Pinsala ng Bagyong Taglamig? Narito ang Maaaring Sakupin ng Tulong ng FEMA

Release Date:
Marso 2, 2021

Ang mga Texans na may mga pagkawala na hindi nakaseguro ay dapat mag-aplay ng Indibidwal na Tulong ng FEMA sa lalong madaling panahon.  Ang mga residente na may mga bahay na nakaseguro ay dapat maghain ng paghahabol sa seguro bago mag-aplay sa FEMA.

Gabay sa Pagpaparehistro sa FEMA para sa mga Nakaligtas sa Bagyo sa Texas

Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan upang mag-aplay ay sa www.disasterassistance.gov at piliin ang “Mag-Aplay sa Online” (“Apply Online.”)  Habang nasa proseso ng aplikasyon, mangyaring tiyakin na piliin na ang dahilan ng pinsala ay niyebe/yelo.  Kung mayroon kang seguro at nag-aaplay ng tulong sa sakuna, kailangan mong maghain ng paghahabol sa iyong kumpanya ng seguro sa lalong madaling panahon.  Ayon  sa batas, hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benepisyo para sa mga nawala na sinakop ng seguro.  Kung hindi sasakupin ng seguro ang lahat ng iyong pinsala, maaari kang maging karapatdapat para sa tulong pederal.

Ang programa ng FEMA sa Tulong sa Indibidwal at Sambahayan ay hindi kapalit ng seguro at maaaring hindi magbayad sa lahat ng nawala na dulot ng sakuna.

Kung hindi maaaring makapagparehistro sa online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585).  Ang walang-bayad na mga linya ng telepono ay pinapatakbo simula 6 n.u. hanggang 10 n.g. CDT araw-araw.  Ang mga gumagamit ng isang relay na serbisyo tulad ng isang videophone, Innocaption o CapTel ay dapat magbigay sa FEMA ng kanilang partikular na numero na nakatalaga sa ganoong serbisyo.

Kapag nag-aplay ka ng tulong, maging handa sa mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka maaaring tawagan.
  • Ang iyong tirahan noong panahon ng sakuna at ang tirahan kung saan ka ngayon tumutuloy.
  • Ang numero ng iyong Social Security, kung nakahanda.
  • Isang pangkalahatang listahan ng mga pinsala at mga pagkawala, at
  • Kung nakaseguro, ang numero ng polisa ng seguro, at ang ahente o pangalan ng kumpanya

Tulong sa Sakuna at ang Pagiging Karapatdapat

Ang tulong sa sakuna ay maaaring kasama ang tulong pinansyal para sa pansamantalang tutuluyan at mga pagsasa-ayos sa bahay, mga pautang na may mababang-interes mula sa Pangasiwaan ng Maliliit na Negosyo (Small Business Administration/SBA) upang sakupin ang mga epekto ng sakuna.

Para sa mga karapatdapat na mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan sa isang itinalagang lalawigan, ang tulong ng FEMA ay maaaring kasama ang:

  • Pag-aari:  Maaaring tumulong ang FEMA sa pagsasa-ayos ng mga nasira kaugnay ng mga pumutok na mga tubo pati na rin ang mga pagpapainit na nasira kaugnay ng sakuna, pagpapahangin, mga sistema na pagpapalamig ng hangin, mga reprihadora at mga kalan.
  • Ang iba pang maaaring ipaayos na maaaring sakupin ay kasama na ang:
    • Mga nasira kaugnay ng sakuna sa kuryente, tubo o gaas sa bahay.
    • Mga tulo sa bubong na sumira sa mga kisame at nagbabantang sirain ang mga sangkap ng kuryente.
    • Mga nasirang kaugnay ng sakuna na mga sahig sa mga mahalagang sinasakop na parte ng bahay, at
    • Mga nasirang mga bintana kaugnay ng sakuna.

