Kaalaman Para Sa Iyong Liham ng Kapasyahan Mula Sa FEMA

Release Date Release Number
FS 002
Release Date:
Pebrero 22, 2019

T: Ang natanggap kong liham ng kapasyahan (determination letter) mula sa FEMA ay nagsasaad na ang aking kahilingan para sa tulong sa kalamidad ay hindi pumasa o hindi kumpleto. Ano ang maaaring kong gawin?

S: Lahat ng aplikante para sa tulong pangkalamidad ay may karapatang umapela, at minsan ang isang madaling kaayusan na kinakailangan lamang ay palitan ang isang sagot na “Hindi” sa isang “Oo.” Basahin ng maigi ang liham para mas maunawaan kung bakit ang iyong kahilingan ay hindi pumasa o nakasaad na hindi kumpleto. Siguraduhin na palaging lakarin – huwag lang bastang sumuko - sa iyong liham ng kapasyahan.

 

T: Nais kong apelahin ang aking liham ng kapasyahan (determination letter). Paano ko ito gagawin?

S: Lahat ng apela ay kailangang nasa kasulatan. Kapag isusulat ang iyong apela, ipaliwanag kung bakit sa iyong palagay ay mali ang kapasiyahan ukol sa halaga o uri ng tulong na iyong natanggap. Ikaw, o ang isang tao na kumakatawan sa iyo o sa iyong sambahayan, ay kinakailangang pumirma sa liham. Kung ang taong sumulat ng liham ay hindi miyembro ng iyong sambahayan, kinakailangang may nilagdaang kasulatan mula sa iyo na nagpapaliwanag na ang taong ito ay kumakatawan para sa iyo at iyong sambahayan.

 

T: Ano ang kailangang kong gawin sa sinulat na apela at iba pang mga dokumento para sa apela?

S: Dalhin ang iyong liham ng kapasyahan (determination letter), ang iyong sulat na apela at iba pang mga pang-alalay na dokumentong hiniling sa iyong liham ng kapasyahan sa kahit anong Lunsurang Pagkakasauli dahil sa Kapahamakan (Disaster Recovery Center). Maaaring makita ang kinaroroonan ng Disaster Recovery Center sa www.fema.gov/disaster/4413 o pagtawag sa numero ng FEMA (FEMA Helpline) sa 800-621-FEMA (3362).

 

T: Hindi ako makakapunta sa Lunsurang Pagkakasauli dahil sa Kapahamakan (Disaster Recovery Center). Maaari ko pa rin bang apelahin ang aking liham ng kapasyahan (determination letter)?

S: Oo. Maaari mong ipadala ang iyong sulat na apela at mga pang-alalay na dokumento sa:

FEMA – Individuals and Households Program
National Processing Service Center
P.O. Box 10055
Hyattsville, MD 20782-7055

Maaari mo rin i-fax ang iyong pakete ng apela sa 800-827-8112, Attention: Individuals and Households Program. Sa pagpadala ng liham o pag-fax ng iyong sulat apela, siguraduhing nakalakip ang iyong personal na numerong rehistrasyon sa FEMA (personal FEMA registration number) at ang numero ng kalamidad (disaster number), DR-4413-AK, sa lahat ng iyong dokumento.

 

T: Maaari ko bang ipadala sa pamamagitan ng email ang aking sulat apela sa FEMA?

S: Hindi. Hindi maipoproseso ng FEMA ang iyong apela sa pamamagitan ng email, ngunit maaari mo itong ipasa sa aming website. Kung nais mong idaan ang iyong apela sa pamamagitan ng electronical na paraan, maaari kang gumawa ng account sa lunsuran ng tulong sa kalamidad (disaster assistance center) sa www.DisasterAssistance.gov. Kapag nakagawa na ng isang account, maaari mong ilagay ang iyong kasalukuyang impormasyong pantawag (contact information), isumite ang iyong dokumento para sa apela at mga pagsusuring liham (review letters) mula sa FEMA. Kapag isusumite ang mga kinakailangang dokumento sa iyong account, isang pakete ng apela ang kusang magagawa na maaaring isumite para suriin.

Tags:
Huling na-update