TALLAHASSEE, Florida ― Ang Estado ng Florida, US Department of Agriculture (USDA) at FEMA ay nakikipag-ugnayan para sa Isang Araw na Farm Recovery Center sa Hamilton, Hendry, Lafayette, Lee, Levy, Madison, Polk at Suwannee county. Ang mga kaganapang ito ay inorganisa upang magbigay ng suporta para sa mga magsasaka na apektado ng mga hurricane na Milton, Helene at Debby. Tutulungan ng Farm Recovery Center ang mga prodyuser ng agrikultura at aquakultura ng Florida na malaman ang tungkol sa tulong sa pagbawi ng sakuna na magagamit pagkatapos ng mga hurricane.
Ang USDA, Farm Service Agency, Natural Resources Conservation Service, Rural Development, FEMA, US Small Business Administration, Florida Commerce at iba pang mga ahensya ay nasa lugar ng kaganapan upang sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga grant, pautang at iba pang mapagkukunan na magagamit upang suportahan ang pagbawi ng sakahan.
Ang mga sentro ay bukas mula 9 ng umaga hanggang 3 ng hapon sa mga sumusunod na petsa at lokasyon:
- Hamilton County sa Disyembre 3: The Ernest Courtoy Civic Center, 1129 NW 4 Street sa Jasper
- Suwannee County sa Disyembre 5: UF /IFAS Suwannee County Extension Building, 1302 11 th Street SW sa Live Oak
- Lafayette County sa Disyembre 5: Mayo Community Center, 150 NW Community Circle sa Mayo
- Levy County sa Disyembre 6: Cafeteria ng Levy County Government Center, 310 School Street sa Bronson
- Polk County sa Disyembre 9: W.H. Stuart Center, 1710 US - 17S sa Bartow
- Hendry County sa Disyembre 10: UF /IFAS Hendry County Extension Building, 1085 Pratt Boulevard sa LaBelle
- Lee County sa Disyembre 11: North Fort Myers Recreation Center, 2000 N. Recreation Park Way sa N.Ft. Myers
- Madison County sa Disyembre 13: UF /IFAS Madison County Extension Building, 184 NW College Loop sa Madison
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Hurricane Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa impormasyon sa pagbawi ng Hurricane Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Para sa impormasyon sa pagbawi ng Hurricane Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. I-follow ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.
###
Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang at pagkatapos ng mga sakuna.
Nakatuon ang FEMA na tiyakin ang tulong sa sakuna ay natutupad nang pantay, nang walang diskriminasyon
sa batayan ng lahi, kulay, nasyonalidad, kasarian, oryentasyong sekswal, relihiyon, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o katayuan sa ekonomiya. Ang sinumang nakaligtas sa sakuna o miyembro ng publiko ay maaaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Karapatang Sibil ng FEMA kung nararamdaman nila na mayroon silang reklamo ng diskriminasyon. Ang Opisina ng Karapatang Sibil ng FEMA ay maaaring kontakin sa FEMA-OCR@fema.dhs.gov o toll free sa 833-285-7448.