Mga Mobile na Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay Bumibisita ng Maraming Lugar sa Levy County

Release Date Release Number
038
Release Date:
October 23, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang Estado ng Florida at FEMA ay nagpapatakbo ng mga Mobile Disaster Recovery Centers (Mobile na Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) sa Levy County upang magbigay ng isa-sa-isang tulong sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Idalia. Ang iskedyul na sentro ay:

  • Munisipyo ng Chiefland, 214 Silangang Abenida ng Park sa Chiefland
    • Martes, 10/24, 1 n.h. hanggang 6 n.g. at Miyerkules, 10/25 at Huwebes, 10/26, 9 n.u. hanggang 6 n.g.
  • Bulwagan ng Bayan ng Yankeetown, 6241 Lane ng Harmony sa Yankeetown
    • Biyernes, 10/27, 1 n.h. hanggang 6 n.g. at Sabado, 10/28 at Linggo, 10/29, 9 n.u. hanggang 6 n.g.

Ang mga karagdagang pagbisita ay iaanunsyo kapag ito ay nakumpirma.

Mga lugar na kasalukuyang bukas:

  • Citrus County: Aklatan ng Rehiyon ng Coastal, 8619 Kanlurang Kalye ng Crystal, Crystal River, 9 n.u. hanggang 7 n.g. Lunes-Miyerkules, 9 n.u. hanggang 5 n.h. Huwebes-Biyernes, sarado ng Sabado-Linggo (permanenteng magsasara ng 5 n.h. Oktubre 27)
  • Columbia County: 180 Silangang Kalye ng Duval, Lungsod ng Lake, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Dixie County: Pampublikong Aklatan ng County ng Dixie, 16328 Timog-Silangang US-19, Lungsod ng Cross, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo 
  • Gilchrist County: Himpilan ng Bumbero sa County ng Gilchrist #4, 6980 Timog-Kanlutrang Abenida ng ika-70, Trenton, 9 n.u. hanggang 6 n.g., Oktubre 17 hanggang Oktubre 21
  • Hamilton County: 1153 Hilagang-Kanlurang US Highway 41, Jasper, 9 n.u. hanggang 6 n.g., Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Hernando County: Sangay ng Pampublikong Aklatan sa Hernando, 9220 Daan ng Spring Hill, Spring Hill, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo. 
  • Jefferson County: Aklatan ng County ng Jefferson, 375 Timog Kalye ng Water, Monticello, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo, (permanenteng magsasara ng 6 n.g. Nobyembre 03)
  • Lafayette County: Sentro ng Komunidad ng Mayo, 150 Hilagang-Kanlurang Kabilugan ng Community, Mayo, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Biyernes, 9 n.u. hanggang 1 n.h. Sabado, sarado ng Linggo
  • Madison County: Pinagmulan ng Karera Hilagang Florida, 705 Silangang Kalye ng Base, Madison, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Pasco County: Panrehiyong Kanlungan sa Bagyo sa Fasano, 11611 Abenida ng Denton, Hudson, 9 n.u. hanggang 7 n.g. araw-araw, (permanenteng magsasara ng 6 n.g. Oktubre 28)
  • Suwannee County: Patlang ng Alaala, 617 Abenida ng Ontario Timog-Kanluran, Live Oak, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Taylor County: Sentro ng Komunidad sa Steinhatchee, 1013 Timog na Daan ng Riverside, Steinhatchee, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo

Hindi kinakailangan ang appointment para bumisita ng isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Inaanyayahan ang mga residente na bumisita ng kahit anong bukas na DRC, hindi mo kailangang manirahan sa county na iyon.

Ang mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay nagbibigay sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga pang-estadong ahensya ng Florida, sa FEMA at sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Malilit na Negosyo). Ang mga nakaligtas ay maaaring kumuha ng tulong sa pag-aaply para sa pederal na tulong, matutunan ang tungkol sa mga uri ng tulong na makukuha, matutunan ang tungkol sa proseso ng apelaat kumuha ng mga update sa mga aplikasyon.

Ang mga Sentro sa Pagbawi sa Sakuna ay maaaring gamitin ng mga taong may kapansanan. Mayroon silang kagamitan na may pantulong sa teknolohiya na magbibigay ng kakayahan sa mga nakaligtas na makipag-ugnayan sa mga tauhan. Ang Video Remote Interpreting (pagsasalin gamit ang remote na bidyo) ay magagamit at ang sa personal na pasenyas na wika ay magagamit kapag hiniling. Ang mga sentro ay mayroon ring naa-access na paradahan, mga rampa, at banyo.

Hindi kinakailangang bumisita sa isang sentro. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362, pagpunta sa online sa disasterassistance.gov, o sa paggamit ng FEMA mobile app. Ang linya ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay makukuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (VRS o serbisyo ng relay sa bidyo), naka-caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Upang makita ang isang naa-access na bidyo tungkol sa kung paano mag-aaply, bisitahin ang: Tatlong Paraan para Magrehistro para sa Tulong sa Sakung ng FEMA - YouTube.

Ang huling araw para mag-apply ay Nobyembre 29, 2023.

Ang Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA ay kayang tumulong sa gastos sa pansamantalang tuluyan, pangunahing pag-aayos sa bahay at iba pang mahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna. 

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong