Paano Mag-File ng Flood Insurance Claim

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL FS 024
Release Date:
January 28, 2019

Hakbang 1 – Agad na kontakin ang iyong ahente o insurance company upang ipagbigay-alam ang iyong kawalan. Siguraduhing alam mo ang pangalan ng iyong insurance company, ang numero ng policy, at ang numero ng telepono o email address kung saan ka ma-kontak ng iyong insurer bago ka kumontak. Kung hindi mo matandaan ang pangalan ng iyong insurance company, tumawag sa NFIP Help Center at 800-427-4661.

 

Hakbang 2 – Mag-file ng notisya ng kawalan sa iyong insurer. Iniuutos ng lahat ng mga insurance policies para sa baha na ikaw ay maagap na magbigay ng nakasulat na notisya ukol sa mga pinsalang may kinalaman sa baha.  Agad na kontakin ang iyong insurance agent o kawani ng kumpanya kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa pag-file ng notisya ng kawalan. Kailangan mong magpadala ng nakasulat na notisya sa iyong insurance company kalakip ang numero ng iyong policy kung hindi ka agad makapag-file ng notisya ng kawalan dahil hindi mo makayanang kontakin ang iyong ahente sa insurance.

 

Hakbang 3 – Ihiwalay ang iyong ari-arian. Iniuutos ng iyong policy na ipaghiwalay ang mga nasirang ari-arian sa mga hindi nasirang ari-arian. Huwag itapon ang anumang bagay bago pa man ito makita ng adjuster, maliban kung iniuutos ng lokal na batas na itapon ito, o kung ang nasirang kagamitan ay mapanganib sa kalusugan. Kung kailangan mong magtapon ng ari-arian, kunan muna ito ng litrato bago itapon at mag-iwan ng mga sampol para makita ng adjuster.

 

Hakbang 4 – Gumawa ng isang listahan ng mga nasirang personal na ari-arian. Ang mga may-ari ng mga bahay, mga nag-re-renta at mga negosyo na bumili ng coverage para sa personal na ari-arian (personal property coverage) ay kailangang gumawa ng isang listahan ng mga nasirang ari-arian at maglakip ng anumang kaugnay na mga detalye o dokumento. Siguraduhing bigyang pansin ang mga sumusunod:

  • Ang bilang ng bawat kagamitan
  • Paglalarawan
  • Pangalan ng tatak
  • Modelo at serial number ng malalaking mga kasangkapan
  • Magkano kung itong kagamitan ay papalitan ng may katulad na uri at kalidad sa kasalukuyang mga presyo. Maglakip ng mga kaugnayang dokumento (halimbawa mga kuwenta ng bayad, mga resibo, mga litrato) 

 

Hakbang 5 – Maglista ng mga bahagi ng pinsala sa istraktura. Gumawa ng isang listahan ng anumang mga bahagi ng pinsala sa istraktura na nais mong ipakita sa adjuster habang inyong sinisiyasat ang ari-arian.

###

Tags:
Huling na-update noong