Mananatiling Bukas ang mga Disaster Recovery Center upang Magbigay ng Tulong sa Sakuna dulot ng Wildfire

Release Date Release Number
NR-022
Release Date:
Marso 12, 2025

LOS ANGELES –Ang mga nakaligtas sa wildfire sa Los Angeles County na nangangailangan ng tulong ay maaaring bumisita sa isang Disaster Recovery Center (DRC) upang mag-aplay para sa tulong sa sakuna, makipag-usap sa isang kinatawan ng FEMA, kumonsulta sa mga kinatawan mula sa iba pang ahensya ng estado at pederal, at makatanggap ng mga update sa kanilang aplikasyon sa FEMA. Mananatiling bukas ang parehong DRCs hanggang sa karagdagang abiso. 

Matatagpuan ang mga DRC sa:

  • UCLA Research Park West 
    10850 West Pico Blvd. 
    Los Angeles, CA 90064 
    Bukas Lunes – Sabado: 9 a.m. hanggang 7 p.m.
     
  • Altadena Disaster Recovery Center
    540 West Woodbury Rd. 
    Altadena, CA 91001 
    Bukas Lunes – Sabado: 9 a.m. hanggang 7 p.m.
     

Ang mga Disaster Recovery Center ay pisikal na naa-access para sa mga taong may kapansanan at iba pang may pangangailangang pang-access at pang-functional. Ang mga ito ay may kasamang assistive technology at iba pang mapagkukunan upang matiyak na lahat ng aplikante ay may access sa mga serbisyo.

Ang pagbisita sa isang DRC ay isa lamang sa mga paraan upang makatanggap ng tulong. Maaari ka ring mag-aplay o mag-update ng iyong aplikasyon online sa DisasterAssistance.gov o gamit ang FEMA app. Maaari ka ring tumawag sa FEMA Helpline sa 1-800-621-3362.

Sundan ang FEMA online sa X @FEMA@FEMAEspanol, sa Facebook page ng FEMAFEMA Español, at sa YouTube account ng FEMA. Para sa impormasyon tungkol sa kahandaan, sundan ang Ready Campaign sa X sa @Ready.gov, sa Instagram sa @Ready.gov, o sa Ready Facebook page.

Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Bisitahin ang CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-aplay para sa tulong.

Tags:
Huling na-update