Limang Dahilan para Fill-upan ang Iyong Aplikasyon sa SBA

Release Date:
December 14, 2023

Pagkatapos mong mag-apply para sa tulong ng FEMA, maaari kang i-refer sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo). Kung hilingan ka na magsumite ng isang aplikasyon sa pautang sa sakuna ng SBA, may mga benepisyo sa pagfill-up at pagpadala nito kaagad.

 Wala kang obligasyon para tanggapin ang pautang ng SBA kung inapruba ito, pero ang hindi pagbalik sa aplikasyon ay maaaring magdiskwalipika sa iyo para sa ibang posibleng gawad mula sa FEMA par magbayad ng pagpapaayos o pagpalit ng kotse na ay kaugnayan sa sakuna, mahalagang gamit sa bahay at iba pang gastusin.

1. Ang mga programa ng SBA ay kayang tumulong sa mga may-ari ng bahay at umuupa, pati na rin sa malalaki at maliliit na negosyo (kabilang ang mga may-ari ng apartamento) at ahensyang walang-kinikita

Maaaring maging karapat-dapat ang mga may-ari ng bahay nang hanggang $500,000 sa mababang-interes na pautang upang ipa-ayos o palitan ang kanilang bahay. Ang mga umuupa at may-ari ng bahay na nawalan ng personal na gamit sa sakuna ay maaaring maging kwalipikado na humiram nang hanggang $100,000 para palitan ang mga gamit na kanilang kailangan tulad ng damit o muwebles – kahit sasakyan.

Kung ikaw ay isang may-ari ng negosyo sa Cook County na naapektuhan ng bagyo at pagbaha noong Setyembre 17 – 18 at kailangan mo ng tulong pagkatapos ng sakuna, may malaking pagkakataon na makakatulong ang SBA, pero kailangan mo munang mag-apply. 

2. Maaaring makakuha ng mababang-interes na kabayaran pangsakuna 

Kaya ng SBA na mag-alok ng pautang na swak sa iyong personal na badyet. Para sa mga aplikante na hindi kayang makakuha ng utang sa ibang lugar, ang rate ng interes ay 2.5 % para sa pautang sa bahay, 4.0% para sa mga pautang sa negosyo at 2.375% para sa mga organisasyong walang-kinikita. Ang iyong unang pagbabayad para sa 12 buwan ay hindi pa kailangang bayaran, at walang interes ang isisingil para sa labindalawang buwan na iyon. Mayroon kang hanggang 30 taon para magbayad at walang multa o bayad ang paunang bayad.

Kung mayroon ka nang mortgage sa nasirang pag-aari, kayang tumulong ng mga espesyalista ng SBA gamit ang mababang-interes na pautang na abot kaya sa iyo. Sa ilang pagkakataon, kayang i-refinance ng SBA ang lahat o bahagi ng isang umiiral na mortgage.

3. Ang pagfill-up nito ay maaaring mangahulugan ng karagdagang tulong mula sa FEMA 

Sa pagsusumite ng iyong aplikasyon sa pautang ng SBA, pinapanatili mo ang buong hanay ng tulong sa sakuna na magagamit bilang opsyon. Kung hindi inaprubahan ng SBA ang isang pautang para sa iyo – o inaprubahan ang isang maliit na pautang na hindi sumasaklaw sa lahat ng iyong pangangailangan – maaari kang mai-refer sa iba pang programa para sa mga gawad na upang palitan ang mahahalagang gamit sa bahay o palitan o ayusin ang isang nasirang sasakyan, bukod sa iba pang malubhang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna. Pero kung hindi ka magsumite ng aplikasyon sa pautang mula sa SBA, maaaring tumigil ang proseso ng tulong.

4. Ang SBA ang pinakamalaking mapagkukunan ng pondo sa pagbawi

Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ay ang pinakamalaking mapagkukunan ng pederal na pondo ng pagbawi sa sakuna para sa mga nakaligtas. Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ay sumasaklaw sa mga pagkawala na hindi ganap na binabayaran ng seguro, gawad ng FEMA o iba pang mapagkukunan. Ang mga nakaligtas ay hindi dapat maghintay para sa isang kasunduan sa seguro bago magsumite ng isang aplikasyon sa pautang ng SBA. Maaari nilang matuklasan na kulang ang kanilang seguro para sa deductible o paggawa at materyales na kinakailangan para ipaayos o palitan ang kanilang bahay.

5. Maaaring makakuha ng pondo na magbabawas ng mga panganib sa sakuna sa hinaharap

Ang mga kwalipikadong humihiling ng pautang sa sakuna ng SBA ay maaaring piliing tanggapin ang pinalawak na pondo upang tulungang pagaanin ang kanilang bahay o negosyo laban sa sakuna sa hinaharap. Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ay maaaring ipataas nang hanggang 20% upang magpagawa ng upgrade sa gusali.

Bumabawi ka man sa isang idineklarang sakuna o nagpapalano ka nang maaga at nag-iisip kung paano mo mapoprotektahan ang iyong tahanan at pamilya, negosyo, at mga empleyado, ang tulong sa pagpapagaan ay hindi lang nakakatulong sa iyo na muling magbuo at makabalik sa negosyo, pero magagamit din ang pera para makagawa ng pagpapabuti ng pag-aari na nag-aalis ng pinsala sa hinaharap o nagliligtas ng mga buhay.

Ang pag-apruba ng SBA sa mga hakbang sa pagpapagaan ay kinakailangan bago magawa ang anumang pagtaas ng pautang. Walang gastos para mag-apply, at wala kang obligasyon na tanggapin ang pautang kung maaprubahan.

Kahit na mga simpleng bagay ay kayang patibayin ang iyong tahanan o negosyo ngayon upang maiwasan ang pagkasira at hindi planadong gastos sa hinaharap.

Matuto pa tungkol sa tulong sa sakuna ng SBA sa https://disasterloanassistance.sba.gov/ela/s/loan-information. Bumisita sa www.fema.gov/disaster/4749 para sa impormasyon tungkol pagbawi sa sakuna sa Illinois. 

                                                                                   ###

Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Tags:
Huling na-update noong