SPRINGFIELD – Magbubukas ang FEMA/State Disaster Recovery Center sa Cook County sa Linggo, Oktubre 6 at isa pang center ang magbubukas sa Washington County sa Lunes, Oktubre 7 upang tulungan ang mga residente na masimulan ang kanilang pagbangon pagkatapos ng mga matitinding bagyo, buhawi, direktang linya ng hangin at pagbaha noong Hulyo 13 - 16, 2024.
Ang mga espesyalista mula sa FEMA, ang estado ng Illinois at ang U.S. Small Business Administration ay pupunta sa mga center upang tulungan ang mga nakaligtas na mag-aplay para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng mga dokumento, personal na sagutin ang kanilang mga tanong, i-access ang iba pang mga uri ng tulong na maaaring makuha at matuto ng mga paraan upang gawing mas matatag ang kanilang mga ari-arian laban sa sakuna.
Ang center sa Cook County ay magbubukas sa Linggo, Oktubre 6, sa sumusunod na lokasyon, araw at oras:
Fredrick A Douglas Branch Library
3353 W 13th St.
Chicago, IL 60623
Oras: Lunes at Miyerkules 10 a.m. – 6 p.m., Martes at Huwebes 12 p.m. – 8 p.m., Biyernes at Sabado 9 a.m. – 5 p.m., Linggo 1 p.m. – 5 p.m.
Ang center sa Washington County ay magbubukas sa Lunes, Oktubre 7, sa sumusunod na lokasyon, araw at oras:
Kaskaskia College Extension Center
17869 Exchange Ave
Nashville, IL 62263
Oras: Lunes – Huwebes 10:30 a.m. – 7:30 p.m.
Ang mga karagdagang recovery center ay magbubukas sa ibang mga apektadong county sa lalong madaling panahon. Upang makahanap ng pinakamalapit na center mula sa iyo, bisitahin ang FEMA.gov/DRC. Maaaring bumisita ang mga nakaligtas sa anumang center para sa tulong.
Ang tulong sa mga wika maliban sa Ingles, kabilang ang American sign language, at mga isinaling materyal ay makukuha sa mga center na ito. Pinipili ang mga lokasyon ng Disaster Recovery Center para sa kanilang madaling pag-access, na may layuning maabot ang pinakamaraming tao hangga't maaari. May mga lugar para sa parking sa lahat ng mga center.
Ang mga nakaligtas ay hindi kailangang bumisita sa Disaster Recovery Center upang mag-aplay para sa tulong ng FEMA. Upang mag-apply nang hindi bumibisita sa center, mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang FEMA mobile app o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-aplay ka.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.