DR-4683-4699-4750-4769-CA Pangkalahatang Panghuling Pampublikong Abiso
Notice Date |
---|
Ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) sa pamamagitan nito ay nagbibigay ng abiso sa publiko ng layunin nitong ibalik sa mga kwalipikadong aplikante ang mga kwalipikadong gastos para sa pagkukumpuni o pagpapalit ng mga pasilidad sa ilalim ng kanilang awtoridad at hurisdiksyon na nasira bilang resulta ng:
Malalang Winter Storms, Baha, Pagguho ng lupa, at Pagbaha ng putik sa California, sa panahon ng insidente na Disyembre 27, 2022 – Enero 31, 2023, sa ilalim ng major disaster declaration FEMA-4683-DR-CA, na nilagdaan ng Pangulo noong ika-14 ng Enero, 2023;
Malalang Winter Storms, Malalakas na Hangin, Baha, Pagguho ng lupa, at Pagbaha ng putik sa California, sa panahon ng insidente na Pebrero 21, 2023 – Hulyo 10, 2023, sa ilalim ng major disaster declaration FEMA-4699-DR-CA, na nilagdaan ng Pangulo noong ika-3 ng Abril, 2023;
Bagyong Hilary sa California, yugto ng insidente noong Agosto 19, 2023 - Agosto 21, 2023, sa ilalim ng pangunahing deklarasyon ng kalamidad ng FEMA-4750-DR-CA, na nilagdaan ng Pangulo noong ika-21 ng Nobyembre, 2023;
at mga Matinding Winter Storm, mga Buhawi, Pagbaha, mga Pagguho ng Lupa, at mga Mudslide sa California, yugto ng insidente noong Enero 31, 2024 - Pebrero 9, 2024, sa ilalim ng pangunahing deklarasyon ng kalamidad ng FEMA-4769-DR-CA, na nilagdaan ng Pangulo noong ika-13 ng Abril, 2024.
Ang mga paunang Pampublikong Paunawa sa malawakang sakuna ay inilathala noong Setyembre 11, 2023, para sa DR-4683 mga Matinding Winter Storm, mga Buhawi, Pagbaha, mga Pagguho ng Lupa, at mga Mudslide sa California,; noong Nobyembre 1, 2023, para sa DR-4699 Mga Matinding Winter Storm, mga Straight-line Wind, Pagbaha, mga Pagguho ng Lupa, at mga Mudslide sa California; noong Disyembre 27, 2023, para sa DR-4750 Bagyong Hilary sa Califronia; at noong Abril 13, 2024, para sa DR-4769 mga Matinding Winter Storm, mga Buhawi, Pagbaha, mga Pagguho ng Lupa, at mga Mudslide sa California.
Maaari ring tugunan ng abisong ito ang mga requirement sa ilalim ng Section 106 ng National Historic Preservation Act (NHPA). Ipinag-uutos ng NHPA sa mga pederal na ahensiyang isaalang-alang ang epekto ng kanilang mga gawain sa mga makasaysayang ari-arian. Nangangailangan ng karagdagang pagsusuri ang mga aksyon o aktibidad na nakakaapekto sa mga gusali, istruktura, distrito o bagay na may edad 50 taon o mas matanda pa o nakakaapekto sa mga archeological site o hindi ginagalaw na lupa upang malaman kung ang ari-arian ba ay kwalipikado para isama sa National Register of Historic Places (Register). Kung ang ari-arian ay napag-alamang kwalipikado para sa Register at lubos na maaapektuhan ng gawain ng FEMA, magbibigay ang FEMA ng mga karagdagang pampublikong abiso. Para sa mga makasaysayang ari-arian na hindi naapektuhan ng gawain ng FEMA, ito ang tanging pampublikong paunawa.
Ang Batas sa Rehabilitasyon ng 1973 ay nagpoprotekta sa mga karapatang sibil ng mga taong may kapansanan. Ipinagbabawal ng pederal na pamahalaan ang diskriminasyon batay sa kapansanan, mga pederal na kontratista, at ng mga tatanggap ng pederal na tulong pinansyal. Ang sinumang tatanggap o pangalawang tatanggap ng mga pederal na pondo ay kinakailangan na gawing accessible ang mga programa nila sa mga indibidwal na may mga kapansanan. Nalalapat ang mga proteksyon nito sa lahat ng programa at negosyong nakatatanggap ng anumang pederal na pondo. Nalalapat ito sa lahat ng elemento ng pisikal/arkitektural, may kaugnayan sa programa at naa-access ang komunikasyon sa lahat ng serbisyo at aktibidad na isinasagawa ng o pinondohan ng FEMA. Nais ng FEMA na sumunod sa Batas sa Rehabilitasyon sa lahat ng pederal na isinasagawa at tinulungang mga programa na naaayon sa mga nangunguna sa buong komunidad na pagsasama at pangkalahatang pag-access.
Ang abisong ito ay nagsisilbing isang pinagsama-samang panghuling paunawa para sa pagkilos ng pagpopondo ng FEMA na matatagpuan sa loob ng floodplain at wetlands. Ang paunawang ito ay nalalapat sa Public Assistance (PA) na programang ipinatupad sa ilalim ng awtoridad ng Robert T. Stafford na Tulong sa Sakuna at ng Batas para sa Pang-emerhensya na Tulong, 42 U.S.C. §§ 5121-5207. Ang abisong ito ay upang ipaalam sa publiko ang layunin ng FEMA na maglaan ng mga pondong gawad sa mga pamahalaan ng Estado, lokal, at tribo, gayundin sa mga non-profit na organisasyon para sa pagkukumpuni o pagpapalit ng mga pasilidad sa loob ng mga itinalagang lugar na madaling malubog sa baha. Kabilang sa mga lugar na binabaha ang A at AE-Zones, na mga lugar na madaling malubog sa 1% taunang pagkakataon ng pagbaha hanggang sa Base Flood Elevation (BFE). Ang mga na-shade na X-Zone, na mga lugar na madaling malubog sa 0.2% taunang pagkakataon ng pagbaha, ay isinasaalang-alang na may kinalaman sa mga kritikal na aksyon (mga aksyon kung saan kahit na ang pinakamaliit na pagkakataon ng pagbaha ay masyadong mataas). Hindi ito sumasaklaw sa mga aksyon para sa mga lugar na nasa floodway o lugar na may mataas na peligro sa baybayin. Sa lahat ng pagkakataon, sinunod ng FEMA ang 8-hakbang na proseso na inilatag sa 44 CFR Part 9 upang matukoy ang pangkalahatang epekto ng mga proyekto sa loob ng mga lugar na ito at ang abisong ito ay nauukol lamang sa mga proyektong natukoy na magagawa.
Para sa Mga Espesyal na Lugar na Panganib sa Baha (A at AE-Zones), kinakatawan ng abisong ito ang mga proyektong nangangailangan ng buong 8-hakbang na proseso gaya ng itinakda sa 44 C.F.R. Part 9 at kung saan ang function ay hindi ginagawa ng isang mas praktikal na alternatibo. Para sa mga ganitong uri ng proyekto, magdudulot ang paglilipat o pag-abandona ng mga pasilidad ng malubhang panglipunan at pang-ekonomiyang epekto sa lokal na komunidad. Mapapababa ng lahat ng praktikal na paraan ang panganib na bumaha at hindi maaapektuuhan ng mga proyekto ang floodplain o mga wetland.
Hindi nalalapat ang abisong ito sa mga proyekto na:
(A) mga proyekto ng tulay na higit sa $100,000 (bawat indibidwal na site); o
(B) nagkakahalaga ng higit sa 50% upang maibalik ang pasilidad [44 CFR Part 9.5(d)(2) at (d)(4)]; o
(C) ay nasa floodway o coastal high hazard areas; o
(D) ay pagtatayo ng (mga) pansamantalang daanan; o
(E) ay mga proyektong nangangailangan ng pag-aaral ng Hydraulic at Hydrologic (H&H); o
(F) mga proyektong kinabibilangan ng mga hakbang sa mitigasyon; maliban sa mga pag-upgrade para sa kasalukuyang mga code at pamantayan at/o pinakamurang mga alternatibo.
Ang mga site ng proyekto ay maaaring matagpuan sa mga floodplains gaya ng nakamapa ng mga sumusunod na komunidad na kalahok ng NFIP:
County, California
Community Flood Insurance Rate Map (FIRM) (mga) Index Panel
Petsa ng Isyu
Alameda County 06001CIND0B
12/21/2018
Alpine County 06003CIND1B
11/16/2023
Amador County 06005CIND0B
1/20/2016
Butte County 06007CIND0A
1/6/2011
Calaveras County 06009CIND0B
5/16/2017
Colusa County 06011CIND0A
5/15/2003
Contra Costa County 06013CIND0C
3/21/2017
Del Norte County 06015CIND0C
8/2/2017
El Dorado County 06017CIND0B
4/3/2012
Fresno County 06019CIND0C
1/20/2016
Glenn County 06021CIND0A
8/5/2010
Humboldt County 06023CIND1B
6/21/2017
Humboldt County 06023CIND2B
6/21/2017
Imperial County 06025CIND1B
3/22/2022
Imperial County 06025CIND2B
3/22/2022
Imperial County 06025CIND3B
3/22/2022
Inyo County 06027CIND1B
12/3/2020
Inyo County 06027CIND2B
12/3/2020
Inyo County 06027CIND3B
12/3/2020
Kern County 06029CIND1B
10/21/2021
Kern County 06029CIND2B
10/21/2021
Kern County 06029CIND3B
10/21/2021
Kern County 06029CIND4B
10/21/2021
Kings County 06031CIND0B
9/16/2015
Lake County 06033CIND0B
10/31/2022
Los Angeles County 06037CIND1F
6/2/2021
Los Angeles County 06037CIND2F
6/2/2021
Los Angeles County 06037CIND3F
6/2/2021
Madera County 06039CIND0A
9/26/2008
Marin County 06041CIND0D
8/15/2017
Mendocino County 06045CIND1C
9/1/2022
Mendocino County 06045CIND2C
9/1/2022
Merced County 06047CIND0B
12/2/2008
Modoc County 06049CIND0B
12/2/2015
Mono County 06051CIND0B
12/18/2012
Monterey County 06053CIND1C
11/30/2023
Monterey County 06053CIND2C
11/30/2023
Monterey County 06053CIND3C
11/30/2023
Napa County 06055CIND0C
8/3/2016
Nevada County 06057CIND0A
2/3/2010
Placer County 06061CIND1A
11/2/2018
Placer County 06061CIND2A
11/2/2018
Plumas County 37097CIND0G
11/16/2018
Riverside County 06065CIND1F
5/25/2022
Riverside County 06065CIND2F
5/25/2022
Riverside County 06071CIND1E
9/2/2016
Riverside County 06071CIND2E
9/2/2016
Sacramento County 06067CIND1J
4/28/2023
Sacramento County 06067CIND2J
4/28/2023
Sacramento County 06067CIND3J
4/28/2023
Sacramento County 06067CIND4J
4/28/2023
San Benito County 37103CIND0E
11/30/2018
San Bernardino County 06065CIND1E
3/22/2022
San Bernardino County 06065CIND2E
3/22/2022
San Bernardino County 06071CIND1F
5/25/2022
San Bernardino County 06071CIND2F
5/25/2022
San Bernardino County 06071CIND3F
5/25/2022
San Diego County 06073CIND1F
3/22/2022
San Diego County 06073CIND2F
3/22/2022
San Diego County 06073CIND3F
3/22/2022
San Francisco County 060298IND0A
3/23/2021
San Joaquin County 06077CIND0B
10/20/2016
San Luis Obispo County 06079CIND1D
6/29/2023
San Luis Obispo County 06079CIND2D
6/29/2023
San Mateo County 06081CIND0D
4/5/2019
Santa Barbara County 06083CIND1D
9/28/2018
Santa Barbara County 06083CIND2D
9/28/2018
Santa Barbara County 06083CIND3D
9/28/2018
Santa Clara County 06085CIND0C
7/8/2015
Santa Cruz County 06087CIND1F
9/29/2017
Santa Cruz County 06087CIND2F
9/29/2017
Shasta County 06089CIND1C
9/22/2022
Shasta County 06089CIND2C
9/22/2022
Shasta County 06089CIND3C
9/22/2022
Shasta County 06089CIND4C
9/22/2022
Shasta County 06089CIND5C
9/22/2022
Shasta County 06089CIND6C
9/22/2022
Sierra County 06091CIND0C
12/20/2021
Siskiyou County 06093CIND0A
1/19/2011
Solano County 06095CIND0D
8/3/2016
Sonoma County 06097CIND0F
7/19/2022
Sonoma County 06097CIND1G
10/27/2022
Sonoma County 06097CIND2G
10/27/2022
Sonoma County 06097CIND3G
10/27/2022
Stanislaus County 06097CIND4G
10/27/2022
Sutter County 06099CIND0B
8/24/2021
Tehama County 060394IND0B
6/16/2015
Trinity County 06103CIND0A
9/29/2011
Trinity County 06105CIND1C
7/20/2016
Trinity County 06105CIND2C
7/20/2016
Tulare County 06105CIND3C
7/20/2016
Tuolumne County 06107CIND0B
12/18/2012
Ventura County 06107CIND0B
12/18/2012
Ventura County 06111CIND1E
8/19/2022
Yolo County 06111CIND2E
8/19/2022
Para sa mga naturang proyektong inilarawan sa itaas, ang pinagsama-samang huling pampublikong abiso na ito ay tumutupad sa mga requirement ng mga Executive Order 11988 at 11990 na naaayon sa 44 CFR § 9.12. Alinsunod sa Executive Order 11988 at 44 C.F.R. § 9.12, ang huling abiso ay ibinibigay sa layunin ng FEMA na magbigay ng pondo para sa mga proyektong ito sa ilalim ng Public Assistance (PA) na programa.
Magiging may kondisyon ang pagpopondo para sa mga iminungkahing proyekto sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na EO, pederal, pantribo, pang-estado at lokal na batas, mga regulasyon, mga pamantayan sa floodplain, mga requirement at kondisyon sa permit. Sumusunod ang aksyong ito sa mga requirement ng National Flood Insurance Program (NFIP).
Para sa mga proyektong hindi natugunan ang mga pamantayan sa itaas, isang panghuling pampublikong abiso na partikular sa proyekto ang ipa-publish, na magbibigay-daan sa komento ng publiko na may panghuling aksyon ng ahensya na ginawa pagkatapos ng 15 araw, alinsunod sa 44 C.F.R. § 9.12(f).
Ito ang magsisilbing panghuling pampublikong abiso tungkol sa mga aksyong inilarawan sa itaas na pinondohan ng programa ng FEMA PA para sa lahat ng tatlong ipinahayag na kaganapan. Maaaring magsumite ang mga interesadong tao ng mga komento, tanong, o humiling ng mapa ng isang partikular na proyekto sa pamamagitan ng pagsulat sa Federal Emergency Management Agency, Region 9, 1111 Broadway, Suite 1200, Oakland, CA 94607-4052 o sa pamamagitan ng pag-email sa FEMA-R9EHP@fema.dhs.gov. Ang mga komento ay dapat ipadala sa sulat na may linya ng paksa na CA – 4683-4699-4750 – Pinagsama-samang Panghuling Pampublikong Abiso sa address sa itaas sa loob ng 15 araw mula sa petsa ng abisong ito. Nasa ibaba ang isang mapa ng mga Deklaradong County.
FEMA-4683-DR-CA:![]()
FEMA-4699-DR-CA:
![]()
FEMA-4750-DR-CA:
![]()
FEMA-4769-DR-CA:![]()