Mga Nasirang Poso at Poso-Negro

Release Date:
Setyembre 18, 2023

Ang mga residente ng county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee at Taylor na nawalan ng access sa tubig dahil sa nasirang pribadong poso o poso-negro bilang resulta ng Bagyong Idalia ay maaaring maging kwalipikado para sa tulong ng FEMA.

Anong tulong ang magagamit?

Para sa mga pribadong poso at poso-negro, ang FEMA ay maaaring mag-reimburse sa iyo ng halaga ng isang propesyonal na lisensyadong technician na bumisita sa iyong bahay at naghanda ng tantiya na nagdedetalye ng mga kinakailangang pagawa o palit ng iyong mga sistema na nasira ng sakuna.

Bilang karagdagan sa tantiya ng technician, ang FEMA ay maaari ring magbayad para sa halaga ng aktwal na pag-aayos o pagpapalit ng iyong poso-negro o pribadong poso, na hindi mga bagay na maaaring saklaw ng seguro.

Kung ikaw ay nag-apply para sa tulong ng FEMA at hingi pa nagkakaroon ng inspeksyon sa iyong bahay, dapat mong tawagan ang Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Sa panahon ng iyong inspeksyon, ibigay-alam mo sa tagasiyasat ng FEMA na mayroon kang pribadong poso at/o poso-negro na maaaring nasira ng bagyo.

Kung natukoy na ang sira ay naidulot ng Bagyong Idalia, maaari kang maging kwalipikado para sa tulong ng  FEMA. 

Kung ikaw ay nagkaroon na ng inspeksyon at hindi naiulat ang pagkasira sa poso o poso-negro, makipag-ugnayan sa Linya ng Tulong ng FEMA upang malaman ang proseso ng pag-aapela at kung ano ang kakailanganin ng FEMA para maipagpatuloy ang pagpoproseso ng iyong aplikasyon. Pakitago ang pahayag ng iyong kontrastista, tantiya o resibo para sa sira na naidulot ng sakuna, at isumite silia kasama ang iyong nakasulat na liham ng pag-aapela sa FEMA. Maaari mong banggitin ang natanggap mong liham ng pagiging karapat-dapat para sa karagdagang impormasyon. 

Para makapag-apply para sa tulong ng FEMA, mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang FEMA App para sa mga kagamitang mobile, bumiita sa Sentro ng Pagbawi sa Sakuna o tumawag ng libreng-toll sa 800-621-3362. Ang linya ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. ET. Makukuha ang tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS, serbisyo ng naka-caption na serbisyo o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang numero mo para sa serbisyong iyon. Para makanood ng isang bidyo kung paano mag-apply bumisita sa Tatlong Paraan para Mag-apply para as Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube. Ang huling araw para mag-apply ay Oktubre 30, 2023. 

Tags:
Huling na-update