Pagtatasa sa Malaking Pagkasira Matapos ang Bagyong Michael

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL FS 029
Release Date:
Pebrero 7, 2019

Ang FEMA ay hindi nagpapasya sa malaking pagkasira at hindi nagbibigay ng abiso sa sinumang may-ari ng tirahan ng tungkol sa pagpapasya ng pagkasira. Ang FEMA ay maaaring hingan ng tulong para sa lokal na hurisdiksyon upang tasahan ang lawak ng pagkasirang dulot ng sakuna sa iilang mga istraktura. Ang mga datos ay ibibigay sa lokal na hurisdiksyon, na maaaring magbigay ng mga pagpapasya tungkol sa malaking pagkasira batay sa kanilang sariling mga ordinansya. Ang isang pantahanang istraktura ay winawaring may malaking pagkasira kung ang halaga ng pagkumpuni ng bahay ay katumbas o mas mahigit sa 50 porsiyento ng kanyang halaga sa pamilihan bago ang sakuna.

 

Ano Ang Ibig Sabihin ng “Substantial Damage” (“Malaking Pagkasira”)?

 

Nitong huli, maaaring narinig na ng mga komunidad sa Florida ang terminolohiyang “substantial damage” (“malaking pagkasira”) mula sa mga lokal na opisyal.  Kaya ano ang ibig sabihin nito? Ang substantial damage (malaking pagkasira) ay ginagamit sa mga estruktura sa isang Special Flood Hazard Area (Espesyal na Lugar na Madalas Masalanta ng Baha – SFHA) o bahaing lugar na may kabuuang gastos sa pagkukumpuni na 50 porsyento o higit pa ng halaga sa merkado ng estruktura bago mangyari ang sakuna, anuman ang sanhi ng pagkasira.

 

  • Ang pagpapasya sa isang estrukturang may malaking pagkasira ay ginagawa sa lokal na antas ng pamahalaan, na karaniwang ginagawa ng isang opisyal ng departamento sa pagpapatayo o tagapamahala ng bahaing lugar.
  • Maaaring siyasatin ng pamahalaan ng bahaing lugar sa komunidad o ng mga opisyal sa pagpapatayo ang inyong ari-arian kung pinaghihinalaan nilang ang inyong tirahan o negosyo ay may malaking pagkasira.
  • Ang lahat ng indibidwal, komunidad, negosyo at ahensya ng gobyerno ay may interes sa kung paano muling maipapatayo o maipapaayos ang mga gusaling nasira hatid ng sakuna.  Ang muling pagpapatayo pagkatapos ng sakuna ay isang oportunidad upang gawing mas matibay at ligtas ang mga gusali. Ang pangunahing mithiin ay upang mabawasan ang panganib ng pinsala mula sa mga sakuna sa hinaharap.
  • Kung napagpasyahan ng mga opisyal na ang residensyal na estruktura ay may malaking pagkasira – na nangangahulugang ang gastos sa pagkukumpuni ng tirahan ay katumbas ng o mas higit pa sa 50 porsyento ng halaga nito sa merkado bago ang pinsala ng sakuna – ang may-ari ay karaniwang may tatlong opsyon upang gawing naaayon sa patakaran ang estruktura.
    • Pag-aangat sa gusaling sa taas na pinagpapasyahan ng mga lokal na opisyal. 
    • Paglipat ng estruktura sa labas ng bahaing lugar.
    • Paggiba ng estruktura.
  • Ang pagkakaroon ng impormasyong ito ay nakakatulong sa mga may-ari ng ari-ariang magpasya kung ipapaayos o papalitan ang nasirang tirahan, at kung mangangailangan ng karagdagang gawain upang sumunod sa mga lokal na kodigo at ordinansa.
  • Para sa mga komunidad na sumasali sa National Flood Insurance Program (Pambansang Programa sa Seguro para sa Baha – NFIP), ang mga pagpapasya sa malaking pagkasira ay iniaatas ng mga lokal na ordinansa sa pamamahala sa mga bahaing lugar. Ang mga patakarang ito ay dapat na itatag para bumili ang mga residente ng komunidad ng insurance para sa baha sa pamamagitan ng NFIP.
  • Kung ang gusali sa isang bahaing lugar ay napagpasyahang may malaking pagkasira, ito ay dapat na gawing naaayon sa patakaran ng mga lokal na regulasyon ng pamamahala sa bahaing lugar.
  • Ang FEMA ang hindi nagpapasya sa malaking pagkasira at hindi nagbibigay ng abiso sa sinumang may-ari ng tirahan ng tungkol sa pagpapasya ng pagkasira. Maaaring hilingin sa mga team ng FEMA sa pagsusuri sa pagkasira na tumugon sa mga lokal na kahilingan upang suriin ang saklaw ng pagpasirang hatid ng sakuna sa ilang mga estruktura. Ang data ay ibinibigay sa mga lokal na hurisdiksyon na maaaring magpasya sa malaking pagkasira batay sa kanilang mga sariling ordinansa.
  • Ang mga eksperto ng FEMA sa pagpapahupa ng pinsala ay naging at patuloy sa masusing pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal.
  • Ang mga may-ari ng ari-ariang may insurance policy ng FEMA para sa baha at gusaling may malaking pagkasira
    sa isang Special Flood Hazard Area (Espesyal na Lugar na Madalas Masalanta ng Baha) ay maaaring makagamit ng mga karagdagang pondo mula sa kanilang policy (hanggang $30,000) upang tumulong na mabayaran ang mga gastos sa pag-angat, paglipat o paggiba ng estruktura. Para sa higit pang impormasyon sa probisyong ito – na kilala bilang Increased Cost of Compliance (Lumaking Halaga ng Pagsunod sa Patakaran) – makipag-ugnay sa inyong ahente ng insurance.
  • Sa ilang mga kaso, ang mga pagpapasya sa malaking pagkasira ay maaaring mauwi sa isang proseso ng pagkuha ng ari-arian, kung saan
    maaaring piliin ng isang komunisas na ipagbili at ipagiba ang mga ari-arian. Maaari itong maging kumplikado at gumugol ng malaking oras, ngunit naging isang matagumpay na paraan sa pag-iwas sa mas higit na mataas at higit na madalas na gastusin sa mga sunud-sunod na sakuna, lalo na ang baha.

Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnay sa inyong mga lokal na opisyal na tagapagpatupad ng batas o administrador sa bahaing lugar, National Flood Insurance Program (Pambansang Programa sa Seguro para sa Baha) ng FEMA sa 800-427-4661 o 800-427-5593 (TTY) o inyong lokal na ahente ng insurance. Ang higit pang impormasyon ay makukuha sa fema.gov at floodsmart.gov.

 

###

 

Tags:
Huling na-update