Maaaring Mag-apply ang mga Mamamayan ng COFA para sa Tulong ng FEMA Hanggang Mayo 31

Release Date Release Number
NR-061
Release Date:
May 28, 2024

HONOLULU – Malapit na malapit na ang deadline ng mga mamamayan ng COFA na naapektuhan ng mga wildfire noong Ago. 8 sa Maui para mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA. Matatapos ang panahon ng aplikasyon sa Biyernes, Mayo 31.

Kabilang sa mga kuwalipikadong mag-apply para sa Programa para sa mga Indibidwal at Sambahayan (Individuals and Households Program) ng FEMA ang mga mamamayan ng Republic of Palau, Federated States of Micronesia, at Republic of the Marshall Islands.

Para mag-apply, dapat tumawag ang mga mamamayan ng COFA sa 808-784-1952 o bisitahin ang Lahaina Disaster Recovery Center sa Hyatt Regency Maui Resort and Spa, 200 Nohea Kai Drive. Matatawagan ang mga linya ng telepono mula 8 a.m. hanggang 4 p.m. HST Lunes hanggang Biyernes; mula 8 a.m. hanggang 2 p.m. HST Sabado; sarado tuwing Linggo.

Ang mga survivor na naghihintay na maitalaga sa mga unit na iniaalok sa ilalim ng programang Direct Lease ng FEMA ay maaari ding tumawag sa 808-784-1600. Ibigay ang iyong numero ng pagpaparehistro sa FEMA na may siyam na digit at numero ng telepono kung saan ka matatawagan, at tatawagan ka ng isang caseworker sa loob ng 24 na oras.

Maaaring tugunan ng tulong ng FEMA ang iba't ibang matinding pangangailangan na nauugnay sa sakuna na kinabibilangan ng pansamantalang pabahay at pagpapalit ng mahalagang personal na ari-arian kapag hindi sagot ng insurance ang pinsala. Binabayaran din nito ang gastos sa burol at pagpapalibing, paglilipat at pag-iimbak, pangangalaga ng bata, at medikal at dental na gastos na nauugnay sa sakuna.

Ang mga grant ng FEMA ay hindi binubuwisan, hindi kailangang bayaran, at hindi makakaapekto sa pagiging kuwalipikado para sa Social Security, Medicaid o iba pang pederal na benepisyo.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire sa Maui, bisitahin ang mauicounty.govmauirecovers.orgfema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. Sundan ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna mula sa U.S. Small Business Administration at mag-download ng aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.

Tags:
Huling na-update noong