TALLAHASSEE, Fla. – Binuksan ng FEMA ang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna sa Hernando County upang magbigay ng para-sa-bawat-isang tulong sa mga Floridians na naapektuhan ng Bagyong Helene at Bagyong Milton. Ang mga nakaligtas sa alinmang mga bagyo ay maaaring bumisita sa alinmang sentro.
Hindi kailangang bumisita ang mga nakaligtas para mag-apply para sa tulong. Ang mga nakaligtas ay hinihikayat na mag-apply sa online sa DisasterAssistance.gov o sa pamamagitan ng pag-download ng FEMA App. Ang FEMA ay hindi namamahagi ng pera sa Mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna.
Lugar ng Sentro:
Hernando County
West Hernando Branch Library
6335 Blackbird Ave
Brooksville, FL 34613
Mga Oras: 9 a.m.–6 p.m. Lunes-Linggo
Upang makahanap ng iba pang mga lugar ng sentro pumunta sa fema.gov/drc o mag-text ng “DRC” at isang Zip Code sa 43362. Lahat ng mga sentro ay maa-acess ng mga tao na may mga kapansanan o mga pangangailangan ng access at pagsagawa at nilagyan ng pantulong na teknolohiya (assistive technology).
Ang mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan ay hinihikayat na mag-apply sa online sa DisasterAssistance.gov o sa pamamagitan ng paggamit ng FEMA App. Maaari ka ring mag-apply sa pamamagitan ng telepono sa 800-621-3362. Kung pinili mong mag-apply sa pamamagitan ng telepono, mangyaring maunawaan na ang panahon ng paghihintay ay maaaring matagal dahil sa mataas na dami ng maraming sakuna na nangyari kamakailan. Ang mga linya ay bukas araw-araw at ang tulong ay makukuha sa karamihan sa mga wika. Kung gumagamit ka ng isang relay service, teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero ng serbisyong iyon. Para sa maa-access na video kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa FEMA Accessible: Applying for Individual Assistance - YouTube.
Kung nag-apply ka sa FEMa pagkatapos ng Bagyong Helene at may karagdagang pinsala mula sa Bagyong Milton, kailangan mong mag-apply nang hiwalay para sa Milton at ibigay ang mga petsa ng iyong pinakabagong pinsala.
Para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa pagbawi mula sa Bagyong Milton, bumisita sa fema.gov/disaster/4834. Para sa impormasyon sa pagbawi mula sa Bagyong Helene, bumisita sa fema.gov/disaster/4828 . Sundan ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.