Ang Sentro ng Pagkuha ng Rehistrasyon sa Mobile ng FEMA Isasara sa Okt. 10 sa Lalawigan ng Sonoma

Release Date Release Number
DR-4558-CA NR 025
Release Date:
Oktubre 8, 2020

SACRAMENTO, Calif. – Ang Sentro ng Pagkuha ng Rehistrasyon sa Mobile ng FEMA (FEMA Mobile Registration Intake Center) na naglilingkod sa mga nakaligtas sa sunog sa Lalawigan ng Sonoma ng halos tatlong linggo ay isasara sa Sabado, Okt. 10.

Ang sentro ay nakaluklok sa Tanggapan ng Edukasyon ng Lalawigan ng Sonoma,  5340 Skylane Blvd., Santa Rosa, CA 95403.

Ang mga bumibisita ay maaaring makapagparehistro para sa tulong ng FEMA; tingnan ang katayuan ng kanilang mga aplikasyon sa FEMA; alamin ang impormasyon tungkol sa mga programa at mga ahensiya na makakatulong na mapabilis ang kanilang pagbawi; tumanggap ng mga kasagutan sa mga tanong; suriin ang impormasyon kalakip ng kanilang sulat mula sa FEMA; at alamin kung maaari pa silang makatanggap ng tulong kung mayroon silang seguro.

Ang Sentro ng Pagkuha ng Rehistrasyon sa Mobile ay bahagi ng misyon ng patuloy na pagtugon at pagbawi sa pagkubkob ng sunog noong Agosto sa buong California.

Ang mga nakaligtas ay maaaring magparehistro sa FEMA sa isa sa tatlong paraan:  sa online sa www.disasterassistance.gov; sa pag-download ng FEMA app sa isang smartphone o tablet; o sa pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) sa pagitan ng 7 ng umaga at 10:30 ng gabi Pacific. Ang mga tauhan ng helpline ay maaari ring tumugon sa mga tanong tungkol sa mga aplikasyon na naibigay na.

Tulong ng Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration/SBA)

Ang Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration/SBA) ay nagtayo ng isang Sentro ng Birtuwal na Pag-abot sa Pangungutang sa Sakuna (Virtual Disaster Loan Outreach Center) upang tumulong sa mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan.  Ang mga kinatawan ng serbisyo sa kostumer ay nakalaan para tumulong sa mga may-ari ng negosyo at mga indibidwal upang tumugon sa mga tanong tungkol sa programa ng SBA sa pautang para sa sakuna, ipaliwanag ang pamamaraan ng aplikasyon at tumulong sa bawat tao sa pagbuo ng kanilang elektronikong aplikasyon sa utang.

Sentro ng Birtuwal na Pagbawi sa Negosyo (Virtual Business Recovery Center) at Sentro ng Birtuwal na Pag-abot sa Pangungutang sa Sakuna (Virtual Disaster Loan Outreach Center)

Lunes — Lingo

5 ng umaga hanggang 5 ng hapon PDT

FOCWAssistance@sba.gov

(800) 659-2955

###

Related Links:
Tags:
Huling na-update