FAQ: Proseso ng Pagbabayad ng Renta sa Direktang Pabahay

Release Number:
FEMA FACT SHEET FS-053: DR-4724-HI
Release Date:
Marso 11, 2025

Kung ikaw ay nakaligtas sa mga malalaking sunog sa Maui noong 2023, at nasa Programa ng Direktang Pabahay ng FEMA, ang sumusunod na impormasyon ay maaaring makatulong na gabayan ka sa proseso ng pagbabayad sa renta.

Q&A: Mga Pagpipilian at Mga Tagubilin sa Pagbabayad ng Renta

Q. Kailan kinakailangan magsimulang magbayad ng renta ang mga kalahok sa Direktang Pabahay? 

A. Sa Marso 1, 2025, kinakailang simulang magbayad ng buwanang renta sa FEMA ang lahat ng mga sambahayan ng Direktang Pabahay. 

Q. Paano ko matatanggap ang aking pahayag ng renta? 

A. Makakatanggap ang mga sambahayan ng kanilang mga pahayag ng renta sa kanilang kasalukuyang mailing address. 

Q. Paano ko maipapadala ang aking pagbabayad sa renta? 

  • Telepono:      
    • Tumawag sa 866-804-2469 Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 4 ng gabi. EST (Ang EST ay kasalukuyang anim na oras bago ang oras ng Hawaii.)
    • Tinatanggap na mga pamamaraan ng pagbabayad:
    • Account sa Bank (ACH)
    • Debit o credit card
  • Check o Money Order na Babayaran sa FEMA:       
    • U.S. Mail:  FEMA, PO Box 6200-16, Portland, OR 97228-6200

  • Overnight na Paghahatid/Mga Pagbabayad sa Courier:   

    U.S. BANK-Government Lockbox, ATTN: DHS-FEMA-6200-16,

    17650 NE Sandy Blvd, Portland, OR 97230

  • Ibalik ang mga Checks ng Departamento ng Tesorerya (U.S. Department of the Treasury) sa pamamagitan ng US Mail:

    • U.S. Department of the Treasury, ATTN: Treasury Check Return, 

    PO Box 51318, Philadelphia, PA 19115

  • Elektronikong Pagbabayad:
    • Online sa www.pay.gov
    • Tinatanggap na mga paraan ng pagbabayad sa online
    • Account sa Banko (ACH)
    • Account sa PayPal
    • Account sa Venmo
    • Debit o credit card

Q. Paano ako makakagawa ng elektronikong pagbabayad sa renta, o e-payment?

  1. Pumunta sa www.pay.gov
  2. I-type ang “FEMA” sa search box (puting kahon na matatagpuan sa kanang itaas ng pahina)
  3. Sa Mga Resulta ng Paghahanap, hanapin ang Sentro ng Pinansya ng FEMA (FEMA Finance Center) - Form ng Pagbabayad
    • I-click ang [Magpatuloy]
    • I-click ang [Magpatuloy sa Form]
  4. Kumpletuhin ang Form ng Ahensya
    • Ang Sulat ng Abiso at Pagkaka-utang (Notice and Debt Letter, NDL) # ay nasa iyong sulat sa ilalim ng address. Ang numerong ito ay magbabago buwan-buwan.
    • I-click ang [Magpatuloy]
  5. Kumpletuhin ang Form ng Pagbabayad
    • Pagpipilian upang ilagay ang email address upang makatanggap ng kumpirmasyon ng email
    • I-click ang [Magpatuloy]
    • Kumpleto na ang proseso

Q. Maaari ba akong mag-set up ng mga awtomatikong elektronikong pagbabayad sa renta, o auto-pay?

A. Ang auto-pay ay hindi magagamit na pagpipilian sa oras na ito.

Q. Kailan kinakailangan ang pagbabayad ng renta?

A.  Kinakailangan ang pagbabayad ng renta sa loob ng 30 araw pagkatapos ng takdang petsa.

Q. Paano kung gagawin ko ang pagbabayad pagkatapos ng 30 araw?

A. Pagkatapos ng 30 araw, ang utang ay itinuturing na delingkuwente at sisimulan ng FEMA ang aksyon sa koleksyon ayon sa kinakailangan ng Batas sa Pangongolekta na Pautang ng 1982 (Debt Collection Act ng 1982), ang Batas sa Pagpapabuti ng Pangongolekta ng Pautang ng 1996 (Debt Collection Improvement Act of 1996, DCIA), at ang Batas ng Pananagutan at Transparency ng 2014 (Batas ng DATA) (Digital Accountability and Transparency Act of 2014, DATA Act).

Q. Kanino ako makikipag-ugnay kung mayroon akong mga katanungan tungkol sa kung paano magbayad?

 A. Tumawag sa FEMA Finance sa 866-804-2469, Lunes hanggang Biyernes mula 9 ng umaga hanggang 4 ng gabi EST (ang EST ay kasalukuyang anim na oras bago ang oras ng Hawaii) o mag- email sa FEMA-Finance-AccountsReceivable-Deposits@FEMA.dhs.gov. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo sa caption, o iba pang mga serbisyo sa komunikasyon, mangyaring ibigay sa FEMA ang partikular na numero na itinalaga para sa serbisyong iyon.

# # #

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago pa, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Tags:
Huling na-update