Pagbabayad sa Gastos sa Panunuluyan: DR-4586-TX lamang Ang mga nakaligtas na nagtamo ng mga gastos sa panunuluyan na hindi nakaseguro dahil sa mga pagkawala ng kuryente lamang at hindi nagkaroon ng mga pinsala kaugnay ng sakuna sa kanilang bahay ay maaari ng maging karapatdapat para sa pagbabayad.  Ang pamantayang panahon ay mula Peb. 11 - Peb. 28.

Tulong sa Pangungupahan:  Mga pondo sa upa sa kahaliling pabahay para sa mga aplikante na ang mga bahay ay naging hindi matitirhan dahil sa sakuna.

Tulong sa Personal na Pag-aari: Mga pondo para sa mga aplikante upang maipaayos o mapalitan ang mahalagang mga personal na pag-aari na hindi nakaseguro na nasira kaugnay ng sakuna, kasama na ang mga pag-aari na nasira ng mga pumutok na tubo.

Mga sari-saring bagay:  Mga pondo para sa ilang mga bagay na binili dahil sa sakuna. Ang pagbabayad sa mga  generators ay limitado sa isang generator na binili  ng aplikante sa panahon ng pangyayari  upang magamit ang isang kagamitan na kailangan sa panggagamot pagkatapos ng pagkawala ng kuryente.

Tulong sa Transportasyon:  Mga pondo para sa mga pangunahing sasakyan na nasira ng sakuna, kasama ang pinsala mula sa mga natumbang puno, mga kable ng kuryente o mga aksidente sa sasakyang dulot ng hindi ligtas na mga kundisyon sa pagmamaneho. 

Tulong sa Medikal at Ngipin: Mga pondo para sa mga hindi nakasegurong pangangailangang pang-medikal at pang-ngipin o mga pagkawala dulot ng sakuna tulad ng mga bagay na kinakailangan sa panggagamot na nasira ng mga pumutok na tubo o panggagamot dahil sa pagkakalantad sa mga mababang nagyeyelong temperatura.

Tulong sa Pag-aalaga sa Bata: Ang programa ng FEMA sa Tulong sa Ibang Mga Pangangailangan ay maaaring magbayad sa mga gastos sa pag-aalaga sa bata bilang resulta ng tumaas na pangangailangang pinansyal upang maalagaan ang mga batang may edad na 13 pababa at/o mga bata hanggang edad 21 na may isang kapansanan na nangangailangan ng tulong sa mga aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay na tinukoy sa batas pederal.

Tumawag sa  2-1-1 Texas

Ang mga boluntaryong organisasyon sa buong  Texas ay maaaring may mga programa o karagdagang pagkukunan  upang matulungan ka kung mayroon kang mga pangmadaliang pangangailangan.

Kawalan ng Pagkain

Hindi ka mababayaran ng FEMA para sa mga pagkaing nawala dahil sa pagkawala ng kuryente; ang mga boluntaryong organisasyon sa iyong kumunidad ay maaaring makatulong.

Gastos sa Kuryente

Hindi makakatulong ang FEMA sa mga singil ng enerhiya o iba pang singil ng kuryente. Ang mga residente na naghahanap ng tulong ay hinihimok na makipag-ugnay sa kanilang kumpanya ng kuryente para sa mga plano ng pagbabayad o mga pagpipiliang pagpapaliban ng pagbabayad.

Mga Deductibles sa Seguro

Hindi sinasakop ng FEMA ang mga deductible sa seguro.  Subalit, kung ang nakasegurong pinsala na dulot ng sakuna ay mababa kaysa sa deductible, maaaring magbigay ng tulong ang FEMA para makatulong sa mga pangangailangan ng aplikante.  Ayon sa batas, hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benipisyo para sa mga nawala na sinakop ng seguro kaya kailangang magbigay ka sa amin ng impormasyon mula sa iyong paghahabol sa seguro upang malaman kung karapatdapat ka para sa tulong mula sa FEMA.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bagyong taglamig noong nakaraang buwan sa Texas, bumisita sa

https://www.fema.gov/disaster/4586

Tags:
Huling na-update