Suporta sa Karamihang Bakwit

Maaaring suportahan ng FEMA Mass Care and Emergency Assistance ang mga gobyernong naapektuhan ng kalamidad at host-state sa pagbibigay ng mga serbisyo at mapagkukunang nagbibigay-buhay sa mga nakaligtas/bakwit ng kalamidad at kanilang mga alagang hayop sa bahay at mga service animals. Ang Mass Care and Emergency Assistance ay nagbibigay ng suporta sa anyong teknikal na tulong, koordinasyon, komunikasyon, at natukoy na mga mapagkukunan.

Mga Awtoridad

Mga Seksyon 402, 403, at 502 ng Robert T. Stafford Disaster Relief sa Emergency Assistance Act, Pampublikong Batas 93-288, na naka-code sa 42 U.S.C. §§ 5170a, 5170b, at 5192.

Mga Responsibilidad

Bago ang Insidente

  • Pagbibigay ng teknikal na tulong para sa pagbuo ng mga template na sumusuporta sa karamihang bakwit ng maraming ahensya; mga plano state, local, tribal, and territorial (SLTT) na gobyerno; mga materyales sa pagsasanay; at iba pang kasangkapan upang palakasin at pahusayin ang kakayahan ng bansa na suportahan ang transportasyon na may tulong mula sa gobyerno para sa mga bakwit.
  • Pagsusuri at pagsasama ng pinakamahuhusay na kagawian at mga aral na natutunan sa mga aktibidad sa paghahanda para sa pagsuporta sa mga bakwit.
  • Pagbuo ng mga kasunduan upang magbigay ng mga mapagkukunan, mga programa, at mga serbisyo para sa pagsuporta ng karamihang bakwit.
  • Pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno, mga SLTT, non-governmental organization (NGOs), at pribadong sektor upang bumuo ng mga pinagsama-samang proseso at mekanismo para dagdagan ang nasyonal, rehiyonal, at SLTT na mga kakayahan para sa pagsuporta ng karamihang bakwit.
  • Pagsuporta sa pagsasagawa ng Host State Agreements (ang isang estado ay sumasang-ayon na magbigay ng evacuation at/o sheltering na pagsuporta sa mga indibidwal mula sa apektadong estado).
  • Pagbibigay ng pagsasanay; pagpapadali ng mga ehersisyo; at pagsasama-sama ng suporta sa mga karamihang bakwit para sa iba pang mga pederal na ahensya, mga SLTT, at mga kasosyo ng NGO.
  • Pagbibigay ng kadalubhasaan sa paksa sa mga panloob na kasosyo, kabilang ang Response, Recovery, Logistics Management, and National Preparedness Directorates ng FEMA; Public Assistance Division; Office of Disability Integration and Coordination; sa National Processing Service Center.

Pagtugon at Paggaling

  • Makipag-ugnayan sa ibang mga pederal na ahensya, inanunsiyo at naghost ng mga SLTT, Logistics Management Directorate ng FEMA, mga NGO, at iba pang mga kasosyo upang subaybayan, suriin, patunayan ang pangangailangan para sa, at magbigay ng suporta sa mga SLTT para sa mga pantao at materyal na mapagkukunan, programa, at serbisyo.
  • Magbigay ng kadalubhasaan sa paksa at tulong teknikal sa National Response Coordination Center (NRCC) ng FEMA, Regional Response Coordination Center (RRCC), Joint Field Offices (JFO), initial operating facility (IOF), STT emergency operations center (EOC), at iba pang mga field office.
  • Magbigay ng mga mapagkukunan, kabilang ang kagamitan, materyal, mga suplay, mga pasilidad, at tauhan, upang suportahan ang mga karamihang bakwit sa pamamagitan ng mga mission assignments, mga kontrata, at iba pang mekanismo.
  • Tukuyin ang mga kinakailangan sa mapagkukunan, pagkukulang, at mga salik na naglilimita, at magbigay ng impormasyon sa mga bahagi ng FEMA, at iba pang ahensyang pederal, mga SLTT, mga NGO, at mga kasosyo sa pribadong sektor.

Mga Trigger sa Pagsasagawa

  • Ang mga Presidential disaster declaration (sa emerhensiya at malubhang kalamidad) na kasama ang Public Assistance emergency protective measures na importante sa mga mass evacuation issue.

Kasangkapan at Mapagkukunan

 

Tags:
Huling na-update