makatanggap ang may hawak ng batas ng hanggang $5000 para sa sira na iniwanan ng bagyo—kahit hindi magbigay ng dokumentasyon o kahit hindi pa nabibisita ng ahente o “adjuster”. Kapag tinanggap ang kabayaran, makakatanggap ng sulat ang may hawak ng batas na nagpapatotoo sa sirang iniwanan ng bagyo.

 

  • Para sa mga may hawak ng batas na may karagdagang dokumentasyon (larawan, bidyo o resibo ng mga nagasta sa pagbili ng materyales, o listahan ng mga kinakailangan mula sa isang kontraktor) maari silang makatanggap hanggang $20,000. Para sa mga may hawak ng batas na nakaranas ng kasiraang hihigit pa sa ganitong halaga, makipag-ugnay sa “adjuster”.

Ibabawas sa huling kabayaran ang anumang unang kabayaran na matanggap ng may hawak ang batas. Anumang kabayaran ay maari lamang gamitin ayon sa nilalaan sa polisiya. Halimbawa, maaring gamitin ang kabayaran upang ayusin ang mga nasirang istruktura kung ito’y kasama sa polisiya. Maari ring gamitin ang kabayaran para palitan ang anumang nasira ng baha. Hindi maaring gamitin ang pera para ibayad sa pabahay o para sa mga pangangailan sa bahay.

Kung ang ari-arian ay kasalukuyang naka-sanla sa kompanya ng sanglaan ng bahay, dapat isama ang impormasyon ng nagpautang sa kabayarang nagtanggap. Kailangan ang lagda ng may hawak sa batas at ng nagpautang sa tsekeng matatanggap.

Katunayan ng Pagkawala ng Kasunduan

Upang maipadali ang pagbayad sa mga nasalanta ng bagyong Harvey, hindi kailangang magbigay ng Katunayan ng Pagakawala (KNP) .Ganito ang mangyayari:

  • Matapos makumpleto ang pagkuha, maglalaan ng panahon ang “adjuster” upang siyasatin ang nasira ng baha. Magbibigay ng ulat ang “adjuster” ukol sa nakitang kasiraan.
  • Kung may karagdagang sira na nakita ang “adjuster” o hindi sumangayon ang may hawak sa batas sa halagang matatanggap, maari humingi ng karadagang kabayaran kung hindi pa nasasagad ang halaga ng insyurans. Sa panahong ito, kakailanganin na ang KNP. Kung ang kabayaran natanggap ay naayon sa ulat ng adjuster, at hindi nagbigay ng KNP ang may hawak ng batas, maari ng isara ang pagkuha.

Kung ang may-hawak ng patakaran ay nagpasya na humiling ng karagdagang bayad, na dapat gawin sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang KNP, ang tagapangasiwa ay magkakaroon ng isang taon mula sa petsa ng pag-file ng paunang paghahabol, upang isumite ang kahilingan nito sa kompanya ng seguro. Ipinaalam ng FEMA ang lahat ng mga kasosyo sa NFIP nito tungkol sa prosesong ito at kung paano ito gagana. Hinihikayat ang mga tagapangasiwa ng NFIP na gumana nang malapit ng sumasaayos sa pinabilis na proseso na ito.

Ekstensiyon sa Kapanahunan ng Palugit para sa Pagbabago ng Patakaran

Maraming mga nasalanta ng baha ang hindi pa nakakapasok sa kanilang mga bahay at kasalukuyang nakararanas ng kahirapan dahil sa baha. Nais ipaalam ng FEMA na tutulong sila sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasalanta. Bibigyan sila ng karagdagang panahon para bayaran ang premyum hanggang 120 araw.

Ang karagdagang panahon sa pagbayad ng premyum ay:

  • Para lamang sa mga may hawak ng batas na nakatira sa mga lugar (Texas counties) na sakop ng Presidential Disaster Declaration; at sa mga nakatanggap ng “ mga abiso na kulang sa mga pagbabayad sa pagitan ng ika- Hulyo ng 24 – Setyembre 22, 2017.” Hindi sasakupin ng NFIP ang anumang kasiraan na sanhi ng baha kung hindi mabayaran ang premyum para sa pagbabago matapos ang panahon ng palugit. 

Para sa mga may hawak ng batas na may “pagbabagong petsa sa o bago Setyembre 23, 2017,” kailangang bayaran ang kanilang premyum sa loob ng 30-araw..

Makipag-ugnay sa inyong insurance upang ipaalam ang anumang sira na iniwan ng baha sa lalong madaling panahon. Kung wala kayong insyurans o hindi kayo tiyak, o hindi ninyo kilala ang inyong ahente, o may papeles kayong galing sa NFIP Direct, maari lamang na tumawag sa 1-800-621-3362, piliin ang #2, at makipag-usap sa isang ahente ng NFIP call center. Para sa mga gumagamit ng TTY, tumawag sa 1-800-462-7585

###

 

Ang misyon ng FEMA ay upang suportahan ang ating mamamayan at mga unang tagatugon upang matiyak na bilang isang bansa na nagtatrabaho kami upang bumuo, mapapanatili at mapabuti ang aming kakayahan upang maghanda, protektahan, tumugon, makuhang muli at pagaanin ang lahat ng mga panganib.

Subaybayan ang FEMA online sa www.fema.gov/blog, www.twitter.com/fema, www.twitter.com/femaspox, www.facebook.com/fema at www.youtube.com/fema. At, subaybayan ang Administrator Brock Long mga aktibidad sa www.twitter.com/fema_brock.

Ang mga link ng sosyal medya na ibinigay ay para sa sanggunian lamang. Hindi sinusuportahan ng FEMA ang anumang mga website, kumpanya o aplikasyon na hindi gobyerno. 

Tags:
Huling na-update