Ang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna sa Jefferson County Magsasara

Release Date Release Number
037
Release Date:
October 20, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang disaster recovery center (DRC o sentro ng pagbawi sa sakuna) sa Jefferson County sa Aklatan ng Jefferson County, 375 Timog na Kalye ng Water sa Monticello ay permanenteng magsasara ng 6 n.g. sa Biyernes, Nobyembre 3.

Ang iskedyul bago tuluyang magsara ito ay 9 n.u. hanggang 6 n.g., Lunes hanggang Sabado, sarado ng Linggo.

Ang mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay nagbibigay sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa pang-estadong ahensya ng Florida, sa FEMA at sa U.S. Small Business Administration (Administrasyon ng Maliliit ng Negosyo). Ang mga nakaligtas ay maaaring kumuha ng tulong sa pag-aaply para sa pederal na tulong at pautang sa sakuna, sa pag-update ng aplikasyon at matutunan ang tungkol sa iba pang makukuhang paraan. Ang huling araw para mag-apply para sa tulong ay Nobyembre 29.

Marami pa ring sentro na bukas sa lugar na naapektuhan ng Bagyong Idalia. Ang mga residente ay inaanyayahang bumisita sa kahit anong bukas na sentro, hindi mo kinakailangang maging residente ng county nito. Upang makahanap ng sentrong malapit sa iyo, pumunta sa online sa: Tagahanap ng DRCfloridadisaster.org, o maaaring kang mag-text sa DRC along with your Zip Code to 43362. 

Hindi kinakailangang bisitahin ang isang sentro. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-apply o kumuha ng iba pang tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362, pagpunta sa online sa disasterassistance.gov, o paggamit ng mobile app ng FEMA. Ang linya ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (VRS o serbisyo ng relay sa bidyo), naka-caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Para makakita ng isang naa-access na bidyo tungkol sa kung paano mag-apply, bumisita sa: Tatlong Paraan para Magrehistro para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong